Hindi naman ako nagrereklamo. Wala lang. Kanino ko pa ba sasabihing napapagod din ako sa kasusulat? Siyempre, sa inyo din, dahil kayo 'tong bumabasa, eh.
Alam ko naman napapagod din kayo sa kababasa, dahil nahahabaan kayo sa blog ko. Pero this time, promise, pipilitin kong iklian lang ang aking kuwento, lalo na't muntik nang umikli ang buhay ko.
Totoo. Tatlong beses na 'kong muntik mamatay, alam n'yo ba? Oo, 'Day, nakakalokah!
Una, sa kahahabol ko ng delivery truck ng Pepsi. No, hindi naman ako nasagaan ng truck nu'ng mga 12 years old ako (mga 1982).
Hinahabol ko kasi ang truck, dahil ipapapalit ko 'yung dalawang tansan na hawak ko na may "Free Mountain Dew." Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na pangyayari, dahil nawalan na 'ko ng malay.
Ang natatandaan ko lang, nu'ng tumakbo ako patawid sa kabilang hi-way, nasagasaan ako ng rumaragasang taxi. Naikuwento na lang sa akin ng isang kumare ng nanay ko na naka-witness sa eksena ko, para daw akong bola na pagulong-gulong, kaya ang dami kong "free" galos sa katawan at may mga bukol din ako sa upper head.
Buti na lang external lang lahat ang tama ko at buti din 'yung mamang driver, hindi ako tinakbuhan.
Itinakbo niya ako sa ospital at ipinagamot ako. Inihatid pa 'ko sa bahay namin. Nandu'n pa nga ang tatay ko na day-off nu'ng araw na 'yon na imbes na magalit o maghuramentado, nagpasalamat pa siya sa taxi driver, dahil hindi ako tinakbuhan nito. Nagkuwentuhan pa sila, huh!
Saka ko naalala na oo nga pala, taxi driver din kasi ang fadir, kaya naintindihan niya ang kapwa niya taxi driver.
Habang ako naman, ang eksena ko, tulala sa may bintana. Iniisip ko kung sa'n na napunta 'yung dalawang tansan sa bulsa ko.
Inisip ko na lang, pag magaling na 'ko, maglilibot uli ako sa mga suking tindahan.
Pangalawang eksena: August 1987 coup attempt.
(http://en.wikipedia.org/wiki/1986%E2%80%931987_Philippine_coup_attempts#August_1987_coup_attempt)
Ito 'yung ang tawag namin, Manila Massacre. Kasi, alas dos na nang madaling-araw no'n.
(http://en.wikipedia.org/wiki/1986%E2%80%931987_Philippine_coup_attempts#August_1987_coup_attempt)
Ito 'yung ang tawag namin, Manila Massacre. Kasi, alas dos na nang madaling-araw no'n.
Dahil nga walang tatalo sa pagkatsismosa ko ng araw, kasama ang kuya kong si Oca, nakiusyoso ako kung ano 'yung itinatakbo ng mga kapitbahay namin patungong kanto ng Ramon Magsaysay malapit sa Nagtahan Bridge.
'Yun pala, merong parang mga trak na puno ng sundalo na susugod sa Malacanang na malapit lang sa amin.
Eh, si Tita Cory pa ang Presidente nu'ng time na 'yon. At usap-usapan nga nu'ng madaling-araw na 'yon na si Gringo Honassan daw 'yung namumuno sa pagsugod sa Malacanang kasama ang mga rebeldeng sundalo na ang sabi, tawag sa mga ito, RAM.
Mga limang metro lang ang layo sa tapat naming mga usyusero ang dalawang trak ng sundalong tila paatras na't hindi na yata susugod sa Malacanang.
Ang mga gagong adik sa Loreto, Sampaloc na nakikiusyoso, sila talaga 'yung nagsimula na asarin ang mga sundalo eh umaatras na nga, kaya "Boooo!" sila nang "Boooo!" sa mga sundalong sakay ng military truck ba 'yon.
Eh, naki-"Booo!" na rin ako, hanggang sa lalong lumakas ang "Booo!" ng mga usi. Nako, eto na. Napikon yata 'yung mga sundalo.
