Saturday, February 26, 2011

"Artista ka?"

        Juice ko, nakakalokah, ang daming gustong mag-artista.  Nu'ng araw naman, marinig lang nilang, "Gusto mo bang mag-artista?" kahit hindi sila balbon, tinitindigan na sila ng balahibo sa katawan.  Nahihiya. Kinikilabutan.  Parang hindi maimadyin ang sariling aarte, iiyak o magpapatawa sa harap ng kamera.
       Isang pruwebang ang daming gustong mag-artista ay ang pagsulpot din ng mga talent search at reality show.  'Yung ibang sumasali, bahala na.  Kung hindi nila matuklasan sa sarili nila kung anong talent meron sila, bahala na kung makukuha sila o madidiskober. Kung may magkakainteres.
      'Yung iba, ayaw sumali.  Takot sa contest.  Ayaw matalo.  Gusto, diretso na.  Gusto, artista na agad sila kahit magsimula muna silang paekstra-ekstra. "Kahit hindi na sumikat, basta makilala lang."  Gano'n ka-humble ang pangarap nila.
        Pag nagsimula kang ekstra, tapos, eventually, makilala ka?  Hay, nako, ituring mo nang jackpot 'yon.  Kasi, super bihirang mangyari 'yon sa ngayon.  Kadalasan, nakikilala lang.  Pero hanggang du'n lang.
       May mga wagi naman sa contest, as in nag-grand winner, pero hanggang contest lang ang career.  Hindi na na-sustain. Hindi nabigyan ng chance na sumikat.  
      'Yung mga runners-up pa ang surprisingly, nakakaungos sa grand winner.  Kilala n'yo siguro kung sino-sino 'yon.
        Eto nga, eh.  Mula nu'ng i-manage ko si Vice Ganda (pero siya ngayon ay hina-handle na ng ABS-CBN at mutual decision namin ang maghiwalay na), ang dami nang gustong magpa-manage sa akin.  Me mga "sariwa" at meron namang noon pa nag-artista, gusto lang bumalik.
       Pero at the end of the day, sabi ko nga, "tulay" lang naman ako.  Sila pa ring mga haharap sa kamera ang gagawa ng sarili nilang bituin para sila'y tingalain.  
       Kasi, kahit gaano ka-epek ang manager, kung waley naman ang talent, bano umarte o unprofessional, mahihirapan pa rin akong i-push sila. Lalo na kung walang dating.
        Pero lagi ngang tanong:  ang mga guwapo at magaganda lang ba ang may K mag-artista?  Hindi, ah!
       Mas may edge ba 'yung kamag-anak ka ng artista, lalo na kung 'yung mismong mga parents o kapatid ang artista?  Hindi rin.
        Ke chaka ang fez mo o wala kang talent, puwede kang makilala. Puwede kang sumikat.  Basta meron ka lang na tinatawag at "hindi maipaliwanag" na  "X factor" o 'yung tinatawag na "arrive" o sa tagalog, dapat, meron kang "dating."
       Sinabi kong "hindi maipaliwanag," dahil diyan pumapasok ang kasabihang "Beauty is in the eye of the tiger."  Huh?  Jowk!  "Beauty is in the eye of the beholder."  Depende sa tumitingin ang lakas ng arrive mo.
       Pero kung meron ka nang beauty, talented ka as in mahusay kang umarte, magaling kang kumanta?  Ay, juice ko, nasa 'yo nang lahat 'yan--malaki ang chance mong sumikat.  Lalo na kung ang lakas ng dating mo.
       At ako rin naman, naniniwala, pag hindi ukol, hindi bubukol.  Pero kung kapalaran mo talagang sumikat bilang artista, nasa guhit 'yan ng palad mo, sabi nga.
        Eto, mga tips ko sa mga gustong magbaka-sakali na mag-artista o pumasok sa magulong mundo ng showbiz.
       1.     'Wag nang humarap sa salamin.  Alam nating puro positive ang sagot niyan.  Kung itatanong naman sa mga kamag-anak, obviously, patronize our own ang drama ng karamihan.  
