Isang pruwebang ang daming gustong mag-artista ay ang pagsulpot din ng mga talent search at reality show. 'Yung ibang sumasali, bahala na. Kung hindi nila matuklasan sa sarili nila kung anong talent meron sila, bahala na kung makukuha sila o madidiskober. Kung may magkakainteres.
'Yung iba, ayaw sumali. Takot sa contest. Ayaw matalo. Gusto, diretso na. Gusto, artista na agad sila kahit magsimula muna silang paekstra-ekstra. "Kahit hindi na sumikat, basta makilala lang." Gano'n ka-humble ang pangarap nila.
Pag nagsimula kang ekstra, tapos, eventually, makilala ka? Hay, nako, ituring mo nang jackpot 'yon. Kasi, super bihirang mangyari 'yon sa ngayon. Kadalasan, nakikilala lang. Pero hanggang du'n lang.
May mga wagi naman sa contest, as in nag-grand winner, pero hanggang contest lang ang career. Hindi na na-sustain. Hindi nabigyan ng chance na sumikat.
'Yung mga runners-up pa ang surprisingly, nakakaungos sa grand winner. Kilala n'yo siguro kung sino-sino 'yon.
'Yung mga runners-up pa ang surprisingly, nakakaungos sa grand winner. Kilala n'yo siguro kung sino-sino 'yon.
Eto nga, eh. Mula nu'ng i-manage ko si Vice Ganda (pero siya ngayon ay hina-handle na ng ABS-CBN at mutual decision namin ang maghiwalay na), ang dami nang gustong magpa-manage sa akin. Me mga "sariwa" at meron namang noon pa nag-artista, gusto lang bumalik.
Pero at the end of the day, sabi ko nga, "tulay" lang naman ako. Sila pa ring mga haharap sa kamera ang gagawa ng sarili nilang bituin para sila'y tingalain.
Kasi, kahit gaano ka-epek ang manager, kung waley naman ang talent, bano umarte o unprofessional, mahihirapan pa rin akong i-push sila. Lalo na kung walang dating.
Kasi, kahit gaano ka-epek ang manager, kung waley naman ang talent, bano umarte o unprofessional, mahihirapan pa rin akong i-push sila. Lalo na kung walang dating.
Pero lagi ngang tanong: ang mga guwapo at magaganda lang ba ang may K mag-artista? Hindi, ah!
Mas may edge ba 'yung kamag-anak ka ng artista, lalo na kung 'yung mismong mga parents o kapatid ang artista? Hindi rin.
Ke chaka ang fez mo o wala kang talent, puwede kang makilala. Puwede kang sumikat. Basta meron ka lang na tinatawag at "hindi maipaliwanag" na "X factor" o 'yung tinatawag na "arrive" o sa tagalog, dapat, meron kang "dating."
Sinabi kong "hindi maipaliwanag," dahil diyan pumapasok ang kasabihang "Beauty is in the eye of the tiger." Huh? Jowk! "Beauty is in the eye of the beholder." Depende sa tumitingin ang lakas ng arrive mo.
Pero kung meron ka nang beauty, talented ka as in mahusay kang umarte, magaling kang kumanta? Ay, juice ko, nasa 'yo nang lahat 'yan--malaki ang chance mong sumikat. Lalo na kung ang lakas ng dating mo.
At ako rin naman, naniniwala, pag hindi ukol, hindi bubukol. Pero kung kapalaran mo talagang sumikat bilang artista, nasa guhit 'yan ng palad mo, sabi nga.
Eto, mga tips ko sa mga gustong magbaka-sakali na mag-artista o pumasok sa magulong mundo ng showbiz.
1. 'Wag nang humarap sa salamin. Alam nating puro positive ang sagot niyan. Kung itatanong naman sa mga kamag-anak, obviously, patronize our own ang drama ng karamihan.
Pero kung puwede, magpakonsulta sa isang showbiz insider o sa isang talent manager kung may future o kung ano'ng dapat gawin para hindi na masyadong magastos.