Ang ginawa ng mga ito, kitang-kita ko, itinutok sa aming mga usisero ang kanilang mga baril at walang kaabog-abog na nagpaputok.
Ratatatatatatat!
Juice ko po, naloko na! Kanya-kanyang takbo kami. Takbo ang bakla! Hindi na 'ko makatago sa tindahang sarado na that time, dahil naunahan na 'ko ng ibang nagtatago rin.
Papasok ako sa isang bahay du'n, pinalabas naman ako. Napagkamalan siguro akong magnanakaw.
Juice ko po, sunud-sunod ang ratatatatatat! Me nakita ako, kariton ng potpot ('yung parang popcorn), nagtago talaga ako sa gilid nito. Nakadapa ako.
Nararamdaman kong habang nagpuputukan, 'yung mga tama ng bala sa semento, tumatalsik 'yung pulbo ng semento sa braso ko, sa tenga ko, sa batok ko.
Sa loob-loob ko, Juice ko po, Lord, 'wag naman po. Baka me tama na 'ko. Juice ko po, 'wag naman po! Ang dami-dami ko pa pong pangarap sa buhay.
Juice ko, papaluin po ako ng nanay ko pag namatay ako. 'Wag naman po ngayon. Tama na po ang putok, please?! Baka tamaan na talaga 'ko!
Abot-abot talaga ang dasal ko, sobra. Hanggang sa hindi ko na marinig ang putok. "Ceasefire" na yata. Kaya ako naman, karipas ng takbo papalayo sa trak ng sundalo.
Na nalokah ako, dahil noon ko lang na-realize, ang dami na palang nakatimbuwang sa kalye. Wala nang buhay. Nakatapak pa 'ko ng ulo.
Oh, my goodness! Ang daming nabaril at namatay. Kung hindi ako nagkakamali, labing-anim. Thank you, Lord! ako nang thank you, Lord! talaga.
Juice ko, kinabukasan nagmukhang punerarya sa dami ng patay ang Loreto, Sampaloc. Dahil ilang bahay 'yung mailaw at maraming nagsasakla sa labas.
Hindi ko makakalimutan 'yung laging nakukunsumi ang nanay ko sa kapatid kong si Oca na ginawa nang tubig ang pag-inom ng alak, kaya laging lasing.
Kaya everytime naha-high blood ang nanay ko sa kapatid kong 'yan, ang lagi nitong dayalog, "Kung papatayin mo rin lang ako sa kunsumisyon, sana, nauna ka na lang nu'ng araw!"
March 18, 1996, natatandaan n'yo 'tong date na 'to? 26 years old na 'ko niyan. Bale 8 years na 'ko niyan sa showbiz.
Naiinis ako kasi, na-delay 'yung flight namin ng friend ko pa-Manila galing Hong Kong. Imbes na mga 6pm ang flight namin, na-delay ng mga 2 hours.
Naiinis talaga ako that time,. Juice ko, me kamiting akong guy noon. Magkikita kami sa isang disco sa Quezon City.
Kaso, na-late nga ang flight. Kaya pagdating sa Manila, dali-dali na 'kaming nag-taxi, dahil baka naiinip na 'yung boylet na kamiting ko sa disco.
Pagdating ng taksi sa tapat ng inuupahan kong bahay (pero room for rent lang ako), pina-standby ko na 'yung taxi, hintayin lang 'kako ako at ibababa ko lang ang mga gamit at aalis din kami 'kako at go na kami sa disco.
Nakakalokah, pagdating ko sa disco, inilalabas na 'yung mga bangkay. Mga 160 plus 'yung sinawimpalad sa Ozone Disco. Ano'ng nangyari? Ba't gano'n ang nangyari?
Kaya that time, naubos ang kuko ko sa kangangatngat sa sobrang tensyon. Hindi ko alam kung malulungkot ako, dahil me mga kaibigan akong nasawi sa loob.
O matutuwa ako, dahil hindi ako nakasama sa mga nasunog na karamihan ay mga newly graduates ng high school at college.
Kaya ngayon, pag nade-delay ang flight ng kahit anong trip ko, lagi kong iniisip, sine-save lang ako ni Lord sa tiyak na kapahamakan.