             Pero kung puwede, magpakonsulta sa isang showbiz insider o sa isang talent manager kung may future o kung ano'ng dapat gawin para hindi na masyadong magastos.  
        2.   Hindi advantage na ipagmalaking kamukha mo si Piolo Pascual o si Bea Alonzo o kung sino pang sikat na artista diyan.  Nauna na ang gano'ng mukha sa showbiz. Magmumukha ka lang copycat.  Kung gagayahin mo lang sila, ikaw pa rin ang magsa-suffer in the end.  
             Kung puwedeng pinaghalo-halo kang Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Zanjoe Marudo, Richard Gutierrez at kung sino-sino pa, mas mainam.  At least, bawat anggulo ng mukha mo o katawan mo, iba-iba ang kamukha mong artista.
           Pero mas bongga kung original at nag-iisa ang mukha mo at ang dating mo.
       3.   Advantage kung ang nanay o tatay mo o kapatid mo, eh kilalang artista.  'Wag 'yung second o third cousin ko si Enchong Dee.  Pinsan ng lola ko si Sharon Cuneta. 
             Dapat, super lapit na kaanak para meron ka nang "tutuntungan" sa pangarap mo.  Pero sana, me dating ka rin, talented ka, professional ka para hindi naman nakakahiya sa kaanak mong artista.        
       4.    'Wag maiinip.  Hindi overnight success ang pag-aartista.  It will really take time.  'Yung iba, taon ang binibilang bago makilala at sumikat.  
             'Yung iba, instant sikat, pero bigla ring bagsak pag naggago, nagbisyo, nagpakasama, o napunta na sa ulo ang kasikatan, dahil ang buong akala, hindi natatapos ang suwerte niya't wala nang papalit sa trono niya.
      5.    Kung bata kang mag-aartista, utang na loob!  'Wag munang magpapabuntis o mambubuntis para nasa bagets category ka pa rin.  Ang masaklap pa niyan, wala na ngang nangyari sa career mo, nabuntis ka pa o nakabuntis ka pa.
             But you're still blessed.  At least, alam mong hindi ka baog.  Pero kung makakaiwas, iwas muna at i-enjoy ang kabataan.  Minsan lang maging bata.  Magpakasawa na. At gawing meaningful.         
      6.    Pag mag-o-audition sa anumang contest, please lang, 'wag nang gamitin ang mga salitang, "Kaya po gusto kong mag-artista, dahil gusto ko pong makatulong sa mga magulang ko."  Laos na 'to.
            'Wag mong bigyan ng "pressure" at "worries" ang mga nagpapa-audition o ang talent manager.  Pa'no kung hindi ka mabigyan ng show o raket?  Mamamatay sa gutom ang pamilya mo, dahil 'yung pag-aartista mo lang ang last chance nila para makaahon sa kahirapan?
            Just say, "Gusto ko pong mag-artista kasi alam ko, kaya kong umarte, may talent ako at kaya kong sumikat."  'Yan ang pamatay na sagot.  
         Pag gano'n ang attitude mo, willing kang maghintay ka, harapin ang mga hamon, para maabot mo lang ang pangarap mo.     
           NGAYON, ito na ang first step mo to stardom.  Itanong mo sa sarili mo, "Ito ba talaga ang gusto ko o naiinggit lang ako sa mga artista?  Kaya ko bang maghintay kahit abutin pa nang ilang taon o ilang dekada? O, kahit mamuti pa ang bulb*l ko?  
        "Ito bang pag-aartista talaga ang kapalaran ko o mas magiging successful ako sa ibang larangan basta tapusin ko lang ang pag-aaral ko?"
          'Wag mong itanong ito sa mga kapitbahay o kamag-anak, ha? Ikaw lang ang makakasagot nito.
          Gusto mo pa ba?











