Wednesday, February 16, 2011

"Ako, tsismoso?!"

            "Napakatsismoso mo talaga!" 
         'Yan ang sinasabi natin sa mga kausap nating ang hilig-hilig sa tsismis.  Lalo na kung hindi siya ang involved? Nako, parang napaka-perfect ng buhay niya.  Hahahaha! 
         Ke kamag-anak niya o kaibigan niya, basta kakilala niya at baon-baon mo ang tsismis tungkol sa mga ito, nakatanghod sila sa 'yo para makinig.
        Lalo na pag artista na ang sangkot?  D'yan! D'yan mahilig ang mga tsismosa.  Lalo na pag sikat pa ang involved?  Nako, ang sarap kayang pagtsismisan non?
       'Yan ang Pinoy--kundi tsismosa, usisero.  Ewan ko ba.  Ibang "ligaya" ang dulot sa mga tsismosa pag pinagtsitsismisan ang buhay ng ibang tao.
       Tapos, pag ikaw naman ang natsismis, ano? Super react ka?  Super defensive ka?  O, kaya, ine-enjoy mong pinagtsitsismisan o pinag-uusapan ka, gano'n?
        Pero ang tsismisan ngayon, iba na.  Pa-blind item na.  Ang lagay eh makikinig ka na lang at hindi mo paghihirapang mahulaan kung sino'ng tinutukoy, di ba?
       'Yan ang uso sa showbiz--blind item.  Nako, lalo na kung "delikado," kailangan, malalim ang clue para ang dating eh makaubos-brains ka sa kahuhula kung sino.
       ETO'NG HALIMBAWA, HA?
       Sino ang nagsabi nito:  "Masarap kaibigan si ...(TV host), pero ang hirap niyang katrabaho!"
       Nakarating ito sa kontrobersyal na tv host, kaya ang naging desisyon nito: pagpahingahin ang segment host. 
      Kaya ang alibi nito ngayon eh nagiging masasakitin siya lately, kaya magpapahinga muna siya sa show.
      Pero ang totoo, according to my source, na-offend at naasar sa segment host ang main tv host, kaya tsugi siya sa show nito.
      Kung mapapansin n'yo, ang sabi ko, source.  Hindi ko sinabing "reliable source, dahil malay ko naman kung hindi ganito eksakto ang kuwento, mahirap na, di ba?
     O, at least, me benefit of the doubt ako.  Hindi ko agad-agad pinapaniwalaan ang nakakarating sa akin, dahil una, wala ako doon. 
     Pangalawa, malay ko ba kung iba ang dahilan, hindi pala itong nakarating na kuwento sa akin, di ba?  Kasi, ang alam ko talaga, nagiging sickly ang segment host sa dami ng raket.
    "Pero taklesa rin kasi siya, eh.  Akala niya siguro, hindi makakarating 'yon ke kuya."
     Okay. Sana naman, okay ang naging paghihiwalay nila.  At kung ito man ay totoo, sana ay may natutunan si segment host kung siya man ay nakapagdayalog nito.
     Mahulaan n'yo kaya ito?
     O, KAYO NAMAN.  Baka meron kayong na-encounter na artista na may masamang inugali o pangit ang naging experience n'yo sa kanya.
     'Wag madamot.  Kung juicy naman 'yan, i-share mo na!
                       
 

53 comments:

  1. haha totoo un pinoy nga eh......parang kilala ko ung ..co host na un.....gusto ko ung last part ..juicy ...hahah

    ReplyDelete
  2. Totoo ka dyan! Kilala ko rin yung tinutukoy Mo. marami akong kwento pero matagal na nangyari. relevant pa ba yun? Pano kung nagbago ng ugali?

