Monday, April 18, 2011

Paalam, AJ Perez...

     Pag oras mo na, oras mo na.  Sino ba naman ang mag-aakalang ang kadidisiotso anyos pa lang na young actor na si AJ Perez ay pumanaw na nu'ng April 17, Palm Sunday?
     Sa mga hindi nakakaalam, galing ng Bangus Festival sa Dagupan, Pangasinan si AJ kasama sina Matt Evans at Zaijian Jaranilla para sa Kapamilya Caravan.
     Bago lumuwas pa-Maynila ang grupo ay nagkaroon pa ng presscon with the local press, ayon kay Mommy Marivic.  

     Before 12mn, nag-tweet pa si AJ ng, "On the way home already from Dagupan.Long drive ahead.. Thanks to everybody who watched, thanks to zui for the gifts.And hi again to jarred!"
     After an hour, may nag-tweet nang pa-blind item na may isang Kapamilya young actor na namatay sa isang vehicular accident, na-curious kami, tinawagan namin ang isang taga-ABS-CBN, "Si AJ Perez daw!"
     Napamura kami.  Agad naming tinawagan ang celfone number ni AJ Perez, dahil hindi magandang biro 'yan.  Sinagot agad.  
     Si Daddy Gerry, umiiyak, "Ogs, wala na ang alaga natin. 'Andito kami ngayon sa Rayos Hospital sa Tarlac.
    "Hindi ko alam, Ogs, kung ano'ng nangyari, dahil tulog kami lahat sa van.  Si AJ lang ang nawala, the rest, nasugatan lang. Ogs, sana, panaginip lang 'to, Ogs.
    "Hindi puwede 'to, Ogs. Si AJ at ang younger brother niya ang buhay namin ng mommy niya.
    "Wala na, Ogs.  Pagdampot ko sa anak ko, last two deep breath, bumigay na siya, pero dinala ko pa rin dito, pero Ogs, wala na si AJ, Ogs.
    "Hindi ko alam, Ogs, basta du'n sa likod si AJ, du'n sa side niya bumangga 'yung bus. Ewan ko, hindi ko na alam ang nangyari talaga. Ang bata pa niya, Ogs.
    "Hindi rin siya sakit ng ulo. Mabuting bata ang anak ko, alam mo 'yan, friendly si AJ, very professional na artista, ba't siya pa, Ogs, sana, ako na lang!"  Iyak nang iyak si Daddy Gerry.
    Gusto naming yakapin si Daddy Gerry that time para damayan at makidalamhati rin. Wala kaming magawa, kungdi makinig lang sa kanya at i-console siya na 'wag siyang bibigay.
                          --oOo--
     Huling pagkikita namin ni AJ ay nu'ng mag-judge ito sa "Showtime."  Huling text namin ni AJ ay nu'ng itanong namin sa kanya ang number ni Xian Lim.
      Favorite number ni AJ ang "17," kaya may jersey siyang green nito. Kaya ang kanyang twitter username ay @ajperez17.  At sa favorite number din niya natapat ang kanyang pagkamatay--April 17.
      Si AJ ay hinuhulaan sanang magiging Rico Yan someday, dahil parehong La Sallista, parehong may di-matatawarang breeding, mahusay makipagkapwa-tao, friendly, palangiti, very thoughtful at may mataas na pangarap sa buhay, dahil napakaimportante ng edukasyon sa kanila.
      Nagpakuha pa si AJ noon sa harap ng picture ni Rico na naka-display sa hallway ng ABS-CBN.
      Lahat ng pagkukumpara kina Rico at AJ ay "sinuma" na ng mga nagmamahal sa kanila bukod sa kanilang katangian na parehong-pareho.
      Bangungot ang ikinamatay ni Rico.  Tulog din si AJ nu'ng mangyari ang aksidente.
      Parehong Holy Week namatay ang dalawa. Biyernes Santo namatay si Rico (sa Dos Palmas Resort sa Palawan), si AJ naman ay Palm Sunday.
     Si AJ ay namatay ng April 17, si Rico naman ay namatay at the age of 27. Pareho silang Kapamilya. At ipinagmamalaki ng kani-kanilang pamilya at ng mga nagmamahal sa kanila.
                             --oOo--
      Katatapos lang gawin ni AJ ang teleseryeng "Sabel" kung saan karibal niya kay Jessie Mendiola si Joseph Marco. 
      I heard gagawa rin sana sila ng movie ni Kathryn Bernardo ng "Mara Clara." 
     Sa kanyang twitter account ay tinanong pa niya sa followers niya kung naipalabas na ba ang trailer ng "MMK" na ginawa niya bilang taong grasa na sa April 30 ipalalabas.
     "Nu'ng pinapanood ko 'yon, Ogie, ewan ko ba, bigla na lang akong naiyak nang hindi ko alam kung bakit, kaya tumawag agad ako kay Daddy kung nasaan na sila, dahil 11 pm na eh.
     "Sabi ng asawa ko, on the way na sila.  Pero balisa pa rin ako."
      Kuwento pa ni Mommy Marivic, "Nagpaalam nga 'yang si AJ nu'ng first week of April kung puwede siyang mag-Boracay with his friends.
      "Kahit ayaw namin, pinayagan ko rin, basta mag-iingat sila 'kako.  Tapos, eto, kasama pa 'yung daddy niya sa biyahe sa Dagupan, naaksidente pa.