          
*Kahit wala kang balak mag-artista, 
mag-comment ka naman para
maramdaman kita. Hehehe!     
      

80 comments:

  1. Ako ang first hehe dati gs2 q mgartista nung teenager plang aq paxtra2 aq nun sa mga teleserye kaso mahirap din pla npgicip q n mkipgsapalaran nlng aq sa ibng lugar at eto po ngyon masaya akng namumuhay d2.

    ReplyDelete
  2. i love reading your blogs...nakakaaliw. ☺

    ReplyDelete
  3. very well said!!! =)

    ReplyDelete
  4. lagi kong inaabangan ang mga blogs mo Mama Ogz :) Keep up the good work!

    ReplyDelete
  5. i grew up in mindanao and i really admire actors and actresses and it is my dream to be an artist... i love dancing i've been a dancer early as 5-year old and part of being a dancer is an actor you have to act the role that was assigned to you... though you have headache and toothache you have to act as if you right... but i know to be an artist is not easy. you really have to drain sweat and blood for it. and i can only say to aspiring actors/actresses be yourself and get a best attitudes. :)

    ReplyDelete
  6. pede pong makuha email nyo Mama Ogz? thanks! gusto ko sanang magsponsor ng website sa inyo.

    ReplyDelete
  7. AYOKONG MAG-ARTISTA PERO DAHIL HININGI MO ANG COMMENT KO, ETO NA: NAKAKALOKA KA! AYOKO SA SHOWBIZ BECAUSE I'M SURE KUNG LALAKE AKEY, AY I-OOUT MO LANG ANG AKO SA DYARYO AT KUNG ANU-ANO PANG KABAKLAAN, KUNG GIRL NAMAN AKO, MAGMUMUKHA LANG AKONG MALANDI AT HABADERA SA BLIND ITEM MO. CHOS!

    ReplyDelete
  8. a lot of people especially in the Philippines are trying very hard to be in showbiz, and trying even harder when they they're became one to maintain their reputation... if it is to me, they should grab the opportunity to be an actor/actress as it is much easier to be one compared before =)

    cheerio!

    http://www.pinoymatchmaker.blogspot.com

    ReplyDelete
  9. Nageextra extra ako nuon for shows in not so sikat channels now, mag That's sana ako pero di natuloy hehe... =) okay naman ang buhay..

    ReplyDelete
  10. i love ur blog... pera yabang lng maraming nagsasabing mag taartis daw ako ksi qualified pero wala sa isip ko yan, siguro ganun lng tlaga ang destiny...

    ReplyDelete
  11. binasa ko buong buo... siguro gusto ko mag artista! :)) pero pwede yung walang mga linya? LOL!

    ReplyDelete
  12. very well said... but like showbiz,,para ka ding pumasok sa mga kumpanya,,nangangamuhan ka din,,mas may pressure nga lang sa showbiz dahil kelangan mo i-please ang lahat ng tao..kelangan makayanan mo rin ang mga bira sayo... pero nandyan din tlga ang mga taong pilit kang sisiraan along the way para hindi mo makamit ang bituin....so eto lng nmn yun kung wala kang x-factor. wag k nlng sumali sa showbiz.lahat naman pede sumikat at makilala sa ibang larangan hindi lang sa showbiz...ang mahalaga masaya ka at dala dala mo ang prinsipyo mo sa buhay. bow.

    ReplyDelete
  13. korek ka etech......ako din naman ah....i like shobiz,,,,but i have no "x factor"baka pagtawanan lang ako,,,,pero d lang namn sa shobiz lahat nakikilala ang mga bituin sa mundo,,kahit saan ka pumunta basta mabait ka butuin ka na....

    ReplyDelete
  14. Hahahaa isama mo na ang link na ito sa calling card mo para kapag may nagpa-manage sa iyo at wiz mo type, sabihin mo na lang na basahin ang nasa blog post mo na ito. LOL

    ReplyDelete
  15. bakit gusto kong maging artista 'kasi gusto kong sumikat'... hehehe

    ReplyDelete
  16. manong ogie... pwede ba ako dyan sa Bahay ni Kuya, heheh kaso dito ako sa gitnang silangan sa piling ng mga camel...