2. Hindi advantage na ipagmalaking kamukha mo si Piolo Pascual o si Bea Alonzo o kung sino pang sikat na artista diyan. Nauna na ang gano'ng mukha sa showbiz. Magmumukha ka lang copycat. Kung gagayahin mo lang sila, ikaw pa rin ang magsa-suffer in the end.
Kung puwedeng pinaghalo-halo kang Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Zanjoe Marudo, Richard Gutierrez at kung sino-sino pa, mas mainam. At least, bawat anggulo ng mukha mo o katawan mo, iba-iba ang kamukha mong artista.
Pero mas bongga kung original at nag-iisa ang mukha mo at ang dating mo.
3. Advantage kung ang nanay o tatay mo o kapatid mo, eh kilalang artista. 'Wag 'yung second o third cousin ko si Enchong Dee. Pinsan ng lola ko si Sharon Cuneta.
Dapat, super lapit na kaanak para meron ka nang "tutuntungan" sa pangarap mo. Pero sana, me dating ka rin, talented ka, professional ka para hindi naman nakakahiya sa kaanak mong artista.
4. 'Wag maiinip. Hindi overnight success ang pag-aartista. It will really take time. 'Yung iba, taon ang binibilang bago makilala at sumikat.
'Yung iba, instant sikat, pero bigla ring bagsak pag naggago, nagbisyo, nagpakasama, o napunta na sa ulo ang kasikatan, dahil ang buong akala, hindi natatapos ang suwerte niya't wala nang papalit sa trono niya.
5. Kung bata kang mag-aartista, utang na loob! 'Wag munang magpapabuntis o mambubuntis para nasa bagets category ka pa rin. Ang masaklap pa niyan, wala na ngang nangyari sa career mo, nabuntis ka pa o nakabuntis ka pa.
But you're still blessed. At least, alam mong hindi ka baog. Pero kung makakaiwas, iwas muna at i-enjoy ang kabataan. Minsan lang maging bata. Magpakasawa na. At gawing meaningful.
6. Pag mag-o-audition sa anumang contest, please lang, 'wag nang gamitin ang mga salitang, "Kaya po gusto kong mag-artista, dahil gusto ko pong makatulong sa mga magulang ko." Laos na 'to.
'Wag mong bigyan ng "pressure" at "worries" ang mga nagpapa-audition o ang talent manager. Pa'no kung hindi ka mabigyan ng show o raket? Mamamatay sa gutom ang pamilya mo, dahil 'yung pag-aartista mo lang ang last chance nila para makaahon sa kahirapan?
Just say, "Gusto ko pong mag-artista kasi alam ko, kaya kong umarte, may talent ako at kaya kong sumikat." 'Yan ang pamatay na sagot.
Pag gano'n ang attitude mo, willing kang maghintay ka, harapin ang mga hamon, para maabot mo lang ang pangarap mo.
Pag gano'n ang attitude mo, willing kang maghintay ka, harapin ang mga hamon, para maabot mo lang ang pangarap mo.
NGAYON, ito na ang first step mo to stardom. Itanong mo sa sarili mo, "Ito ba talaga ang gusto ko o naiinggit lang ako sa mga artista? Kaya ko bang maghintay kahit abutin pa nang ilang taon o ilang dekada? O, kahit mamuti pa ang bulb*l ko?
"Ito bang pag-aartista talaga ang kapalaran ko o mas magiging successful ako sa ibang larangan basta tapusin ko lang ang pag-aaral ko?"
"Ito bang pag-aartista talaga ang kapalaran ko o mas magiging successful ako sa ibang larangan basta tapusin ko lang ang pag-aaral ko?"
'Wag mong itanong ito sa mga kapitbahay o kamag-anak, ha? Ikaw lang ang makakasagot nito.
Gusto mo pa ba?
*Kahit wala kang balak mag-artista,
mag-comment ka naman para
maramdaman kita. Hehehe!
mag-comment ka naman para
maramdaman kita. Hehehe!