Friday, April 22, 2011

Pimple Making List...

       "Put---ina naman, o!  Kahit kailan, hindi kita kailangan, baket sulpot ka nang sulpot?! Nakakasira ka ng araw. Nakakasira ka ng diskarte.  Mako-conscious na naman ako niyan, dahil nandiyan ka na naman, bwiset ka!"
       Kung may buhay lang ang "taghiyawat" at nakakapagsalita rin, siguro, sinagot ka na niyan ng, "Gago ka? Pinagpuyatan mo 'ko, tapos, ieetsa-puwera mo lang ako? Okay ka lang?!"
      Sino ba'ng gusto ng pimples? 
      Sa mga sanay nang tubuan nito, normal na lang ang dayalog na, "Ah, okay. Andiyan ka na naman. Favorite mo talaga ang mukha ko! Mawawala ka rin!" na pag nawawala nga, kaagad-agad, may kapalit na naman ito hanggang hindi mo namamalayan, wala ka na palang pimples. Na puwedeng mapaglagyan pa sa mukha mo.
      Siguro, kung may mga paa lang ang pimples, palalagyan mo rin ng pinto ang mukha mo para hindi makapasok at pamahayan ng peste. 
      Kahit kelan ay hindi mo puwedeng sabihing weather-weather lang ang pagtubo ng pimples sa mukha mo.  Kung minsan nga, hindi ka naman nagpupuyat, kumbakit paggising mo, andiyan na naman siya.
     Na ang katwiran naman ng  iba, "Tumutubo 'yan kasi isip ka nang isip, balisa ka, nagwo-worry ka, hindi ka mapakali!"
     May mga nagkaka-pimples namang girls pag "meron."  'Yung isang kaibigan ko ngang girl, nabubuwisit, kasi nga, mga anim na pimples ang tutubo sa mukha niya pag "meron" siya.
     Sey niya, "Juice ko, sana, kung saan na lang ako dinugo, du'n na lang tumubo ang pimples.  Hindi pa kita."
       Ako, nu'ng bagets pa ako--walang exaj, ha?--juice ko po, araw-araw, ang lulusog ng mga pimples na tumutubo sa mukha ko.  Mapipintog at mabibilog.  Na otomatik na 'yan, ipiprik ko talaga siya to death na magiging sugat, tapos, hahayaang mag-heal hanggang sa maging scar na.
     Tapos, same procedure pag bumalik uli ang hayup na pimples.
     Charo Santos-Conscious talaga kasi ako sa pimples, eh.  Lalo na nu'ng araw na kung ano-ano na lang ang kapaniwalaan kong kayang sumugpo sa pimples ko. 
     Siyempre, kung ano-ano iisipin mo, lalo na't Poorita Mirasol lang kami nu'ng araw (wow, mayaman ka na, Ogie, gano'n?).  
      Nandiyang para akong gago na mamimitas ng dahon ng bayabas, ilalaga ko siya at 'yung pinakuluang sabaw no'n ang siyang ihihilamos ko. 
     Everytime ginagawa ko 'yon sa umaga, 'tang*na, feeling ko, parang "tit*ng bagong tule 'yung mukha ko na nilalanggas ko sa sabaw ng dahon ng bayabas. 
     Na pucha, baka mawala nga ang pimples ko, nangamatis naman ang mukha ko nito. Hahaha!
     Pero honest? Kung me nangyari? Hehehe. Meron. Hindi naman nagbubuntis ang pimples, di ba? Pero nanganak siyang lalo, kalokah. So tanggal na sa listahan ko ang dahon ng bayabas.
      Ang ginawa ko, dasal na lang ke St. Therese. Kilala n'yo ba si St. Therese?  No, 'yung iniisip n'yo, Santo 'yon.  Si St. Therese na kilala ko, 'yan 'yung ginagawa ko na lang sa pimples ko nu'ng araw, dahil walang pampagamot--Therese nang Therese.