    ReplyDelete
  17. ako gusto ko mag artista pakapalan na lang ng muka pero un ang dream ko talaga

    ReplyDelete
  18. im jhon gusto ko ..im frm cgyan de oro ..gusto ko mging housemate pagngawa ko yun ..at nging isa akong artista c mama ogz ang aking ppliin n mging manager ko..alm ko ma na di ka mnnwala pwo my talent ako kung my mga inde flm derictors lng d2..mtagal na ako ndiscover kaya lng walang nppdpad dito..

    ReplyDelete
  19. ogie, i hope ok lang isingit to, alam namin mahaba galamay or network mo, mas mahaba pa sa GMA or ABS:

    mga kabayan, iboto nyo naman photo entry namin:
    http://klmwithlove.com/photo.php?pid=1500

    5 seconds lang tapos na pagboto!

    ReplyDelete
  20. ako, kuya ogs. balak kong pasukin ang mundo ng showbusiness. papasukin mo ako. please. :p

    ReplyDelete
  21. Keep on writing! You surely have the flair for it! More power.

    ReplyDelete
  22. gusto ko din mag artista dati pero naisip ko bka sobrang pagkaguluhan nyo ko at di ko makaya ang pressure! hahaha

    ReplyDelete
  23. Nakakatuwa naman tong mga posts mo kagalanggalng na Ogie. Kaya nga nakalagay to sa "favorites" bar para macheck ko agad ang bago mo na namang balita..basta ako ang sa tingin ko talaga na may talent talaga is si Sarah,at marami pang iba..curious lang, gusto mo ba si Sarah G?

    ReplyDelete
  24. Idol talaga kita Ogie... Nalilibang talaga ako sayo, mapa tv man o dito sa blog mo...

    Ang galing mong magpasaya ng tao...

    And your right, hindi madali mag artista at maraming artista sa tv ngayon na wala talagang talent, ewan ko ba paano sila nakapasok.

    ReplyDelete
  25. tinanong ko na sarili ko, ang sabi ng hinampalan...waley! hehehe

    thanks mama ogs for super practical tips...more articles, nakakaaliw eh!

    ReplyDelete
  26. thats very true,,,pinaghihirapan po yaan.....

    ReplyDelete
  27. ako gusto mag artista,,kagagradute kopo lang sa starmagicworkshop,,,im rex regidor 26,5"9 from pasig,,,may fb din po ako kung gusto nyo ako makita,,,,,thks

    ReplyDelete
  28. gusto ko !
    haha im only 14
    marunong sumayaw , umarte
    FYI kuya ogie kagrupo ko yung pamangkin mo
    si jommel
    if you need
    ! hahaa

    ReplyDelete
  29. may fb rin po ako
    if you need
    pheupliqzjhayzhon@ymail.com
    :)

    ReplyDelete
  30. well said ogie.. =)

    ReplyDelete
  31. ako gusto ko mag artista, kunin mo akong artista ogie haha!! joke lang xD
    lufe!!:) nc one :p

    ReplyDelete
  32. Ganito pala ang maging artista! Mag-si-singer na lang ako! ooo

    ReplyDelete
  33. Hi Ogie, you write so funny. Can you follow my blog as well?

    http://machosandhostos.blogspot.com

    ReplyDelete
  34. TI just thought of somewhat try my luck on PBB hahahaha....kidding aside, the tips can be helpful...

    ReplyDelete
  35. hello peeps if u're free, please check my blog

    (marijuana23.blogspot.com) .. for my pre owned stuff for sale.

    ReplyDelete
  36. ayan Ogie nag comment nako, sana maramdaman mo ako! :)

    ReplyDelete
  37. ako pde artista kaso ang acting ko asawa ko lang ang bumibili hahahah.. saka reality check mag aartista ka di ka naman marunong umarte marami jan di ko na papangalanan baka awayin nyo ako hahah pero in fairness pwede naman sila artista kaso ang role dapat yung comatose patient lang hahahah have a good day everyone!

