Wednesday, March 30, 2011

'Yan si Rico...

      Nu'ng isang araw, nagkalkal ako ng mga album ko ng mga birthday parties ko sa pag-asang meron akong makukuhang picture kasama si Rico Yan.
     Eto na nga, nakakuha rin.  At ginamit ko ring twitter profile pic ko (na nahihirapan akong i-upload, kalokah!)
    Tinulungan na rin siguro ako ni Rico mismo makahanap agad para hindi na 'ko mahirapan.  Kasi nga, gagawa ako ng entry tungkol sa kanya, eh.
     Sabi niya siguro,  "Ogs, eto na.  Talagang magkaibigan tayo, dahil magkakulay pa tayo ng shirt."
      Juice ko, aminan na 'to, crush ko si Rico Yan noon pang una ko siyang makita bilang si 1/4 German, 1/4 Ilonggo bilang Eskinol Master commercial model.
     Sobrang kilig ako nu'ng i-guest siya sa Martin After Dark at interbyuhin ni Martin Nievera.  Nanganak ang paghanga ko nu'ng maramdaman kong bukod sa gandang lalake, matalino rin si Rico. May sense kausap.
     Reporter na 'ko no'n, eh.  Tinutuklas ko talaga kung sino ang manager.  Isang talent agency ang mayhawak sa kanya no'n.  Sa loob-loob ko, baka hindi ko ma-achieve maging friend si Rico.
     Hanggang sa si Biboy Arboleda na ang mayhawak, 'yun na ang aming tulay para magkakilala at magkatsikahan hanggang sa maging close.
     First fans day ni Rico, pinakiusapan ako ng manager niyang si Biboy na mag-emcee.  Sabi ko, sure! Love ko 'yan, 'no!  Go!  At nu'ng nag-host ako, du'n ako lalong minahal ni Rico.  Abot-abot ang pasasalamat niya.  Para na ngang sirang plaka sa kapapasalamat.  Ganu'n siya ka-appreciative.
      Pero bago ang lahat, ha? Baka 'yung iba, nagtataas ng kilay.  At sasabihin, ganu'n talaga.  Pag patay na, du'n na nagkakaroon ng tribute.  Pinakamabait na sa lahat ng mababait kung ituring, dahil patay na nga.
     Pero may mga kakilala rin naman akong namamatay, hindi ko sinasabing mabait kung alam ko namang hindi talaga mabait. Patay na, paplastikin ko pa ba?
    Love ko lang talaga si Rico.
     Minsan, kumakain ako sa canteen ng ABS-CBN. Nakita niya 'ko.  Sabi niya, "Sino kasama mo?"  Sabi ko, wala. "Sige, samahan kita."  Na-Charo Santos Conscious tuloy ako that time.