    ReplyDelete
  3. ito kuya ogs tintweet ko din toh sayo eh. nung araw ng mga puso nangyari tong experience ko kay kpamilya actress. kung animoy wala siyang ka ere-ere at arte sa katawan sa TV sa personal naman pala ay kabaliktaran; ang buhok niya na pang endorse ng isang shampoo, ginamit na pantakip sa kanyang fez, pati ang kamay niya na sana'y suotan na ng singsing ni top kpamilya leading man ayon pantakip na rin ng fez. at nung nilapitan na siya ng mga tao para mag papicture meh patakbo-takbo pang nalalaman na animoy natutunan niya sa isang sikat na workout na pinaglalandakan niyang nakapag hubog sa kanyang katawan. @mmmanelle-twitter ID

    ReplyDelete
  4. Mama Ogs! Nakakawili naman ang iyong blind item hehehe. Gets ko na :) Salamat at ma juicy nga!

    ReplyDelete
  5. c dj mo twister for sure sya yan.........

    ReplyDelete
  6. Si Mo Twister 'yan! :)

    "Ako, tsisMOso?!"
    "Pero taklesa rin kasi siya, eh. Akala niya siguro, hindi makakarating 'yon ke kuya." - Si Willie 'yong Kuya na tinutukoy. :)

    ReplyDelete
  7. si DJ Mo at willie yan... hindi pwedeng magkamali ako.

    ReplyDelete
  8. inaaway ka na ni mo. below the belt makipag away ang mokong.

    ReplyDelete
  9. Si Mo, that was his excuse for leaving Willing Willie. Napapadalas daw ang absent niya dahil lagi siya nagkakasakit sa dami ng jobs niya.

    I doubt kung happy rin si Shalani duon.

    And not Cesca, kasi talagang may sakit siya na kailangan niya magleave. Hindi naman ata siya nagresign, leave lang ata. And walang permanent or Main Host naman ang E Live :)

    ReplyDelete
  10. I guess dapat din na isipin ni major TV host kung bakit may mga ganung comment sa kanya... Ang hirap kasi, hindi porke na sa knya ang kapangyarihan sya ang laging tama. Mali din naman yun. Napaka-constructive ng criticism para tanggalin ang segment host... It should be taken as way to improve oneself. Fair lang ba... heheh..

    ReplyDelete
  11. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  12. winner ka ...ogie...thats the spirit..go go!!

    ReplyDelete
  13. greetings from wisconsin. ayan follower mo na ako both sa twitter and your blog. thank you for making my day lighter and fun everyday.

    ReplyDelete
  14. Hi Ogz. I love reading your posts, pampalipas oras on my way to work. At least I have my fill of 'more' write-ups from you than '140' minimum from twitter;)

    ReplyDelete
  15. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  16. The way Mo reacted by tweeting only proves that there's a grain of truth behind it. If not, sana he'll just lagh it off or put it astride like hindi sya yung taong natatamaan o pinapatamaan like how a True gentleman would react.

    ReplyDelete
  17. Si Mo yan definitely. Ipagpapalit nya ang mlaking show n willing willi n kung san ang laki ng kita?kung ang rason nya xado xa dami racket, pwd dun xa sa maliliit nyang raket mgresign. at juicy at wiling wili n lng matira. may mas malalim n rason jan.

    ReplyDelete
  18. Ayw n lng ipaalam sa madlang pipol n my conflict nnmn n nganap kay willie at sa kapwa nya ka-network kc ampanget n xado ng dating. Kontroberxa nnmn un. lagi n lng ba xa may ka-conflict...

    ReplyDelete
  19. i-monetize mu n tong blog mu. pwd mu to pagkakitaan sa dami n ng followers mu... guys, follow me dn... http://iamails.blogspot.com/

    ReplyDelete
  20. wow, juicy talaga yung blog mo :)

    ReplyDelete
  21. hay, katuwa si mo at katuwa ka din mama ogs kaka aliw ka, pero sa totoo lang bakit comment na comment si mo eh para naman wala ka sinabi masama dito tungkol sa kanya..