    ReplyDelete
  38. Nicely written Mother Ogie.
    That saying "Beauty is in the eyes of the beholder" is so true..
    I used that saying in my High School yearbook. Because not everyone can appreciate the same beauty. And each person has their own beauty as well.
    Being an actress is one of my dreams when I was younger aside from being in the Medical field na dine-dream ko ring talaga..
    Keep writing Mama Ogie.
    ilovereading your blogs =)

    ReplyDelete
  39. nice po Mama Ogie!!!
    gusto ko din magartista kya lng meju po may edad nko,,, hadlang papo ba un?

    ReplyDelete
  40. i love your blog mama ogie^^ nainspire ako as in...ang dami talaga gustong mag artista...yung iba nga galing pang ibang bansa pupunta lang dito tapos ayun may teleserye na kahit hindi naman effective mag act tapos oa pa nga kadalasan....tapos pag na issue sila kung sino sino pa ang sisisihin kasalanan naman nila na pumasok sila sa magulong mundo ng showbiz :( sana lang sa gustong mag artista isipin naman nila muna kung may "K" ba sila para naman maipagmalaki sila ng lipunan... and dun naman sa mga nag papa audition hindi purke maganda or gwapo e kukunin na nila.. magkarun din naman kayo ng standars yung pwedeng ipanlaban sa hollywood ng umunlad naman ang showbiz industry dito sa pinas :)

    ReplyDelete
  41. wah ang ganda ng topic na toh!!

    tomo! laos na nga ang linya na "gusto ko pang manalo para matulungan pamilya ko"

    or yung magkwento pa na paawa epek.

    at tama kahit maganda ka kung wala kang appeal sa masa eh wala rin di ka talaga sisikat

    ReplyDelete
  42. mangarap nlng ng tama sa pagkatao mo db mr ogie.tgnn nyo wala ngyri skin hehehe but still hopeful.

    ReplyDelete
  43. i am following you via twitter po and i saw your blogsite, kaya i made one for the first time. :) natutuwa ako sa mga posts nyo, sobrang totoo at talagang may pinagdaanan. i'm also an avid fan of Rico Yan. iniyakan ko yan. Freshman ako sa college nung namatay sya at talagang hindi ako nakapag-exam ng maayos nun. :) thank you for writing something about him. :) God bless you always po.

    ReplyDelete
  44. Naghahandle po kayo ng toddlers as talents? Pls reply po. :)

    ReplyDelete
  45. ang ganda ng pagkaksabi nyo kuya ogie...it's by our destiny and also God's will din kung mag aartista ka ba o hindi basta ba andun ung "calling" na tintawag why not?! dba? :)

    ReplyDelete
  46. mama oj! dis is my very frst tym to post a comment on ur blog...ang gling mo tlga?!, to tell u honstly, in my entire lyf nver qng binalak n mg-artista, dhil.....i don't got the "looks" aside from that, i have no " talent" to showcase. better to live a simple and quiet life outside showbiz ,though minsan msarp din at msaya din sa showbiz...

    ReplyDelete
  47. well said:) I LIKE:) full of message and point:)

    ReplyDelete
  48. hahaha..katakot mgartista.dapat handa ka at d pikon sa mga intrigues.

    ReplyDelete
  49. I accept the challenge hahaha ! :) Very well said po Mr. Ogie Diaz :) Gusto ko po maging sikat na singer ! :)

    ReplyDelete
  50. Ako gusto ko mag artistaaaaa. Di ko alam bakit.... kahit matry ko lang umextraaaaaa. Sana mabigyan ako ng chance. ♡

    ReplyDelete
  51. Good Evening Po Sir Ogie. Ako po si Donx Isidro. 22 years old po. Taga Cebu po ako. Sir Ogie, gusto ko pong mag-artista. Ewan ko Sir bakit ako nagkakaganito simula noong nakita ko kung gano na po ka successful si Kim Chiu. Idol na idol ko po talaga cya Sir Ogie sa Sana Maulit Muli pa na pelikula niya. Noong 2006 ata yun Sir, pumunta talaga ako sa SM para mag Audition sana sa PBB teens, pero nakita ko sa mga pumipila, mga magaganda at magagwapo. Kaya hindi na ako sumali kasi sa tingin ko hindi ako mkapasok. Nagsisi ako sir Ogie na nag back out ako. Hindi ko man lang sinubukan, baka naman matanggap kung sakali. Kaya ngayon Sir Ogie, pinagsisihan ko po talaga na hindi ako nagpapatuloy. Alam ko po impossible sakin maging artista, pero gusto ko po talaga mag artista, at makita sa TV at sisikat balang araw. Sana po Sir Ogie. Sana lang po, mabasa nyo lang ito. Maraming salamat Sir Ogie. God Bless po :) - Donx Isidro - 09234298696