     Imbes na ipahinga na ni Rico 'yung oras na 'yon, dahil galing ng school at galing daw siyang rehearsal, sinamahan niya 'kong kumain kahit nanonood lang siya sa pagkain ko.  Niyaya kong kumain, ang sagot:  "Makita lang kitang kumain, busog na 'ko." Sabi ko sa sarili ko, okay makisama 'to. 
     Kuwentuhan kami.  Sabi ko sa kanya,  ituloy lang niya ang Rico Yan Foundation niya, dahil ang ganda ng objective:  ito ang tutustos sa edukasyon ng mga less-privileged students pero deserving naman.
     "Magiging presidente ka ng Pilipinas, Corricks!"
     "Hahaha!  Gutom lang 'yan, Ogs.  Sige lang, kain ka lang!"
     Bihira sa mga artista 'yung pag nakikipagkumustahan, kukumustahin niya 'ko, ang nanay ko, ang buhay ko, lalo't higit kung may problema daw ba ako na puwede siyang makatulong?
     Madalas kasing nangyayari, kaming mga reporter ang kukumusta sa artista. Pero si Rico, ikaw ang kukumustahin niya.
     'Yung gano'n lang, sobrang ang laking bagay sa akin, kaya love ko 'yang si Rico, sobra talaga.  Para na tuloy akong sirang plaka, paulit-ulit. 
      Hindi ko rin magawang magkaroon ng "pagnanasa" kay Rico kahit "yummy" at "papalicious" ang aktor. Siguro nga, dahil sa respetong siya rin ang nagtanim sa puso ko.
     Ang galing ding makipagbiruan.  Hindi KJ.  Sabi ko sa kanya, iniilusyon ka ng mga bading, ha?  "Ilusyon mo lang 'yon, hahaha! Pero friends natin 'yan."
     Ganyan siya.  Minsan nga, may nanggulat sa akin sa isang dressing room sa ABS-CBN. Nakabukas ang pinto kasi, ako lang mag-isa.
    Nagbabasa ako ng script nang nakatayo para sa sitcom na kinabibilangan ko noon, 'yung Pwedeng-puwede.
     Eh, nakabukas 'yung pinto ng dressing room.  Nalokah na lang ako nu'ng bigla na lang me yumakap sa akin sa likuran at nagdayalog ng parang kontrabida ang boses, "Eto naman ang gusto mo, di ba?  Okay ba, ha? Okay ba?"
     Paglingon ko, nagulat ako! "Nakakalokah ka, hindi ka nagsasabi. Nakapag-prepare sana ako! Hahaha!" Otomatik na, yakapan na kami.  'Yan si Rico.
     "Naramdaman" ko siya sa likod ko. Ramdam na ramdam.  At ipinagmamalaki ko nga 'yon sa mga bading kong friends, eh. Hindi lahat ng bading, bibiruin ng gano'n ni Rico, di ba?
     Eh, gano'n si Rico, eh. Kahit isang La Sallista, kaya niyang makibagay sa kahit kaninong tao. Kahit bading ka pa.  Ibig sabihin, secure sa seksuwalidad niya si Rico.
     And I remember, talagang tinapos niya ang kolehiyo niya, dahil gusto niyang maging isang magandang halimbawa sa mga kabataan, lalo na sa mga bagets na artista.
    Meron din siyang ugali na kapag kaibigan ka niya, ine-expect nya na pag may problema ka sa kanya, didiretsuhin mo siya.  Hindi mo isusulat o sasabihin kahit kanino, kungdi sa kanya lang, dahil siya ang concerned.
      Kaya pag nagkikita kami, lagi siyang nagpapaalala na pag may problema daw kami, sabihin lang sa kanya.  Ganu'n siya.   At na-appreciate ko 'yong effort niyang 'yon. 
     Ang dami pa naming "good memories" ni Rico na 'yung iba na ipinagkatiwala sa amin ni Rico, nasa "baul ng alaala" na namin.
      March 29, 2002, Biyernes Santo no'n, hinding-hindi ko makakalimutan. Katatapos lang ng annual Pabasa naming magkababata sa Loreto, Sampaloc.  Ang init-init na nga nu'ng time na 'yon, nakakapaso.
     Bigla akong parang binuhusan ng malamig na tubig nang matanggap ko ang balita thru text brigade na patay na si Rico.
      Hindi ko pa alam kung ano'ng irereak ko.  Kung maniniwala ba 'ko o gusto kong murahin 'yung nag-text brigade.  Pero sunud-sunod ang dating ng message, eh.  Lahat ba sila, mumurahin ko sa text?
