Sunday, March 6, 2011

Si Nine...Si Seven...

          Ako, perpektong ama?  Hahaha! Nako, hindi para magbuhat ako ng bangko. Hindi ko naman anak ang sarili ko para sabihin 'yan. Ang apat kong anak ang tanungin n'yo, kaso, wala naman silang celfone para makontak sila.    Nine, seven, three at one year old.  Puro girls?  Oo, hindi ako nakasilat ng baby boy, eh.
    Ang madalas ko pang marinig na tanong mula sa mga friends ko na manghang-mangha pa, "Ha?  Four girls?  Wala kang lalake?"
   Kitam, nambintang pa na me lalake ako.  Wala kaya.
   "Gagah, ang ibig kong sabihin, hindi ka man lang nagkaroon ng anak na lalake?" 
    Ah, ganu'n ba?  Lilinawin kasi para hindi ma-misinterpret. Hahaha!
    Actually, meron pa nga akong ibang kakila na hindi raw nila nabalitaang nag-ampon pala ako. 
    Juice ko, wala namang problema sa pag-a-adopt, pero gusto ko lang ipagmalaki na produkto ng semilya ko at ng misis ko ang naggagandahan kong mga anak.
    Katwiran ko nga, aanhin ko 'to kung hindi ko ipapasok sa tamang butas, di ba?  'Wag n'yo nang itanong kung pa'no akong tinigasan.  Nag-concentrate lang ako. 
   Ayan, sa kako-concentrate ko, nakaapat kami ni misis. Dalawa na lang ang kulang, volleyball team na.
   Siguro, sabi ni Lord, "Eh, nu'ng araw naman, nag-concentrate ka sa mga boys, eh.  Ngayon, gusto ko, sa girls iikot ang mundo mo."
     Sinabi n'yo po ba talaga 'yon, Lord?  O, I just put words into Your mouth?  Hehehe.  Pero somehow, semi-totoo naman.  
   Lagi kong iniisip, kaya siguro ayaw akong bigyan ng baby boy ni Lord, kasi, ita-timing lang Niya na malalaki na ang mga daughters ko para pag nandiyan na si Ogie, Jr., porke puro girls ang kapatid niya at andiyan pa ang madir niya, eh dapat lang na super taas ng respeto niya sa mga girls.
    Iniisip ko rin, pa'no pag nagkaanak kami ng boy tapos paglaki, lambutin din tulad ng ama niya?
    Sa 'kin?  Okay lang.  Walang problema.  At sino naman ako para isumpa ang anak ko kung siya man ay bading?  Aba, ipagmamalaki ko lang na 'yang mga bading ang hindi nang-iiwan ng parents.
     Ang dami ko kayang kilalang "kafatid" na hindi iniiwan ang parents nila.  Ako nga, kahit may sarili nang pamilya, ako pa rin ang breadwinner ng nanay ko, eh.  Habang ang iba kong kapatid na tunay na lalake at tunay na babae, may sari-sarili nang pamilya.
    (Pero sa susunod na blog ko na 'to ikukuwento.  Ang haba, eh!)
     Tinatanong ako ng ilang kaibigan, "Alam na ba ng mga anak mo na ganyan ka? Pa'no mo ipapaliwanag sa kanila?"  Nako, madalas, 'yan ang naririnig kong tanong.
    Ang OA nga ng isang bagong nakilala ko.  Para bang sa buong buhay niya eh ang naging desisyon ko sa buhay ang biggest problem niya.
     Sabi ko sa kanya, "Bilib naman ako sa 'yo.  Pinoproblema mo 'yan eh ako nga, hindi ko pinoproblema 'yan."
     Alam ko namang puwedeng mamaya dumating ang problemang 'yon o bukas o samakalawa o balang araw, pero ako ay naniniwala na as long as physically, lagi ka nilang nakikita, nahahawakan, nakakausap at nararamdaman nilang good provider ka, pinoprotektahan mo sila, binibihisan mo sila, pinag-aaral mo sila, nag-i-spend ka ng quality time sa kanila, ginagabayan mo sila at higit sa lahat, mahal na mahal mo sila,  I don't think ikahihiya ako ng mga anak ko.
     There was one time, nagtatalo sa harap ko si Nine at si Seven nu'ng sila'y Six at Four pa lang. "Sige na, sabihin mo na kay daddy." --"Ayoko, baka magalit si daddy, eh!"
     Siyempre, naalarma ko. "Ano 'yang pinag-aawayan n'yo?"
     Six:  "Eh, kasi, daddy, 'yung kaklase ko, si Jerome, nakita niya 'yung picture natin, tinanong niya 'ko kung daddy daw kita. Sabi ko, oo. 
    "Sabi niya, 'Bading naman 'yang daddy mo, eh!'"
    Na-curious ako, "O, ano'ng sabi mo?"
    "Sabi ko, hindi ka bading.  Boy ka.  Pero okay na daddy, 'wag ka na magalit, pinagalitan siya ng teacher namin!"
    Napabuntong-hininga ako.  Sabi ko, "Next time, anak, ha?  Pag me gumanyan pa sa inyo, pag sinabing ang daddy n'yo, bading...'wag n'yo nang pansinin at 'wag kayong magagalit, ha?
    "Saka kayo magalit pag sinabing ang daddy n'yo, tomboy!"
    Hindi na sila kumibo.  Siguro, 'yung bading lang ang alam nila ang meaning, pero ang tomboy, hindi. Hehehe. 
    Alam ko, balang-araw, magiging problema nila ito, pero ako, honest?  Hindi ko iniisip na problema ito. Sa ngayon, ha? 
    Very loving ang mga anak ko, eh.  Lahat sila, daddy's girl category.
    At itinuturing kong "sukli" ang pagiging "daddy's girl" nila at pagiging malambing sa pagtataguyod ko sa kanila.  Sa kanilang mag-iina.  
     MINSAN, dumalaw ako sa bahay ng isang kumpare kong OFW.  Kauuwi lang niya galing Saudi. Mula pa nu'ng nag-asawa ito, sa pag-a-abroad na nanggagaling ang ikinabubuhay ng misis niya hanggang sa tatlo na ngayon ang anak nila, ganu'n pa rin ang sistema. 
    Nakakalungkot, kasi, hindi gano'n ka-excited 'yung mga anak niya pag umuuwi siya eh 15 days lang ang bakasyon ni kumpare a year.
    Siguro nga, nakagisnan na nila, nasanay na silang nasa abroad palagi ang ama nila. 
    Pag-uwi ng ama galing abroad, hindi nila alam kung magiging malambing ba sila sa daddy nila o nandu'n pa ang mga anak sa stage na tinatantiya pa nila kung paano nilang haharapin ang tatay nilang kilala lang nilang tatay nila at bumubuhay sa kanila, period. Pero "absent" naman palagi sa pang-araw-araw na buhay nila.
    Kaya sabi ko nga kay Kumare, sana, maliliit pa lang nu'n ang mga anak nila, pinalibutan na niya ng picture ng ama nila ang buong paligid ng bahay nila para kahit sa isip lang ng mga bata ay kaya nilang i-drawing ang mukha ng ama nila.
   Sabi ko rin kay mare, sana, siya na ang naging tulay o extension ng mister niya para ma-appreciate ng mga bata ang kanilang ama kung gaano kasipag at kabuti itong ama sa kanila.
   Sa pinakamalalang emote, "Nagkakandakuba na sa katatrabaho sa ibang bansa ang daddy n'yo, mga anak, maibigay lang ang magandang buhay sa inyo."
   Kaya nga ako, one time, tinesting ko sina Nine at Seven, eh.  "Anak, gusto n'yo ba, si daddy, magtrabaho sa ibang bansa, sa abroad, para mas marami kayong damit, laruan?"
   Seryoso si Nine, "Du'n ka titira, daddy?  Matagal ka ba du'n? Hindi ka dito matutulog?" tango lang ako nang tango.
   "Sama mo na lang kami lahat, daddy!"
         