    ReplyDelete
  52. mag artista nung 7 plang po ako at hanggang ngaun 13 nko kailan kya matutupad ang pangarap ko khit blang actress

    ReplyDelete
  53. Actually po Mr. Ogie Diaz gusto ko pong maging artista until now thats my real dream,pero habang tumatagal nawawalan ako ng pag-asa na may potential ako .Siguro kung di man matupad ok lang nman maging ordinaryong tao lang . But I'll admit na super idol ko si ate Liza Soberano ��������❤❤����

    ReplyDelete
  54. I wanna be a star. .comedy. drama. Action. Gusto q ung mga kungfu ang dating.
    Ilang beses na ako nag audition sa PBB di na kuha ehh. If given a chance alam qng sisikat ako.
    Kailangan maging consistent. Ang layo kc ng manila sa probinsya namin kaya hirap mag audition.

    ReplyDelete
  55. I wanna be a star. .comedy. drama. Action. Gusto q ung mga kungfu ang dating.
    Ilang beses na ako nag audition sa PBB di na kuha ehh. If given a chance alam qng sisikat ako.
    Kailangan maging consistent. Ang layo kc ng manila sa probinsya namin kaya hirap mag audition.

    ReplyDelete
  56. Gusto ko po mag artista dahil gusto ko at pangarap ko po. Ipakita ang talent ko. Bihasa ako sa pag rarap at marunong din kumanta.marunong din po ako umarte.Share lang

    ReplyDelete
  57. Gusto ko po mag artista dahil gusto ko at pangarap ko po. Ipakita ang talent ko. Bihasa ako sa pag rarap at marunong din kumanta.marunong din po ako umarte.Share lang

    ReplyDelete
  58. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  59. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  60. Inspirasyon ko tlga si liza at julia B kya gusto ko magartista gusto ko makita ng mga tao ang talent ko at dahil ito ang panagarap ko

    ReplyDelete
  61. Inspirasyon ko tlga si liza at julia B kya gusto ko magartista gusto ko makita ng mga tao ang talent ko at dahil ito ang panagarap ko

    ReplyDelete
  62. I want to be a artist even just a extra

    ReplyDelete
  63. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  64. Hi po mama ogie gusto ko pong ma discover nyo ako kung ano man ang kakayahAn ko

    ReplyDelete
  65. Ako since 6years old palang po ako ehhh I want to be an artist because it is one of my greatest dream.kaya po kung if Gods will po na makapasok ako sa stardom ehhh I will prove myself and make my best to shine bright like a star.

    ReplyDelete
  66. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  67. Lenard Regino- inulit ko po unknown kasi kanina.

    I know handa ang buong pagkatao ko sa larangan ng pagarte sa pag pasok sa magulong buhay ng showbiz just because iba ako sa lahat ng simpleng tao na gusto mag artista. Dahil sa tingin ko ang iba ay gusto lamang sumikat. Insecure sa mga artista. Pero Sinasabi nga nila na pangarap nila maging artista well go for it. hindi biro ang pagiging artista at alam ko.gusto kong maging artista dahil deserve ko. I'm talented, nasakin na ang tindig o dating nang pagiging isang artista. Sabi nga nila what is beuty if you dont have a brain. Loka lahat nang tao may utak. Pero its not about the beuty or brain. Kung sa alpabeto ay nauuna ang "A" sa "B" dahil laging nangunguna ang attitude sa beuty and brain. So its not really about the beuty or brain, its about the attitude.