      Eh, that time, naalala kong malungkot na si Rico bago pa siya mag-Holy Week sa Dos Palmas, Palawan, dahil nga nag-split sila ni Claudine Barretto at nabalitaan na lang ni Corricks na sina Claude at Raymart Santiago na pala.
      Sa Dos Palmas si Rico that time, kasama niya ang magdyowa dating sina Janna Victoria at Dominic Ochoa kasama ang ibang friends.  Nakainom daw si Rico at nu'ng makatulog, hindi na nagising.  Bangungot daw ang ikinamatay.
      Sabi ko nga sa sarili ko no'n, ke bangungot 'yan o anupamang cause, ang bottomline: patay pa rin si Rico.
      Kahit off-air ang lahat ng tv networks noon, dahil nga Biyernes Santo, nagbukas ang Channel 7 at Channel 2 para ihatid ang mga huling balita sa pagkamatay ni Rico.
    Si Karen Davila ang naalala kong masigasig na nagre-report kung saan 'yung helicopter ng ABS-CBN ang siyang kumuha sa mga labi ni Rico kasama ang ama at kuya nitong si Bobby Yan.
        Kaya pagdating dito ng bangkay ni Rico from Palawan, nu'ng naiburol na sa La Salle, papunta pa lang ako du'n, umiiyak na 'ko sa kotse.
      Pahinto-hinto ako para umiyak, tapos, maya-maya, tutunganga.   Nu'ng 'andu'n na 'ko sa La Salle,  hindi ko alam kung ubos na ba ang luha ko o kinakaya ko lang maging matapang o in denial lang ako at 'andu'n pa rin ang ilusyon kong buhay pa rin si Rico at nananaginip lang talaga ako.  Nang gising.
       Alam n'yo, namangha ako, dahil sobrang haba ng pila ng mga taong gustong magbigay ng huling respeto kay Rico.  Du'n ako mangiyak-ngiyak na natutuwa. Well-loved si Rico talaga.
      Ganu'n yata talaga.  Pag nagtanim ka nang maganda sa kapwa at nagbuo ka ng magandang imahe sa mata ng publiko, kahit hindi ka nila kaanu-ano, may nakalaan silang totoong luha at pagdamay anuman ang mangyari sa 'yo. 'Yan si Rico Yan.
        Kahit sa  araw ng libing ni Rico, ramdam kong sobrang love ng mga tao si Rico.  Kasi, parang hindi maputol ang chain na ginawa ng mga tao kahit nagkasya na lang silang casket lang ang makita habang patungo sa Manila Memorial Park ang pila-pilang mga sasakyan sa Edsa na gustong makipaglibing.
       Dalawang bagay  kumba't kami lumuluha nu'ng mga sandaling 'yon.  Una, dahil ang hirap-hirap sa kalooban ko na huling araw ko na lang makikita ang kaibigan kong si Rico.
      Tapos, pangalawa, pinababa pa ako ng executive producer  sa coaster kung saan nandu'n lahat ang cast ng noo'y nooontime show na  "Magandang Tanghali, Bayan" na kinabibilangan ni Rico.
     "Ba't nandito ka?  Hindi ka puwede dito, baba ka.  Bumaba ka.  Ipara n'yo diyan para makababa siya."
       Since napahiya ako sa mga nakarinig ng pagpapababa sa akin sa coaster ng naturang EP (sobrang nahiya talaga ako kina Willie Revillame, John Estrada, Randy Santiago, Ai-Ai delas Alas, at kung sino-sino pa na nandudu'n), itinawag agad ni John Estrada sa driver niya na saluhin ako pagbaba at pasakayin sa naka-convoy na sasakyan niya patungo sa sementeryo.
       Galit ako sa EP that time.  Kaso, pag inisip ko siya nang inisip, mapuputol naman ang emote ko sa pagkamatay ni Rico eh ilang sandali na lang, nasa sementeryo na't kukunin na si Rico ng nitso.
        Nu'ng burol, hindi ako nakaiyak.  Pero nu'ng ilibing, du'n na 'ko nagpaka-best actress.  Inilabas ko na ang umaapaw nang luha na inipon ko nang ilang araw.
     Kung magpi-feeling okay lang ako at kaya ko pa, baka naman sumabog na ang dibdib ko at ang ending--ma-comatose ako.
         Meron kasi akong kakilala na hindi umiyak nu'ng mamatay ang isang kaanak.  Hanggang sa mailibing, hindi rin umiyak.  Nagtibay-tibayan.  Kaya ang ending, bumigat ang dibdib, ayun, na-comatose hanggang sa hindi na talaga magising.  Natulog na forever.