    ReplyDelete
  22. sadyang minsan, hindi mo maintindihan ANG MGA ARTISTA. minsan papansin.minsan naman eh akala mo magkaka allergic sila lapitan lang ng kanilang idolo.oo tao lang din naman sila pero nungka, kung maayos ka naman nilapitan at maayos din naman na hiniling sayo na magpakuha ng larawan sana naman dahil TAO lng din ang mga idolo niyo..tratuhin niyo din naman silang tao diba mama OGS?..kasi nkkatwa lang din talga ang ibang mga artista eh. kung ayaw niyo malapitan kayo at pagusapan sana hindi nalang kayo nag ARTISTA. at dahil dyan meron din akong medyo ikkwento na hindi nmn sobrang sama pero nkakalungkot na insidente sa isang artista.

    ReplyDelete
  23. tungkol ito sa isang sikat na young actor ngyon na may teleserye sa kapamilya network at nobyo ng isang young actress na kabarkada ng isang actress na hindi na ngayon nagkikimkim ng sama ng loob.
    eto ang kwento dahil kaarawan nga ng isa kong kaibigan nirequest naman namin sa manager ng resto na if pwede ay magprequest kay aktor na mgpakuha ng picture with my friend, hindi namn kme yun sobrang kilig na magpakuha, kumbaga ayos lang if ppayag at ayos lng din kung hindi. well nagpaunlak namn si aktor,. yun nga lang halata naman na napipilitan lang magpakuha. after 3 shots bigla kabig sa waiter kung saaan daw ang cr at biglang alis. magtthank u sana kme pero nawala na si aktor. pagkalabas nya ng cr na katapat lang ng lamesa namin aba wala ng lingon lingon karipas agad papunta sa lamesa nila. kasama nya that time isang lalaki at isang ehekutibo ng isang malaking network na napapabalitang nkkipagugnayan sa mga lalaking artista na biglang sikat pagnauugnay ...


    well ,, sa na experience namin,. nkakadisappoint lang talaga.

    nahulaan niyo na ba? ,mama ogs ikaw?

    ReplyDelete
  24. hi sir. ngayon lang ako nakabasa sa blog mo pero naaliw talaga ako ng todong todo. keep it up sir :)

    ReplyDelete
  25. @marijuana- What's wrong with that? You got what you wanted, you had some pics with him. Isn't that enough? Sometimes fans forget that actors, like ordinary people have feelings and mood swings. You don't know what he was actually doing at that time, maybe a meeting with the network executive. Gusto mo ata eh makikipagkwentuhan pa sa inyo ang actor eh. You're asking too much!

    ReplyDelete
  26. hay nku bgo p b yang issue kay male host? actually wala naman permanenteng kasama yan..... namumuhunan din yan sa audience nya.... knows nyo na yan.... marami akong pagdududa dyan..... pti n rin ang give away este sales ng cd nya. heheheehh KAHIT SA KAPAMILYA PA XA DTI I DONT LIKE HIM TLGA okray sa mga co host.

    ReplyDelete
  27. @jane -- hindi kita kausap , si kuya ogie. and fyi, hindi ako ang ngpapapicture dahil ako ang photographer and excuse me lang naman din hindi kme yun tipong tao na nagtatatalon pa sa tuwa para lang mkausap ang mga artista. so watch your words girl! .. hurt ka ba teh! manahimik ka. stick to the topic. pak the rules!

    ReplyDelete
  28. and basahin mo mabuti yun post ko bago ka magrereact dyan tse!

    ReplyDelete
  29. @ marijuana, sino ang pangalan ng Blind item mo, si Piolo Pascual ba itech? Thanks.

    ReplyDelete
  30. @maria---- hindi.,pero npabalita daw kunong naging date ni papa p. Ayon kay madam cristy fermin. Napanuod ko sa juicy,. Nkakawindang matapos umamin about sa knila ni KC.

    ReplyDelete
  31. @marijuana, salamat sa sagot, ang ibig mong sabihin na sinabi ni Cristy Fermin na si Pap P may ka date na ibang lalake? Bakit ba galit na galit si cristy kay papa p? Noon, love talaga nya si Papa P, pero ngayon palagi nyang tinitira. At sa Juicy palaging sinasabi noon ni twisted mo at cristy na kuripot daw si piolo. Wala namang masama sa kuripot, kasi kung mawalan ng pera si papa p in the future, sino ang tutulong sa kanya?

