Tuesday, April 10, 2012

Positive

         First time yatang kumuha ng driver's licence ang isang aktres, kaya bilang isang law-abiding citizen, kahit kilala na siya, she still went through the normal process.          
         Siyempre, merong driving test. Pasado siya.          
         Meron ding written exam, pasado rin siya.        
        Pero eto na ang nakakalokahng part, sa drug test na hindi naman nangangailangan ng review ay kumbakit dito pa siya hindi pumasa. 
        Basic lang ang drug testing. Ihi lang ang kailangan. Kaso, positive siya sa drug test. 
        Pero teka, baka nagkamali lang. Nagkaroon uli ng drug test. At eto na, unfortunately, malungkot na balita--positive pa rin ang resulta.       
         Dahil sa kagustuhang makakuha ng lisensiya, hiningi na nito ang tulong ng isang "maimpluwensiyang personalidad" (MP) sa gobyerno.    
       Tumalak pa nga nang slight si MP at sinabi sa aktres na sana tinawagan na lang siya  nito nung una para non-appearance na lang ang drama niya at para hindi na rin siya nagka-record na nag-positive siya sa droga.          
         Pero dahil kaibigan ni MP si Aktres,  tinawagan nito ang isang "malakas" sa LTO at pinaisyuhan ng lisensiya ang aktres na dalawang beses nang bumagsak sa drug test.        
         Kung anumang uri ng droga ang nagpahamak sa resulta ng drug test ng magandang aktres ay hindi namin alam, pero noon pa ay kung anu-ano na ang nababalitang tine-take nito: pampakalma, pampatulog, pampa-active.         
         Disclaimer:   Ito'y  ikinwento lang sa amin at hindi nangangahulugan na pinaniniwalaan na namin. Sana nga ay hindi ito totoo. Pero paano kung ito ay totoo?          
         Sa una ay iisipin mong mabuting kaibigan si MP, dahil sinalo nito sa kahihiyan ang kaibigang aktres na for sure, ikina-touch nang husto ni Aktres.          
         Ngayong may lisensiya na si Aktres,  makakapagmaneho na ito. Fine.  Pero paano kung naka-droga ito at sa pagmamaneho'y maaksidente? 
         Dalawang bagay yan: pwedeng mabuhay pa rin dahil nasugatan lang, pero posible ring ikamatay ng Aktres.         
        Oo,  nasa huli ang pagsisisi, pero ngayong hindi pa nangyayari ang kinatatakuan natin, sana ay ngayon pa lang, magsisi na ang magsisi.         
       Pero in the first place, sino nga ba ang dapat sisihin?         
        Hay nako....Pakikamot nga ang likod ko.






PAKIUSAP:  'Wag na po tayong mag-mention ng pangalan dito.  Kung puwedeng ang sagot nyo ay pa-blind item din, mas mainam.  After all, hindi n'yo kailangang magpa-impress.  
       Sinulat namin ito nang may kasamang pagmamalasakit.  Kung itatanong n'yo kumbakit hindi ko na lang diretsuhin ang mga taong concerned, in the first place, hindi kami close at aaminin ba naman nila?
      At higit sa lahat, sinulat namin ito para hindi na sa inyo mangyari, dahil kahit kailan ay "negative" ang maging "positive" sa bawal na droga.

Sunday, April 1, 2012

"Buti hindi ka dumami, 'no?"

       Totoo 'yung sinasabi nila na kahit anong ingat mo, kahit anong iwas mo, me makakasalubong at makakasalubong kang mga nilalang na akala mo sa una ay mabait o nakakaawa, pero pag nag-umpisa nang magsalita o magpakita agad ng negang ugali, nate-turn off ka na.
     Sabagay, kung okey ba silang magsalita at nagpakita agad ng kabaitan, mate-turn on ka ba?  Agad-agad?  Hindi naman siguro.
       Tulad na lang nu'ng Palm Sunday na isa ring April Fool's Day nu'ng April 1 ay nagsimba ako.  And at the same time, gusto ko ring pabasbasan ke Father ang binili kong palaspas.
      Pagkatapos ng misa ay nag-announce na ang pari na lumapit ang may mga bitbit na palaspas para kanya nang basbasan.  So isa-isa nang naglapitan. 
     Kinaway-kaway namin ang nakataas na palaspas para madiligan ng holy water at siyempre, normal lang na pati ikaw na may hawak ng palaspas ay mawisikan na rin ng holy water na nandu'n ang feeling na, mabe-bless din tayo ng Panginoon ng kanyang banal na tubig.  
      Pagkatapos ay naghiwa-hiwalay na at nagsiuwian na.  
      'Yung isang kasabay kong mama na nasa kuwarenta mahigit na ang edad ay nginitian ako at nilapitan ako habang naglalakaran na palayo ng simbahan.
       Walang kaabog-abog at walang kabakel-bakel niyang sinabi nang nakangisi, "Buti hindi ka dumami, 'no?"
        Sa loob-loob ko, alin?  Ako, dadami?  Nu'ng?  Ah, nu'ng nagwisik ng holy water si Father, 'yun ba 'yong moment na 'yon?  Teka muna, kilala ba kita? Ni hindi nga tayo close, mukhang prenteng-prente ka kung maka-joke diyan, ah? Okay ka lang?
        Kung idadaan ko naman 'tong mamang 'to sa ngiti, sabay deadma, baka isipin niya, close na kami at tinanggap ko agad-agad ang biro niya, di ba?  Kung ikokorek ko naman ang lolo mo eh baka magtalo pa kami at sabihin niya, "Ikaw naman, hindi ka na mabiro."
      Na ano naman ang isasagot ko? "'Wag mo 'kong bibiruin, hindi tayo close."  Mukha namang mataray ang dating ko no'n.  Miss Friendship pa naman ako sa ganyan. Hahaha!
       Kaya sinagot ko na lang ang kanyang, "Buti, hindi ka dumami, 'no?" ng, "Sana nga ho, dumami na lang ako eh 'no?  Kesa naman tulad n'yo ang dumami, 'no, manong?" nang nakangiti pa rin, but with sarcasm.
       Kung minsan, tine-test talaga tayo ni Lord kung gaano kahaba ang pasensiyang puwede mong ilaan para sa ibibigay Niyang sitwasyon.
       Pag gusto mong magalit agad, 'wag muna.  Hunos-dili ka muna.  I-compose ang sarili, 'wag padadala sa init ng ulo. Hingang malalim.  Kung kaya pa, count 1 to 100--pambaba lang ng hypertension.
       Kung puwedeng pag-isipang maigi ang irereak.  Kung puwedeng umalis ka muna para magpalamig para hindi na lumala pa, gawin mo.
      Pero kung agarang reaksiyon ang kailangan, eh tingala ka muna at sambitin mo sa sarili, "Lord, bahala Ka na po sa akin at sa taong kausap ko ngayon, ha? Alis na po ako!"
    Pero pasensiya ka na, Lord, ha?  Hindi ko nagawa ang gusto Mo po at sinagot ko 'yung mamang 'yon.
    Pero sana naman, Lord, pang-Ms. U na ang naging sagot ko, ha?  
      Hahahaha!
    Ayan, nakakatawa na 'ko.