         Anyway, mga ilang linggo rin bago ako naka-recover at natanggap sa sariling wala na talaga si Rico Yan.  Nag-aabang ako ng kaluluwa ni Rico na magpaparamdam sa akin, kaso, wala, eh.
      'Yung sinasabi nilang lamig ng hangin na hahampas sa katawan ko para ibintang kong si Rico 'yon?  Wala din, eh.
          Alam ko, kahit hindi sinasabi ni Rico, baka batukan ako no'n kung hindi pa rin ako nakaka-move on.  Baka sabihin no'n, ang OA ko na sa kae-emote sa pagkawala niya, kaya dapat ko pa ring ituloy ang buhay.
         'Yung EP, matagal kong hindi nakabatian.  Kaisnaban ko everytime magkikita kami sa loob ng ABS-CBN.  Pero eventually, sakto rin 'yung tsikang time heals all wounds.
     Me ganu'ng factor talaga, kaya one time, walang pride-pride sa amin ng EP, bigla na lang kaming nagkayakapan at nagkumustahan.
       Hindi pinag-usapan 'yung dating eksena namin. Naisip ko nga bigla si Rico nu'ng time na 'yon, eh.  Eto ang gusto ni Rico. Reconciliation.  All's well that ends well ang drama. Tuloy ang buhay.
      Kumbakit kahit sabihin kong move on na at tuloy pa rin dapat ang buhay, hindi ko makalimut-kalimutan talaga si Rico, dahil sa "Magandang Umaga, Bayan" na naging "Magandang Umaga, Pilipinas," nakatrabaho ko ang kuya niya, si Bobby.
     Sobrang close kami ni Bobby.  Mabait ang potah, pero at times, bumabalik sa pagkabata ang attitude.
       Tulad na lang nu'ng minsang nasa ere ako.  Nagbibigay ako ng blind item.  So 'yung ending lagi, magbibigay ako ng clue.  Sabi ko sa harap ng kamera, "Hulaan n'yo na.  Ang pangalan niya ay parang nasa kalendaryo lang."
         Nalokah ako, dahil biglang me narinig akong, "April!!!" na ubod nang lakas at dinig na dinig sa tv.  Ako naman, hindi nagpahalatang nairita sa narinig kong ibinubuko kung sino 'yung nasa blind item ko.
       Ang ginawa ko, pagkarinig ko ng, "April!"  dinugtungan ko agad 'yon ng, "May, June, July, August, September, October, November, December?" para hindi mahalatang 'yung "April" ang sagot.
       Nu'ng sinabi ko nang, "Sa pagbabalik ng 'Magandang Umaga, Bayan!"--commercial gap na.  Umagang-umaga, uminit talaga ang ulo ko.  Alam ko kung sino ang may-ari ng boses na sumigaw ng "April!" eh.
       Kaya sabi ko talaga sa kanya, "Ba't nakikialam ka?!  Hindi ko hinihinging sagutin mo at isigaw mo ang sagot! Ba't hindi ka manahimik?  Ipapahamak mo pa 'ko!"
       "Sorry, Ogs... sorry, sorry!  Na-excite lang ako.  Ang saya kasi ng portion mo, eh. Sorry na!"
         Ang init talaga ng ulo ko no'n, kaya sa galit ko, nakapagdayalog ako kay Bobby ng isang "bonggang pasabog" na ikina-shock naming pareho.
     Kaya naman, nu'ng mahimasmasan ako, nag-usap na kami ni Bobby at okay na ang lahat.  Nagkapatawaran at naging mas close pa kami.
          'Wag n'yo nang alamin kung ano 'yung nasabi ko kay Bobby, ha? Basta naikuwento ko lang sa inyo.  At alam ko, ayaw na rin ni Rico na banggitin ko pa 'yong dayalog kong 'yon sa kuya niya. Basta okay na okay kami ni Bob.
          Hay....ba't gano'n?  Ang dami nang nagsulputang artista, hindi ko pa rin makita ang "replica" ng isang Rico Yan?
         Pasensiya na, Rico, alam ko, ayaw mo ng gano'n at alam nating may kani-kanyang personalidad at karakter ang bawat artista at hindi ko dapat ikaw hanapin sa kanila.
       Alam ko naman, naka-move on na 'ko, eh. In denial nga lang.
       Huh?  Naka-move on na, pero in denial pa rin? Hahaha! Ang gulo ba?
      O, basta. Kung anuman ang interpretasyon n'yo, kayo na ang bahala.   Basta ang isang sigurado ko ngayon at habang nabubuhay ako, mahal ko si Rico Yan. 
 