   
   
   
 
     

30 comments:

  1. haha nice to be the first to comment =) you're such a nice guy ogz, indeed a nice father too =) just continue doing what you do, nobody's perfect but what have you been doing is really more than perfect! God bless you always and your family ^_^

    zurcaled
    http://www.zurcaledworld.blogspot.com

    ReplyDelete
  2. How sweet naman. God bless you, Sir Ogie. :)

    ReplyDelete
  3. your daughters are funny and sweet :)

    ReplyDelete
  4. Ogie, you're such a good person. Marami ngang mga tunay na lalaki dyan pero hindi naman matinong ama. Very peaceful ang life natin when we have a happy family especially happy kids kaya keep up the good work Ogie. At sa mga ama dya na walang ginawa kundi bigyan ng sakit sa ulo ang asawa nyo, magpakatino kayo dahil doon yon pupunta sa emotions ng anak nyo lalo na sa mga babaero. Ma affected yong mga anak nyo emotionally maski hindi pa makita yon sa mga mukha ng mga anak, deep inside, the children are hurting to see an unhappy family.

    ReplyDelete
  5. Napakagandang sulatin na naman ang aking nabasa mula sa iyo OGIE...tama ang lahat na isa kang mabuting tao at alam mo kung saan ilulugar ang sarili sa lahat ng sitwasyon...mabuhay ka

    ReplyDelete
  6. Hindi nasusukat ang pagiging mabuting ama o inasa pamamagitan lamang ng sekswalidad ng tao.Sa katunayan parang mas marami pang iresponsable at pabayang straight na magulang kaya dumadami ang taong malungkot at pariwara ang buhay.Nakakainspire ka teh:)

    ReplyDelete
  7. wala sa gender preference ng isang tao ang pagiging mabuting magulang... it's a choice... Kung pinili mong maging ama o ina dapat ay panindigan mo ito... we must all be responsible to whatever decision we make...

