Sunday, February 13, 2011

Ang puso mo...

                'Yan lagi ang pina-punchline natin pag naha-high blood ang kaibigan natin o ang isang taong kausap natin.  Ibig sabihin, baka atakihin ka, kaya kalma lang. 'Wag ka na magalit. 
              Hindi lang Valentine's Day bida ang puso at ang pagmamahalan.  Sa lahat ng pagkakataon, dapat, may puso tayo para sa ating kapwa.  At pag sinabing "may puso"--ang daming ibig sabihin.
              Pero ang pinakabonggang ibig sabihin sa amin ng "may puso"--MAAWA KA.
              Isang sampol. May kaanak ka o kaibigan na nangangailangan ng suporta mo.  Pag meron ka, 'wag nang magdamot as long as sincere naman siya at alam mong nangangailangan talaga at ikaw lang ang makakatulong sa kanya, 'wag nang ma-arts.  Kung meron ka, kung kaya mo, suportahan mo.
            Saka lang naman tayo naninikis pag gusto natin silang matuto, eh.  Pag wala na silang credibility sa atin.  Pag para na siyang the boy who cried wolf.  Hindi ka na naniniwala, dahil laging "drawing" ang kuwento.  Nag-iimbento na lang.
            SA PULUBI, pag namamalimos, me barya ka naman diyan, eh di dukutin mo na.  Kung ika-kara-krus lang niya, problema na niya 'yon.  Basta tandaan mo lang ang mukha.  Para di na siya makaulit next time.
          Ipagpasalamat mo na lang din na at least nanghihingi, hindi nagnanakaw.
          May mga namamalimos namang bulag.  Inaalalayan lang sila ng apo nila o anak nila sa daloy ng trapiko.  Isasahod ang palad sa bintana ng sasakyan mo, pero choice mo uli kung magbibigay ka. 
          Isang kaibigan ang nagsabi sa akin, "Ginagamit lang nila ang kapansanan nila para lang makapanlimos." 
          Sabi ko sa kanya,  "Gusto mo ba, magpalit kayo ng kalagayan?  Hindi ba't super blessed ka?  Kaya kung meron ka, mag-share ka na lang sa may kapansanan."
          'Yang pagbibigay ng konting barya (o pagkain kung may baon ka) ay parang pasasalamat mo na rin, dahil hindi ikaw 'yung namamalimos. At higit sa lahat, nakikita mo 'yung bulag.  Ikaw, kahit hindi ka niya nakikita, naririnig mong nagpapasalamat siya sa kabutihan ng iyong puso.
         Happy Valentine's Day!
            
           

25 comments:

  1. Tama ka jan...May mga tao pa nga n hindi n nga mgbibigay ng limos, magagalit p...

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. Tama ka dyan mama ogz.. Ako minsan ganyan dn.. Ilalahad ng bata ang palad nya sa ken sabay ilalahad ko dn ang kamay ko..xmpre mgtawanan lahat ng ksabay ko sa jip.. Ang di ko napansin habang ntawa pala ako eh DINURAAN ng bata ung nkalahad kong kamay.. Ang aga ng KARMA! Wala pang 5seconds.. Lessons learn.. Tska HAPEE VALENTINES sa lahat at xmpre PUTUKAN na nmn..puno ang mga motel prang premiere night ng BULONG at MY VALENTINE GIRLS..dami ult ng populasyon ng pinas:-D

    ReplyDelete
  4. Sana i-follow nio dn ang aking blogs... :) http://iamails.blogspot.com/

    ReplyDelete
  5. korek ka mama ogz... hapi puso sayo

    ReplyDelete
  6. Sulat ka pa...The more we read, the more we ask for more.

    ReplyDelete
  7. Wow. Powerful.
    Happy Valentines Day, Mother Ogs.

    ReplyDelete
  8. mama ogsz,may request po sana ako! paki alis po ako sa list nu kung pwd po & then ska ko kau i follow again via twitter! gmit ko kc gmail account ko sa pag follow ko sa nu dito sa blog nu nwawala po privacy at least po kung i follow ko kau via twitter ayos lng kc nka private nman po ako! gets nu po ba? xenxia na ahh

    ReplyDelete
  9. love comes in different forms... and the greatest form of love is mercy and that is what we ask from God. To attain mercy (aka Love) we also need to learn how to be merciful to others. When others are in need, be merciful enough to give :) Sana lang we can always afford to share. Happy Vday to you.

    ReplyDelete
  10. Kaantig fuso ang blog na ito. Maraming salamat ogz for the kind reminder na hindi lng para sa mga couples at sa mga inlove ang valentines day. Lahat tyo may reason and way to celebrate this day. Tama nga naman, wag magdamot. Share the love. ;p

    ReplyDelete
  11. Karma.

    Gumawa ka ng mabuti, 10 folds ng kabutihan ang babalik sa yo.

    At kung magbibigay, sana yung maluwag sa puso. Sana hindi yung bago ka magbigay, ang dami pang sermon o nagbigay ka dahil napilitan lang.

    Yung receiver naman, sana thankful. Kahit hindi na sa taong nagbigay kung hindi ay thankful sa nasa itaas.

    ReplyDelete
  12. ang masasabi ko lang -- gumawa ng kabutihan ng buong sinseridad at walang halong pagkukunwari... lahat tayo may magagawa... bawat oras meron pagkakataon para ilahad ang ating kamay sa iba ... walang dapat pinipiling lugar... walang dapat pinipiling panahon ... walang dapat pinipiling halaga... Tumulong hindi para mapansin ng kapwa na tumutulong ka kundi para i-extend ang pagmamahal at biyaya ng Diyos na natanggap natin sa ating kapwa...

    ReplyDelete
  13. Giving alms would just make some of them lazy and not work. I usually just give em food if they need it. For the other things, yung ibang tao na lang magbigay nun. You have a good heart Ms Ogie! Binoto nga kita sa District 3 eh!

    ReplyDelete
  14. You surely have a good heart ogz, that's why you are so blessed! Might consider establishing a foundation someday haha! For all our queries which one to help, i'll leave you with this "do not do what other people told you to do, do what's need to be done =)" cheerio =)

    http://pinoymatchmaker.blogspot.com

    ReplyDelete
  15. kahit late ang comment ko... i really appreciate this blog! it's really true! Always remember Everyday is a Valentine's Day if you share your love to everyone!

    ReplyDelete
  16. nice one mama ogz... may puso ang blog mo, may mapupulot na aral. no doubt you're blessed, you really have a good heart. at tulad ng mga tweets mo, very witty ang pagkakasulat at nakakaaliw ang mga blogs mo..

    ReplyDelete
  17. I heart you mama ogs, tamuh talaga lahat nang na sulat mo dito sana may heart tayong lahat sana lahat nang tao na sa atin may puso at gagamitin ito, mapa mayaman man o mahirap sana lahat may damdamin...

    ReplyDelete
  18. I'd give food too, rather than money. Pero napaisip mo ako tungkol sa kung paano kung nagkapalit kayo ng estado sa buhay?

    ReplyDelete
  19. mas maganda magbigay ng food.. baka kasi mamaya ung pulubing nanghihingi sa yo eh inutusan lang pala ng sindikato. meaning hindi rin nila mapapakinabangan ang ibinigay mong pera at ung sindikato pa ang makkinabang. at least kapag pagkain at inumin eh mapapakinabangan talaga nila

    at saka may mga bata na ginagawang pantatsing ung limos kaya natuto silang magsugal. at least ung food hindi ginagawang pantatsing..

    ReplyDelete