            
http://www.facebook.com/profile.php?id=100001261472036#!/photo.php?fbid=175697629148952&set=a.169217549796960.51928.100001261472036&theater

44 comments:

  1. what a touching post! no doubt sobrang love mo talaga si Rico. sobrang nakaka miss si Rico while reading your post. i am and will always be a fan of Rico Yan. the man who will always be remembered for his good deeds& for being a true role model!

    ReplyDelete
  2. Your blog about Rico Yan is worth the wait Mr.Ogie. You’ve written everything wonderfully. I love the way you popped in those side comments on every part of the story – comparing Rico Yan with artists we’re having today. I will definitely have NO REGRETS following your blog site. Keep up the good work Mr.Ogie! – mr_nhoypi from Twitter

    ReplyDelete
  3. Ogie, grabe ang blog mong ito .. tumatagos sa puso ... lalo na dahil avid fan ako ni rico yan ... sinubaybayan ko career nya mula nung nagcocommercial sya ... isa syang magandang ehemplo para sa mga kabataan ... isa sya sa nag-angat ng imahe ng mga kabataang artista noon ... sayang nga lang kc maaga syang pumanaw ... pero ganun talaga kc sadyang nauuna daw talaga ang mababait ... habang read ko ang blog mo ay kinikilabutan ako at medyo napapaluha kc nakakapanindig balahibo dahil taos sa puso ng isang ogie diaz ang bawat linyang kanyang binibitawan ...

    ReplyDelete
  4.     Hay....ba't gano'n?  Ang dami nang nagsulputang artista, hindi ko pa rin makita ang "replica" ng isang Rico Yan?- I couldn't agree more.
    Until now kapag naririnig ko ang song na warrior is a child, sya ang naalala ko. Nag iisa lang ang Rico Yan. :)

    ReplyDelete
  5. Si Bobby Yan yung sinabihan mong, "bat si Rico pa, bat di na lang ikaw?", na kinabigla nyo pareho. Tama ba?

    ReplyDelete
  6. Hi Mama Ogs. Like you I've moved on but still in denial. I miss Rico. I cried yesterday and I can't believe he's no longer with us eventhought it's been nine years already.

    I will never forget Rico.

    ReplyDelete
  7. ako din super ♥ ko si Rico, lalo noong Judy Ann-Rico loveteam.. ☺

    ReplyDelete
  8. ang ganda ng pagkasulat mo, bilib ako kay rico yan...syang nwala sya sa ng maaga

    ReplyDelete
  9. ..ba't gano'n? Ang dami nang nagsulputang artista, hindi ko pa rin makita ang "replica" ng isang Rico Yan?

    - OO nga,, nag-iisa talaga si RICO YAN,, no one could beat the Legacy na naiwan niya. He is always Remembered and Loved by his fans and his family.