    Saludo ako sa mga kagaya mo ogz, a responsible and loving father... siguro ganun talaga ang mga bakla, lumalabas ang pagiging mabuting ama kapag pinili nilang maging ama just like my friend Mr. E.

    ReplyDelete
  8. ito ang pinaka magandang blog nyo kuya... ever!!!!!

    ReplyDelete
  9. to be honest, kahit patawa p rin ang pagdeliver mo ng explanation mo naiyak ako.. kc i can really feel n super love k ng mga anak mo despite of everything which is dapat lng nmn tlga because you deserve to feel the love and respect from your kids.. and the last part of what you wrote... awww so sweet of them... keep on writing and tweeting mama ogs you always make my day... in addition to that i salute your wife for keeping up with you inspite and despite of all the negative vibes =)

    ReplyDelete
  10. kainggit naman..i've never feel what your daughters r feeling ryt now coz am a product of a broken family..kaya super i envy the bonding of your family. You may not be the perfect image of a father but your the perfect model to all the fathers out there.You choose to be who you are and you u made it with full of responsibility.
    Continue being you, and you'll see, a lot will be inspired from your story.
    Godbless you and youe family!:)

    ReplyDelete
  11. kinakabahan ako ngayon dahil pwede ako matanggal sa training. Pero nang nabasa ko blog post mo today, super relaxed and kinda happy na ko. Such a positive post. Like na like talaga.

    ReplyDelete
  12. Wow! This one moves me. Your blog gradually shows how deep, how substantial and how broadminded Ogie Diaz is as a person.

    ReplyDelete
  13. it is so rewarding pag yung mga anak mo e naglalambing sayo..para kaseng nakakawala ng pagod ang kainosentihang tanong ng mga bata..nyahah!! (kung makapagsabi parang may anak na ko..) gusto ko na din magkaron ng baby..sana lang..hihi!! walang problema sa gender basta mahal mo sila ng totoo walang duda yun naaa!! :DDD more power mama ogs!!

    ReplyDelete
  14. mama ogs, ito ata ang pinaka-favorite kong blog entry mo. matagal na akong nag-aantay ng kuwento tungkol sa mga kids and family life mo. nakaka-curious kasi ang mga tweets mo about them, and it seems na you are really a loving family man. nakakatuwa ang kids mo. and yes, napapalibutan ka talaga ng girls ngayon sa iyong life. ur kids, wife and mother. sana someday, magka-baby boy ikaw, if ever na gustuhin mo ng fifth baby. God bless you and your family, mama ogs!

    love kita talaga,
    ca_ptjack

    ReplyDelete
  15. super saludo ako sau!!!! ganun ako lumaki ng wala sa tabi magulang, papasa pasa kung cnu mag aalaga.. kaya now im ofw, nag iipon talaga agad ako para in case na mag kaanak ako sa tabi ko n lang cla kc ayaw kong maranasan nila ang naranasan ko.. SANA LAHAT NG MAGULANG KATULAD MUH MAG ISIP..

    ReplyDelete
  16. nasabi na lahat ng papuri sayo kuya ogs! ,, bsta maipadama mo sa mga anak mo na mahal mo sila isa na yun sa tatatak sa mga isipan nila hanggang sa tumanda sila...

    and hello peeps if u're free, please check my blog

    (marijuana23.blogspot.com) .. for my pre owned stuff for sale.


    thanks kuya ogs.

    ReplyDelete
  17. awww. touching, thank's for sharing Ogie.

    ReplyDelete
  18. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  19. nice one ogz (thumbs-up), this one came from your HEART! keep it up and God bless ♥

    ReplyDelete
  20. Grabe, naiyak naman ako dun - sakto sakin kasi while growing up, parehong parents ko nag abroad for 'financial reasons'.. Hay.. anyways, It's the first time I've read your blog, and I'll be reading more. Keep it up! :)

    ReplyDelete
  21. This is nice. With the kind of love that you are showing your daughters, I'm sure they'll accept you no matter what. And who cares about what other people think? No matter what you do, people will talk anyway. So might as well, do whatever you want and be happy. Take care!

    ReplyDelete
  22. You have earned my respect! Saludo ako samga katulad mong responsableng ama at me paninindigan.

    ReplyDelete
  23. Ogie Diaz, the family man. AMAZING!!!

    ReplyDelete
  24. kung ikaw ang tatay ko, I'll be proud. Mas lalaki ka pa sa mga tunay...

    ReplyDelete
  25. wa akong masey! ang galing mo! :)

    http://stuckwith3.blogspot.com/

    ReplyDelete
  26. ako pla c babaeng haggard eheheh haggardness unite!

    ReplyDelete
  27. mama ogz! natawa nmn ako dun sa kung panu tumigas ung anu moh! hehehe..masaya n nmn araw ko!

    ReplyDelete
  28. try to read this blog baka magustuhan ninyo din po

    http://diaryofagirlwhosinlovewithagay.blogspot.com/


    sana .. hihihihi
    God Bless ^___^

    ReplyDelete