    ReplyDelete
  32. salamat sa lahat ng comments n'yo, followship! ayoko ng away dito, ha? good vibes lang para lahat, kahit hindi magkakaibigan, tsika-tsika lang, di ba? smile kayo always!

    ReplyDelete
  33. Yes maria..labo noh,.pero ganyn siguro sila may tampuhan alitan at kung anu anu pang cheverloo..pero as tito boy said.." they ran in circles" so magkakabati dn yan at iba naman ang titirahin,..hahaha..

    Kuya ogs. Good vibes ako dto. Im just sharing kse diba nagask ka na sno may pangit na experience w/stars diba,. Ewan ko ba may mga nagrereact ng hindi maganda dto samantalang lahat nmn tayo dto ang goal eh share lng ng expi or magbgay ng input sa topic,... Basta ako goodvibes. Pasensya na po. Hindi na po ako papatol sa hindi ko ka level. Pakdarulz! Hehe

    ReplyDelete
  34. Kuya Ogs, ako rin good vibes naman ako dito, nag comment lang ako about sa issue about Crispy and Mo, pasensiya na, pero hindi naman ako nakipag away sa ibang nag comment dito. Nag comment lang ako about Crispy at hindi naman puedeng maganda ang i comment ko para sa kanila kasi hindi naman talaga maganda yong ginagawa nila sa ibang artists na sinisiraan pero ayaw nila na gawin yon sa kanila. Sana may isa man lang na artista na mag stand up to protest at isumbong sila sa MTRCB, kung applicable.

    ReplyDelete
  35. @marijuana, hindi mo pa nasagot ang tanong ko, he he he, sino ba yong actor na BI mo sa itaas? Si John Lloyd ba yon? Si Rayver Cruz ba? Sino ba talaga? Ha! Ha! Ha! Na high blood na ako sa kaiisip! :)

    ReplyDelete
  36. hahaha...MALI... kaya mo yan maria...ikaw pa.. he he he he.. sundan mo lng clue ko. hehe

    ReplyDelete
  37. Ayyy marijuana alam ko na, si gerald anderson itong BI mo at si Kim Chu yong hindi na nagkikimkim ng sama ng loob at ang executive si M, di ba? Galing ko no? He! He! Hew! :)

    ReplyDelete
  38. mali pa din...hahaha...actually kabarkada ni kim :) ... kuya ogs. pede ko ba sabihin kung sino dto sa blog mo?bka awayin naman ako.i just voice out opinions ha..wala pikon mga kachismax. hehe

    ReplyDelete
  39. @marijuana, alam ko na, kaibigan ni Kim si Empress Schuck ba yon? Nakakaluka ka marijuana, ba't hindi mo na lang sasabihin sa akin, o sigi ibulong mo lang para ako lang ang nakakaalam, he!he!he! Marijuana, talagang pina high blood mo ako, sigi na sabihin mo na nga or baka mas klarohen mo pa ang mga clue mo para talaga makuha ko, ha!ha!ha! :) Pleaaaassssseeee, nagmakaawa na talaga ako, ha! ha! ha!.

    ReplyDelete
  40. J. C. initials. Ayan ha! Not john lloyd cruz otei. Hehehehe

    ReplyDelete
  41. @marijuana, JC de Vera?, JC Intal? Sus ano ba ito, binigyan mo naman ako ng easy clue, pero hindi ko naman alam. Will anybody please help me with marijuana's clue please. thank you. O yan marijuana, nagmakaawa na ako sa iba,ha!ha!ha!. :)

    ReplyDelete
  42. @mean_but_kind, ay oo nga pala ano Jake Cuenca pala ang JC. Salamat,

    ReplyDelete
  43. hello peeps if u're free, please check my blog

    (marijuana23.blogspot.com) .. for my pre owned stuff for sale.

    ReplyDelete
  44. Ogie, natatandaan mo pa si Janet McBride showed a blatant gesture of ingratitude to her "adopted" country by flashing a dirty finger at media guys before she boarded the plane for L.A.years ago (mga 2001 ito)? At kung sino ang karelasyon niya that time? Whew!

    ReplyDelete