    ReplyDelete
  10. What I love in your blog is...you always write the message clearly...the word is 'RECONCILIATION'.God bless you Ogz! ♥

    ReplyDelete
  11. Wow! Touching! Mas lalo kong na-miss si Rico Yan. :( But then again, kahit mahirap gawin, kailangan nating tanggapin na hindi na siya babalik pa sa atin. Sa totoo lang kahit na nagsulputan na ang kung sinu-sinong lalaki sa showbiz, hindi iyon sapat para makalimutan ko ang ngiti ng isang Rico Yan. And honestly, hanggang ngayon bonggang-bonggang denial stage pa din ako! Haaay..

    ReplyDelete
  12. Wow! Sulit ang pagbabasa ko. Honestly, I was never a fan of Rico Yan but when he passed away, I really cried. Maybe because I felt that he was too young to die too soon. At totoo nga na maaalala mo ang magandang nagawa ng isang tao kapag yumao na ito - I remember how bright he was during a discussion on Youth registration for the national elections. Napahanga nya ako that time sa mga sagot nya. Sadly, huli na nang hangaan ko s'ya... pumanaw na s'ya.

    ReplyDelete
  13. i was never a fan of Rico yan, pero nung narinig ko nun na namatay sya nalungkot ako, lalo na nung kinanta ng buong MTB ang "I Will Be Here" (na breakdown talaga si Dominic Ochoa)...d ko alam anu maramdaman ko nun kay Claudine (para lang pinsan ko si Rico ^^, apektado? ) pero ganun lang talaga siguro buhay may nauuna at may nahuhuli...

    salamat kuya Ogs sa pag share...

    ReplyDelete
  14. kuya ogs nakakaiyak ang blog mo. sobrang nakakamiss tlga c rico, khit di mn kmi close. hehe. pansin mo ba kamukha niya si Chris Tiu? pero rico is rico pa rin. walang makakapantay sa kanya.

    ReplyDelete
  15. Idol, yun na ba ang ending ng Batang Haggard? Nabitin naman ako. Anyways, love ko rin si Rico Yan. Palagi ko na nga siya maalala lalo na't ni revive ang Mula Sa Puso. I can't help but keep on comparing the current MSP sa kina Rico na original.
    Haaaay, ba't ba na uso sa ABS yung irevive mga old soaps nila tulad ng Mara Clara at ngayon Mula Sa Puso na naman. Anong next nito, Esperanza?

    ReplyDelete
  16. at simula nun namatay si rico yan,nagkaroon na ng teeevvveee patrol kahit holy week..first time ko nakita si rico yan,sa airport una ko siyang nakita kasikatan nya nun bilang gabriel.super bait nya.binalikan at kinamatay ang tumatawag sa kanya

    ReplyDelete
  17. Sobrang idol na idol ko si Rico Yan noon pa. Kakamiss lang yung kulitan nila dati sa Whattamen! Tsaka naalala ko pa dati nung isang portion nila sa MTB, yung nagkiss sa kanya yung contestant at bigla syang napalingon at nakiss sya sa lips. sad lang at wala na sya :(

    ReplyDelete
  18. Rico Yan has been a great model to the youth. For now, wala parin sa mga young stars na katulad ni Rico, kayang makisama sa lahat ng uri ng tao, humble and napakatalino.

    ReplyDelete
  19. I wasn't a fan of Rico. But when he died, I cried a river! It's only then that I realized that I should've idolized him from the beginning of his career. If we could only turn back time...

    ReplyDelete
  20. Awesome blog mama ogs! Hope u also follow my blogs... http://iamails.blogspot.com/

    ReplyDelete
  21. buti na lang Ogs,may blog ka, alam mo idol ko yan si Rico Yan, may mga pictures pa nga ako niya until now nakatago, may picture ako niya nong graduation niya. Gwapong bata talaga siya at ang isang bagay na gusto ko sa kanya is tinapos niya yong pag-aaral niya, kahit kasi sinong magulang yan ang pangarap sa mga anak,kaya ang laking panghihinayang na maaga siyang nawala.Tama ka, until now wala din akong mahanap na papalit kay Rico Yan.