      Kaya nu'ng pumasok na 'ko sa showbiz, sabi ko sa sarili ko, kailangan, bongga na ang fez ko. Although mukha pa rin akong adik sa kapayatan nu'ng mga early 90s, keri lang.
     Basta kahit chaka (read: pangit) ang face ko, ang importante, humupa lang ang tsunami ng pimples sa mukha ko.
      Kung sino-sinong mga OPM (Oh, Promise Me!) na dermatologists na ang nakipagpambuno sa pimples ko, kung ano-anong gamot ang binili ko mismo sa clinic nila, 'yung iba, nagreseta pa at sa botika ko pa binili, wa pa rin talab.
      Minsan nga, naisip ko, sa dami ng resetang nasa akin, ano kaya kung 'yung reseta na lang ang ipahid ko sa mukha ko, magkahimala kaya?  Ganyan ako kadesperado noon.
      Hanggang sa ma-meet ko si Dra. Vicki Belo na noon ay madalas mag-guest sa morning show kung saan kasama akong naglo-Locomotion. Alam ni Doc Belo, tinatakpan lang ng concealer ang mga bakas ng pimples sa mukha ko at minemeyk-apan.
     Kaya nakakatuwa, isang araw, sabi niya sa akin, "You go to my clinic and I will do everything to get rid of that pimple scars!"
     "Nako, baka mahal, Doc, hindi ko kaya."
     "No, don't pay!  Ako'ng bahala!"
     Face ko ang kawawa, gano'n?
     'Yun eh sa loob-loob ko lang, dahil sobrang gusto ko nang sumuko talaga.  Iniisip ko na nga lang, good luck sa 'yo, Doc Belo.  Hindi na 'ko masa-shock kung susuko ka rin.
     So, the rest is history na.  Alam kong hindi pa rin ako maganda, pero ang importante, humupa na ang salot sa mukha ko mula nang mapasakamay ako ng Belo Medical Group. 
     Ang nakakatuwa pa, ilang beses na 'kong nawalan ng tv show, pero si Doc Belo, walang pakialam kung wala akong show.  "It's okay, Ogs.  You've been loyal to us naman."  Kaya lagi, pag me pagkakataon, pinasasalamatan ko si Dra. Belo at ang kanyang clinic pag may tv show ako.  Kasi, alam ko, doon lang ako puwedeng bumawi.
      Teka, baka isipin mo, kaya ko sinulat ang blog na ito para lang i-promote si Dra. Belo, ha?  Hindi.  Noon pa, lagi ko na siyang pinasasalamatan pag may pagkakataon, kasi siya at ang clinic niya ang himalang dumating sa buhay ko, lalo na at napatunayan ko kung paano makipagkaibigan si Doc. Kaya sobrang love ko 'yan.
      Pero uulitin ko, ha?  Hindi ko ineendorso si Dra. Belo sa iyo. Ikinukuwento ko lang ang history ng pimples ko. 
      Pero na-realize ko, alam mo.  Eto, ha? Hindi naman ako doktor.  Isa lang akong nilalang na punumpuno ng karanasan, este, ng pimples nu'ng araw.   Bibigyan kita ng tips kung paano maiiwasang magka-pimples.
     Alam kong depende pa rin sa type ng skin mo, sa habit o sa routine mo, sa mga kung anik-anik na inilalagay mo sa mukha mo o sa sabong gamit mo kaya ka nagkaka-pimples.
      Pero base sa aking "pimple journey," eh ang dami kong na-realize.
      Una, pag makinis na ang mukha mo o hindi ka tinutubuan ng pimples,  kung ano 'yung routine mo sa mukha mo o sa life mo, 'yun ang i-maintain mo. 
     'Wag ka nang maging vain.  'Wag mo nang balaking magkutis-artista na gusto mong ma-achieve ang rosy cheeks.  Baka mag-react lang ang skin mo sa ipapahid mong astringent o ointment o sa pinaiinom sa 'yong tabletas o capsules.