    -you feel me?

    ReplyDelete
  68. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  69. I am now 15 yrs old. Gustong gusto ko manood ng teleserye tapos imememorize ko yung lines na talagang tagos sa puso. I love to act kasi lagi ako sinasali sa mga declamation contest. Mahilig akong kumanta, and sumasayaw din ako kahit di super galing Haha. Di ko alam pero nasa puso ko lang na gusto ko gawin yung mga bagay na nagpapasaya sakin at mahal ko. Before di pa ko seryso pero habang tumatagal narerealize ko na ito nga at yun nga yung gusto kong gawin. Pero hindi madali. Like, gusto kong mag audition sa PBB pero i don't know how to start. Pregnant mama ko and ofw naman daddy ko. Hahahha di nila ko papayagan.

    But still, naniniwala ako sa sarili ko and i hope someday magawa ko ang mga bagay na gusto ko at maishare ko kung ano yung mga bagay na mahal ko! Keep Dreaming nga sabi nila.

    ReplyDelete
  70. I really want to be an actress! Gustong gusti kong umaacting tapos itatry ko yung nga lines na galing sa teleserye and iaact ko sa salamin Hahaha. Dahil siguro lagi akong sinasali sa declamation contest sa school. Isa pang gusto ko ay singing, kumakanta kase talaga sa family. Sumasayaw din ako. Noon sabi ko gusto ko, peo biglang "joke lang, di ako bagay". Hanggang tumatagal, mag gegrade 10 nako. Sabi ko gusto ko taoaga e! Gusto kong magperform sa Asap, gusto kong umacting sa tv or sa tvc. HAHAHA ang dami po diba? Iniimagine ko lang pero pangarap ko din talaaga.

    Tapos eto na nga, may Starhunt na nga ngayon. Last year gysto ko talaga magaudution for PBB peo natatakot ako baka pagtawanan ako nila kuya and alam kong di nila ko sasamahan, di nila papayagan magisa. Tapos ngayon meron pang auditon sabi ko sigesge try ko! Pero dumatibg yung araw na sabi ko "wala akong kasama di ako papayagan" YUN YUNG MASAKIT YUNG STRICT SILA. AND HINDI SILA NANINIWALA. Hahahhaa mapapaiyak tawa ka nalang.

    Pero sabi nga DREAM BIG. Kaya di ako magsasawa mangarap! Hahahahaha
    YES ARTISTA AKO pag natutulog HEHE.

    ReplyDelete
  71. I really want to be an actress! Gustong gusti kong umaacting tapos itatry ko yung nga lines na galing sa teleserye and iaact ko sa salamin Hahaha. Dahil siguro lagi akong sinasali sa declamation contest sa school. Isa pang gusto ko ay singing, kumakanta kase talaga sa family. Sumasayaw din ako. Noon sabi ko gusto ko, peo biglang "joke lang, di ako bagay". Hanggang tumatagal, mag gegrade 10 nako. Sabi ko gusto ko taoaga e! Gusto kong magperform sa Asap, gusto kong umacting sa tv or sa tvc. HAHAHA ang dami po diba? Iniimagine ko lang pero pangarap ko din talaaga.

    Tapos eto na nga, may Starhunt na nga ngayon. Last year gysto ko talaga magaudution for PBB peo natatakot ako baka pagtawanan ako nila kuya and alam kong di nila ko sasamahan, di nila papayagan magisa. Tapos ngayon meron pang auditon sabi ko sigesge try ko! Pero dumatibg yung araw na sabi ko "wala akong kasama di ako papayagan" YUN YUNG MASAKIT YUNG STRICT SILA. AND HINDI SILA NANINIWALA. Hahahhaa mapapaiyak tawa ka nalang.

    Pero sabi nga DREAM BIG. Kaya di ako magsasawa mangarap! Hahahahaha
    YES ARTISTA AKO pag natutulog HEHE.

    ReplyDelete
  72. Gustooooo ko ano kunin mo na ba ako nyan? Hahaha

    ReplyDelete