    ReplyDelete
  22. nice blog about rico yan :| Di parin ako nakamove on til now from his death. Kahit na hindi kame kilala or friends, prang i feel him. I feel his attitude. Malaking Sayang sa industriya at sa Pilipinas si Rico Yan :3

    ReplyDelete
  23. It feels nice to read your blog talaga, ikaw ang nag-inspire sa akin, thanks ogie, hope you continue to inspire others, kahit magulo ang yong mundong pinasok compare sa aming mga followers mo.

    ReplyDelete
  24. mama ogs, nakakalungkot ang entry na ito. habang binabasa ko ang kuwento mo, naalala ko din nung time na lumabas ang balitang wala na nga si rico yan. parang joke lang ang lahat nun, hanggang nagkaroon na nga ng coverage ang mga channels sa tv. nakakakilabot.

    mabigat sa dibdib ang kuwento mo, mama ogs. hanggang ngayon ay ramdam pa din ang emotions kahit ilang taon na ang nakalipas.

    i agree, na wala pang maitatapat kay rico yan.
    napa-google tuloy ako ng pics niya.
    iba ang smile.

    ReplyDelete
  25. Sayang talaga at mabilis lang ang mga araw ni Rico Yan dito sa mundo, pero naging makabulohan naman at minahal sya ng maraming tao. He will always be remembered.

    ReplyDelete
  26. that's a nice blog for Rico. Yeah it is really sad that he left us at an early age and so sudden. na-miss ko naman siya bigla. Thank you mama Ogz.

    ReplyDelete
  27. naiyak ako, naalala ko ang idol ko... follower mo ko d2 pero now lang ako nag comment bec. of Rico Yan, isa po ko dun sa nagtyagang pumila sa la salle para lng makita ang idol ko as in inabot kmi ng madaling araw from 5:00PM n nandun n kmi at kahit physically d ako kasama sa mga nakipaglibing, nag leave talga ko sa work para lng mapanood ang live coverage ng libing nya, at bumaha ng luha habang nanonood ako..huhu...Thank u mama ogz for this post, idol ko p din c rico yan kahit wala n sya...:-)

    ReplyDelete
  28. ganda naman ng mga sinabi mo about Rico. isa ako sa mga libo-libong fans ni Rico and still marami pa rin akong magagandang katangian nya na ngayon ko lang nalalaman. kahit ilang years na ang nakakaraan naluluha pa rin ako habang binabasa ko ang blog mo about kay Rico. 1st year college ako nun at umabsent pa ko mapanood ko lang ang paghahatid sa huling hantungan ni Rico. lalo na ngaun lapit na nman holy week maaalala ko na naman sya.

    ReplyDelete
  29. Rico Yan could have been PNoys' VP right now because he's in mid 30s kung nabubuhay pa siya...or probably a Congressman or the youngest senator. Sayang talaga ):

    ReplyDelete
  30. Kami ng mga kapatid ko noon, tulala din eh. Di rin ako naniniwala na patay na sya noon. Sabi ko noon, sana nag mistake lang. In denial kumbaga.

    ReplyDelete
  31. Hay kaiyak nmn itong blog post n ito. It brings back memories. Lhat nmn ata ng tao s buong Pilipinas tlgang nshocked s pagkamatay n Rico Yan. Khit ako nun, I've felt the loss khit d nmn kmi personal n mgkakilala. At tama k, khit ako ala p rin atang nkikita n katulad niya ang qualities s showbiz (although iba iba nmn tlga ang personality ng mga artista)

    ReplyDelete
  32. so touching..maski aku nung narinig ko noon ung news umiyak tlga,nung libing nia tutok na tutok tlga ako sa tv,and then nung kinanta ni Mr. Gary V. ung you raise me up naiyak tlga ako..and now Aj perez!!bat ganun??kung sinu pa ang mabait siya pa ang nauuna??