Sabi nila, pag ilambeses ka nang tsina-challenge ng tadhana, may sa-pusa ang buhay mo. Pag ayaw ka pang kunin ni Lord, meron ka pang "mission to be accomplished."
Siguro nga, kung noon pa 'ko kinuha ni Lord, baka hindi ko naranasan man lang ang maging mister, ang maging ama ng apat na bata, ang ma-enjoy kung ano meron ang buhay.
Ang maiahon sa hirap ang nanay ko; ang matulungan ang mga kapatid ko't pamangkin ko; ang makatulong sa ibang tao; ang ma-experience ang napakagandang regalo ng Diyos--ang buhay.
Na araw-araw ay lagi kong ipinagpapasalamat sa Kanya at ihinihingi sa Kanya ng extension hangga't hindi ako nagkakaapo sa tuhod.
At ma-imagine n'yo kung sa isa sa tatlong pagkakataong 'yon ay minalas-malas ako at natigok ako?
Multo siguro ang gumawa ng blog na 'to.
im first...naka release sa pagod reading your blog...more please...and may God shower you with more blessings..
ReplyDeletenakakaaliw talaga ang Batang Haggard series mo Ogs, share ko din sa mga friends ko para mabasa nila =)
ReplyDeleteTama yan.. Madalas din ako maiwan ng bus pero imbes na mainis naiisip ko nalang may plano si God.. =) kakaaliw sarap balikan ng nakaraan kahit mejo tragic. Naalala ko ung kudeta.. Mag papasko un.. At naaalala ko din ung ozone.. Ksi isa sa mga highschl mate ko na babae ang namatay dun.
ReplyDeleteMabuhay ka ogz.. Ano ka man ngayon proud ang pamilya mosayo.
salamat sa pagshare, mas nakikilala ka na namin ngayon. keep it up ha, wag ka mapagod sa pagshare ng story and experiences mo. :)
ReplyDeleteHello. I am Emarrah from Post Ad Ventures. We're organizing the Kaogma Festival in Camarines Sur this May 27. We'd like to extend an invitation to Vice Ganda to perform a skit during the opening ceremony. Who can I talk to for the booking/inquiry? Hope to hear from you soon. Thank you and God bless.
ReplyDeleteGrabe ang life experiences mo! nkakaiyak ha! I can really just imagine you as a kid. God is with you tlg! Love you mama ogs!
ReplyDeleteI also respect you more...
ReplyDelete9 yan tiya, may anim ka pa
ReplyDeleteyung mga next blogs ko, maiikli na. siguro, tapos na ang haggard series na 'to. naha-haggard ako sa kababalik-tanaw, eh. pero salamat sa inyong lahat sa pagsubaybay, ha?
ReplyDeleteSana, kahit konti, me napulot kayong aral at inspirasyon sa buhay. Kaya mo naman, eh. Ayaw mo lang.
grabe yung mga sundalo / mga nag coup! napikon lang, namaril na! hindi dapat sila humawak ng baril.
ReplyDeletenakakaantig naman ng puso ang blog mo sir...pero nag enjoy ako sa pagbabasa. at grabe pla mg pinagdaanan mo sir ha... kya you deserved naman ngyon kung ano meron ka at kung ano ka ngayon kc naman super tlga ang mga pinagdaan mo sa buhay para lang makamit kung ano ka now... your really my idol... God bless always and sana di ka magbago sir.. love yah!
ReplyDeletethank you for sharing..:)
ReplyDeletekaya pla ang unang tweet mo plagi ay "every gcing is a blessing" kce sa dami ng nranasan mo na pagsubok at sa ilang beses na pagligtas syo ng Panginoon. Sana patuloy mo lng ishare yung mga karanasan mo dhil pnapakita mo na wlang imposible sa panginoon lalo na pag snamahan mo ng sipag,pagmamahal sa magulang at pamilya at mgandang pkikitungo sa tao. Salamat and Godbless!
ReplyDeletegreetings Ogz from Wisconsin. thanks for sharing you life story, very motivational, patotoo lang na you can achieve your dreams if your work hard for it at the same with God's blessings. it seems you are a good father and a husband. you remind me of the movie "birdcage" by robin williams, et al. take care yourself and your daughters as well as to the missus.