      In short, 'wag kang umarte porke me panggastos ka. Lalo kang gagastos pag hindi mo na-achieve ang pangarap mong rosy cheeks.
      Pangalawa, pag tinubuan ng isang pimple ang alinmang parte ng mukha mo, deadmahin mo.  Wag mong papansinin. May isip ang pimples.  Nang-iinis ang mga gagong 'yan.
      Pag 'yung kaisa-isa ay tiniris mo, natural, magre-react 'yan.  "Ah, gano'n, tiniris mo 'ko?  Puwes, humanda ka, isusumbong kita sa mga kasamahan ko para lalo kang pamugaran ng aming angkan! Bwahahaha!"
       Pero pag dinedma mo, mararamdaman ng pimple na 'yan na, "Ba't hindi mo 'ko tiniris? Pa'no ko manganganak nang marami, ayaw mong pisain? Ayaw mo 'kong pansinin?"
      Alam n'yo naman ang mga pimples, para siyang multi-level marketing o 'yung tinatawag na "networking."  Pag hindi gumana ang "upline," hindi siya makakakuha ng mga "downline."
     Pangatlo, pag hindi ka makatiis at kating-kati ka nang tirisin ang unang pimple na tumubo sa mukha mo, hugasan mong maigi ang mga kamay mo bago mo ito tirisin. Tapos, kuha ka ng yelo ('wag 'yung nakadikit sa wall ng freezer, ha?).  Idikit mo 'to sa apektadong area of responsibility for how many minutes.
     Pang-apat, pag may tumubong pimple sa tungki o tuktok ng ilong mo, nako, please, 'wag na 'wag mong pakikialaman. 
     Juice ko, pimpolin ka na sa ibang bahagi, 'wag lang sa ilong, dahil sentro ang ilong, kahit anong kinis ng mukha mo, pag meron kang isang bonggang pimple sa tungki ng ilong o pimple scar (ang masaklap nito kung umaalsa ang scar o nagiging keloid), mapapansin pa rin 'yan ng mga fans mo (kung meron, ha?). 
    Ipagdasal mong sana, next time, sa loob na lang ng ilong tumubo kahit ang sakit.
      Panglima, pag sa noo tinubuan ka, baka natutusok ng mga dulo ng bangs mo, kaya i-brush up mo o awatin mo ng headband o ng hairclips.    
      Pang-anim, 'wag kang conscious na harap ka nang harap sa salamin para silipin kung may pimple kang nag-"guest of honor." 
      Pag inisip mong baka tinubuan ka na kaya ka tumitingin sa salamin, baka sorpresahin ka ng pimples sa ibang araw, sige ka.
      Pangpito, kung nandiyan na 'yan at nataymingan naman na mag-aaplay ka ng trabaho.  Baka puwedeng ipasa mo muna ang resume mo na produkto na ng photoshop ang retrato mo.  Du'n man lang sa litrato mo, kuminis ang mukha mo.
     Pangwalo, kung bago mo nabasa ito eh huli na at marami ka nang pimples,  i-sey mo na lang sa mga makakapansin, busy ka kamo at puyat palagi, kaya "bepimpled" ka. Para hindi na masyadong masakit sa damdamin.
      Pero come to think of it, panlabas na anyo lang 'yan.  Mas importante pa rin ang ugali mo sa iyong kapwa at sa sarili.
     Hindi kailanman tinitighiyawat ang pagkatao ng isang tao. Kung hahayaan mong madungisan ang iyong pagkatao, saka mo ituring na taghiyawat 'yon. 
     Papaapekto ka ba sa pimples kung marami namang nagmamahal sa 'yo resulta ng pagiging isang mabuting tao mo?
      Tandaan mo...
      Balewala ang pimple kung marami namang natutuwa sa 'yong pipol.
    