    ReplyDelete
  33. na reminisce ko tuloy c rico yan.. sobra! grabe ang pagluluksa ko that time when rico died.. feeling ko I can't move on.. sobra akong affected.. I luv Rico Yan so much.. Its hard to look for another Rico Yan nowadays.. marami man actors nagsulputan pero iba pa rin c Rico.. I don't idolize actors like what I Idolize Rico Yan.. Yung feeling d makompleto yung day kung d makikita c Rico sa TV.. kaya grabeh.. iba pa rin talaga ang isang Rico Yan.. I miss you Rico Yan... You will always be remembered...

    ReplyDelete
  34. waaahhhhh... I MISS YOU CORICKS!! grabeh.. masakit pa rin... kaya nga sana wala na lng GOOD FRIDAY ang year.. para d ko ma remember ang day na nawala sa mundo ang isang RICO YAN... na miss ko na naman c MR. DIMPLE... hahayz...

    ReplyDelete
  35. I really miss rico..how i wish buhay p xa..bat kaya ganun yung mga mababait kinukuha agad ni God?hay buhay nga naman..tns Ogz sa lahat ng post mo at ishinare mong life with rico..God bless you..

    ReplyDelete
  36. aun!, ng dhil sa blog na 'to naalala q ulit ung kauna-unahang artista na indulo q...c rico yan, after him, c aj perez nmn ung inidulo q, ewan q b qng bkit cla ung nging idol q?, bsta nung mkita q cla s tv...un, idol n agad!, kc preho clang may napakagandng reputasyon, wla clang nging ' NEGARIVE PUBLICITY", kc, sa panahon ngaun, bihira n lng sa mga artista ang wlng " kasiraan", isa pa, parehong kagalang-galang, matalino, my pgpapahalaga sa edukasyon, @ parehong "wholesome".After rico yan, c aj perez ung nging idol q..mrmi kc clang similarities eh.Sobrng hanga aq s knila kc despite their busy sched in their showbiz career, they were able to finish their studies, un nga lng ndi na naituloy ni aj ung college kc maaga xang kinuha ni Lord. Probably, mgksama n cla ngaun..dun sa "taas", pareho n clang anghel..pero ndi q p rin mtnggp na wala n c aj...ewan q qng bkit gnun ang impact ng maaga nyang pgkawala? in d frst place ndi q xa kaanu-ano, isa lng aqng tga-hanga...

    ReplyDelete
  37. Hi. I stumbled upon this post while thinking about an old friend. Rico was a middle school classmate and great friend. I was two weeks away from giving birth when he passed, and yet, I didn't care and rushed to La Salle GH when he got there from Palawan. That first day, I remember you were there, waiting outside that small room where his body was. I could see that you were sad and parang di ka mapakali. Now I know how much he meant to you.

    Rico, my putot, I just want you to know that you are missed.

    ReplyDelete
  38. I was searching about rico on google and your blog came accross..im also one of his fans and followers.i really admire him...!yeah hes very good looking but aside from that he was very smart.he answers questions intelligently,mapapa Wow k tlaga!and most of all,kindhearted!thanks po for sharing ur experiences with rico.we all miss him after all these years!God bless

    ReplyDelete
  39. I MISS RICO HE'S MY FIRST CRUSH AND REAL TALK WLA TLGA SYANG KPNTAY UNG CHARM NIA IBA SA MGA ARTISTA NGAUN AND I WAS WONDRING IF ME PMNGKIN SYANG KALOOK ALIKE NIA HOWEVER RICO IS RICO UNIQUE..BT B ANGELIC FACE KA HAYYY

    ReplyDelete
  40. hi mr ogie! binasa ko lang ang blog mo to research and to check lang na talagang si Karen Davila nga ang matyagang nagcover ng balitang ito nanpagkamatay nga ni Rico at nasa ABS CBN na si Karen that time! gusto ko lang supalpalin sa Facebook comment! thanks more power po!

    ReplyDelete