ReplyDeletesalamat sa blog mo..ang daming pedeng matutuhan..sana may kasunod pa toh..*_*
ReplyDeleteagain you did it Ogz ♥ ...life has a purpose and you had the chance to witness how HE loves you as a CHRISTIAN.
ReplyDeleteAng galing mo Ogz! I like the way you write blogs. Keep it up! Enjoy ako sa mga Batang Haggard mo...hindi kaya umabot ito ng hanggang 100, hehe...
ReplyDeletemama ogz kahit mahaba blogs mo ok lang. i love them. kakaaliw and may lessons learned ha.
ReplyDeleteok lng kahit mahaba, kasi may sense naman... saka di lng konti ang napupulot naming aral, madami!!! You always make us realize that "every gising is a blessing" Thanks for sharing and for being an inspiration :)
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteI was just half way thru palang d2 sa blog mo mama Ogs...I was thinking na that: you are saved from those near death experiences coz may MISSION ka pa sa buhay. at magjojoke pa din sana ako ng: you got nine lives like a cat! Talk about reading telepathy...nabanggit mo nga lahat ng tumatakbo sa utak ko. Pinaka-ultimate yung last...imagine kung napaaga flight mo? really...PRAISE GOD everyday for the gift of life! :)
ReplyDeleteIt's like watching teleserye only much better coz they're true-to-life stories. And it leaves you thinking about your own life after reading. Thanks for the privilege, Ogie.
ReplyDeletekuya ogz 1987 daw yung year sabi ng wikipedia.
ReplyDeletehttp://en.wikipedia.org/wiki/1986%E2%80%931987_Philippine_coup_attempts#August_1987_coup_attempt
Well written Ogie!
ReplyDeleteAt tama ka, ang lahat ng pangyayari sa buhay natin ay planado ng Panginoon at may mga dahilan kung bakit nangyayari. Ako rin naiinis pag na dedelay ako pero dahil sa post nato, mula ngayon iisipin ko na na sine-save din ako ni God.
Please, huwag mong itigil ang Batang Haggard series mo, maawa ka sa aming mga readers mo. Sana talaga mapagbigyan mo ako sa hiling kong Batang Haggard - Ogie Diaz love story.
Idol, keep it up and may God bless you more!
Hello Ogie!
ReplyDeleteI'm really your fan. I salute your personality of being a fighter. Keep it up. God bless you.
galing mo talga inay!! palong palo! <3
ReplyDeletemama ogs! sus mariano ka indo! grabe nmn experiences mo! parang ur part of philippine history na!
ReplyDeletemama ogs ok lang kahet mahaba basta kakaaliw!
ReplyDeletehay...teary eyed...ang galing...
ReplyDeletethanks for sharing ur life experiences Ogie. I'll wait for ur next blog. Mabuhay ka!
ReplyDeleteang galing mo magsulat, ogie. sobra. i really love reading your entries. you really know how to connect with your readers and make them feel as if you're talking to a close friend. galing :)
ReplyDeletei am so looking forward to reading more stories of you from you. God bless :)
hindi ko na kayo iisa-isahin, ha? salamat. kayo rin naman ang nagbibigay lakas sa akin para mas alalahanin ko pa ang kagagahan at katsipan days ko. hehehe. salamat. inspirasyon din kayo.
ReplyDeletedahil po sa batang hagard na ito mas nakilala po kayo ng mga taong tumatangkilik sa inyo at mas nagustohan pa kau.....
ReplyDeleteGood to know Ogie Diaz is a Blogger.
ReplyDeleteprojeks®
Hi, Ogie! Weekly ka bang nagpopost ng blog? I love your entries. :) Pamapaalis ng lungkot at boredom. Sana wag ka magsawang mag-post.
ReplyDeleteGod bless you and your family.
mabuti nalang hindi ka natigok, mama ogs.
ReplyDeletemalungkot ang twitter kung wala ka. :)
i also believe na, there's a reason for everything. we may not understand it now, but some day, we will.
keep writing. :)
-ca_ptjack
Ogie, noon pa man, idol na kita. Keep it up! Batang 80's din ako, so naiimagine ko yung mga eksena sa Batang Haggard series mo. I love you, Ogie :)
ReplyDeleteang galing!!! kaloka ung mga kwento mo.. astig!!!
ReplyDelete