45 comments:

  1. hahahahaha nice entry! nakarelate ako! habulin din ako ng naglalakihang pimples dati pero simula nung gumamit ako ng organic soaps, waley na sila! pero depende pa din talaga kung saan sanay ung balat mo. and also don't forget to drink plenty of water. promise, it helps :D

    ReplyDelete
  2. tama, di naman mahalaga ang panlabas na kaanyuan, ang importante e kung ano ang nasa loob mo at kung anong klaseng tao ka. very well said mama ogs!

    ReplyDelete
  3. galing talaga Ogie!! sarap basahin di ko na napapansin kung mahaba or maikli ang entries mo. keep up the good work. :)

    ReplyDelete
  4. tama,visit ako sa clinic ni dr belo pag uwi ko. sawa n ako sa pimples ko.thanks ogie.

    ReplyDelete
  5. me nagtanong sa twitter kung ano'ng sabon ang gamit ko sa fez kong di-kagandahan, pero hindi naman pinupupog ng pimples. Renew Placenta Glutathione soap po na nabibili sa mercury drug at sa watson's. ganda sa fez. hehehe. years ko nang ginagamit 'to. pero hiyangan 'yan, ha? hindi porke hiyang sa akin, hiyang din sa 'yo, kapatid. Este, kapamilya pala.

    ReplyDelete
  6. I think pwede ka maging director kuya ogie.
    Kuya pakiunblobk na po ako..?
    please?
    http://twitter.com/dwyt90

    ReplyDelete
  7. HAHA sobrang nakarelate ako :))) lalo na dun sa wag lagi tumingin sa salamin para icheck kung may pimples :))

    ReplyDelete
  8. Naiihi ako sa kakatawa, grabe... I had the same experience growing up poor with pimples all over my face (teenage years til late 30's). I like you tip #2 so much... Para akong baliw na biglang tumatawa while reading your blog... Keep it up!

    ReplyDelete
  9. tawa ako ng tawa habang binabasa ito. :)

    ReplyDelete
  10. hahahahaha!! *taas pati paa* hehehe!!!
    Kalurky ka! Parang Jolibee "LOVE KO 'TO!"
    Nagtatanong tuloy husband ko, sis in law & bro in law ko kung bakit ako tawa ng tawa! You are so witty & so funny mama Ogz! WELL DONE!...and thanks for your beauty tips :)
    #followship

    ReplyDelete
  11. kakatawa tong blog na to...
    nagkaron din ako ng malaking pimple sa gitna ng ilong nung ako'y third year highschool. sana nun palang nabasa ko na tong blog mo para hindi ko na lang pinansin si pimple at nagiwan ng marka sa gitna ng ilong...

    ReplyDelete
  12. ako may pimpol sa middle ng ilong ko napigA KO TO KANINA NONG AGHILAMOS KO pag tamos ay diko namalayan dumogo na pala.. pakita k sa salamin i was shocked... iw ano to (syempre dugo) parang nag nosebleed ang dating
    pero keri ko aren kanina pag simba ko
    marami paring nagandahan sa akin mabait kasi ako joker pa ha...ha...(parang closed lang)

    ReplyDelete
  13. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  14. That is so true! I had fun reading your blog. Ikaw na talaga mama Ogie. :)

    ReplyDelete
  15. True. Done reading your blog. Additional tips: Have monthly facial.

    ReplyDelete
  16. hahahaha..tamaka dyan sir ogie peste tlaga yan nakaka bad3p nakakasira ng araw

    ReplyDelete
  17. i like the last sentence!!

    galing talaga.

    ReplyDelete
  18. WHOAH. This blog is so A-M-A-Z-I-N-G.
    You're the best Mr. Ogie Diaz. More power to you.
    Goodluck and Godbless po!
    ahihi.Ü

    ReplyDelete
  19. hay nako sana noon pa gumawa k n ng blog tungkol sa mga pesteng pimples na yan. hinde ako tinutubuan ng pimples noon sa muka at ktwan pero nung magpa body scrub ako at nagpa facial, ayun d na tinantanan ng mga peste ang likod at dibdib ko. lalo kung magkakaron ako... huhuhu.. huli na ang lahat para sa akin...

    ReplyDelete
  20. galeng! tumatawa nako while reading. title palang, very interesting na :) natawa ako sa linya ng pimple na "Ah, gano'n, tiniris mo 'ko? Puwes, humanda ka, isusumbong kita sa mga kasamahan ko para lalo kang pamugaran ng aming angkan! Bwahahaha!" <--epic! thanks for the wonderful blogs! Godbless

    ReplyDelete
  21. Relate ako jan, Ogs! Tadtad ng fimfols ang fez noong teenager...dinadasal-dasal kong mawala sa kawiwi ang lovelife ko sa college if ever! Awa ni Lord, naglaho din nang nag-18 ako. Achieve ang beauty, hehehe

    ReplyDelete
  22. wala pa akong pimples pero nag-enjoy ako sa isa na namang mahabang entry mo ogie :)

    ReplyDelete
  23. hehehe! natawa ako dito, mama ogs. sana mabasa din ng mga pimples ang blog mo. kaya naman pala, only belo touches your skin. ibang-iba ka na talaga...may FB Fan Page pa. naks!!! daming fans. kaya love na love ka namin.

    fun read. =)

    -ca_ptjack

    ReplyDelete
  24. Paki unblock ako kuya Ogs..Please?

    http://twitter.com/dwyt90

    ReplyDelete
  25. ogs, i enjoy reading your blog, true yan, pimples pag di pinansin, kusang aalis, ganyan din sa pakikitungo natin sa mga nang aasar sa atin...

    ReplyDelete
  26. omg ang gandaaaaaa nito superrrrrrrr :)

    ReplyDelete
  27. nakakatuwa mga blogs mo mama!!!..im just wondering kung san mo hinuhugot ang mga sinusulat mo di ka nauubusan ng mga patawa at mga kwento na kinapupulutan naman ng aral.talented ka sa totoong buhay..kisses .love you..more power God Bless

    ReplyDelete
  28. nice tip Ogs :) kulit nung "Nang-iinis ang mga gagong 'yan" hahaha

    ReplyDelete
  29. hahaha tama...kaasar tlga sobra yan...tnx much for this...u rock!! :)

    ReplyDelete
  30. ganda nag blog na ito... pagpawala sa mga bugas2x(pimples).. hahha

    ReplyDelete
  31. hahaha...tuwang-tuwa kami ng asawa ko sa blog mong 'to!..good luck idol ogie!..sana lalo ka pang pagpalain!

    ReplyDelete
  32. Kaka relate to the max ako sa topic no about pimplesa. Mula 16-49 ayaw talaga tumigil. Now na 50 na ako once in a while na lang ang skin breaK-out but the scars are left behind kasi sarap talaga tirisin.

    ReplyDelete
  33. ahahahaha natawa ako sa st. therese.. TIRIS naman pala ibig nyang sabihin. Wahahaha.

    ReplyDelete
  34. ahahaha. un lang. buma-bob ong lang o. hehe.

    ReplyDelete
  35. Gusto kita noon as showbiz tv and radio host, gusto rin kita noon as komediante at artista pero ang lahat na iyon nawala.... Dahil mas gusto kita ngayun as writter...

    ReplyDelete
  36. haha..tamuuuhh..kabadtrip magkapimple..ako rin dati puro pimples..ayun..sa awa ng Diyos nawala sa Cetaphil facial wash..lolz..yun lang ang hiyang sa akin e..hehe..mahirap talaga pag sensitive ang skin mo..pede kang magkapimples anytime..

    ReplyDelete
  37. ahaha! very nice.... dapat makita to nung mga makakati ang kamay sa pimples nila.... yun..

    ReplyDelete
  38. HAHAHA SARAP MAGING MAKINIS ANG MUKHA!! UNG IBA JAN! YAN KASE TIRIS NG TIRIS .. NAPALA??? ... PARANG BAHAY TULOY NG BUBUYOG PRE..

    ReplyDelete