     "Kaya hindi mo talaga masasabi pag aksidente talaga, Ogie," umiiyak pang kuwento ni Mommy Marivic sa amin.
      "Ba't naman ang anak ko, ang bata-bata pa?"  
      Hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko kay mommy.  Pupuwedeng aluin ko lang ang kalooban niya, pero mas gusto kong ibigay sa kanya ang pagkakataong mamighati, magtanong, mag-usisa, magtaka at higit sa lahat, itanong sa Diyos, "Anong kasalanan po ng anak ko, ng pamilya ko?"
      Alam ko, kaya n'yong sagutin ito, pero ang pamilya Perez ang nagdadalamhati habang tayo'y nakikidalamhati lamang, kaya maiintindihan natin ang pamilya sa kanilang pangungulila, lalo na't isang napakabait na bata ang "binawi" sa kanila.
                         --oOo--
       Magpapakapersonal na kami at this point. Very close sa amin ang mag-amang Gerry at AJ Perez.  Lahat ng okasyon sa buhay namin, laging present ang mag-ama.  Kumpare namin sa aming 3-year old daughter si AJ.
     Kami rin ang tinatawagan ni Daddy Gerry para kami ang mag-explain kay AJ nang mas malinaw kapag nalalabuan ang bata sa mga kaganapan sa showbiz, lalo na pagdating sa akting at dapat na maging look sa tv since ito nga ang hinuhulma bilang matinee idol.
      Matatagalan pa bago matanggap ng Pamilya Perez at ng mga nagmamahal na fans, kaibigan at katrabaho ang nangyari kay AJ Perez.
     Ang agang kinuha ni Lord, sana man lang, napatikim kay AJ ang bunga ng pinaghirapan ng bata, lalo na't super dedicated sa kanyang trabaho at pursigido ang batang maging isang malaking artista someday.
     AJ, alam namin, masaya ka na sa kinalalagyan mo ngayon.  Siguro, sana, tulungan mo na lang na matanggap ng mga naiwan mong nagmamahal sa 'yo ang nangyari, maka-recover at maka-move on.
      Sa ngayon, gusto kong magpasalamat sa napakabuti mong kalooban at genuine friendship na ipinaramdam mo sa akin, sa pamilya ko, sa inaanak mo, sa mga okasyon ng buhay ko na nandiyan ka palagi, na kahit sa maikling panahon, pinatunayan mo.
     "Naalala ko pa, Ogie, sabi ni AJ, 'Ma, nahihiya ako, hindi ako nakapunta sa birthday ng inaanak ko.  Can you buy a gift for my inaanak, ma?
     "Kabilin-bilinan niya 'yon, Ogs, kasi, sobrang nahihiya siya sa 'yo, dahil hindi siya nag-a-absent sa lahat ng imbitasyon mo sa kanya."
     Bigla kong naalala, nu'ng ako'y tumakbong Konsehal sa Quezon City, sina Daddy Gerry at AJ ang nagsabi sa akin, "Ogs, we're here because you are our dear friend.  We will support you!"
    Ba't ba nasabi ito ng mag-ama sa akin?  Kasi, si AJ lang po sa mga bagets ng Star Magic talents ang pumunta sa kampanya ko, dahil nahihiya akong mag-imbita pa sa iba.
    Kaya naiiyak ako sa tuwing naaalala ko ang kabaitan ng batang ito at ng kanyang ama, "Ogs, kahit walang bayad, basta sa kaibigan, we are willing to help.  Mahal ka ng anak ko, dahil lagi kang nandiyan palagi for us."
     Aj, anak, maraming-maraming salamat.  Walang katapusang pasasalamat. Sana, makatagpo pa rin ako ng ganyan kabait na batang artistang kaibigan.
     Kaya, anak, hindi mo man naririnig, pero alam kong nararamdaman mo, sasambitin ko ngayon, huli man at magaling, naihahabol pa rin...
     Mahal na mahal kita, anak...     
     'Wag kang mag-alala, 'nak, your Kuya Rico will take care of you...
    
                       

57 comments:

  1. grabe, naiyak ako dito :'( nakakalungkot talaga ung biglaang pagkamatay ni aj. my condolences to his family and friends. be strong!

    ReplyDelete
  2. awwwww..can't help but cry sobrang naiyak ako i know aj is in better place now kasama si kuya rico huhuhuhu...

    ReplyDelete
  3. awwwww. nkakaiyak :'(
    ang bait bait nya tapos sya pa knuha :( andaming bad people sa mundo :(

    ReplyDelete
  4. nice po kuya.. haaaay... sayang sya, pero good thing narin po, atleast nasa feeling na sya ng mahal na DIYOS.. haaaay... sa sobrang bait nya, ayaw na syang magkasala pa ni GOD.. Sobrang mahal sya ni GOD kaya, kinuha na nia ito at dinala sa piling nya.. Rest in peace Mr. AJ Perz, WE LOVE YOU.. I WILL MISS YOUR MOST BRIGHT AND GORGEOUS SMILE.. kahit sa PICTURE lang, makikita ko pa naman.. I'M HAPPY FOR YOU ^_^ happy ka na din jan ee.. :)

    ReplyDelete
  5. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  6. I'm an avid fan of gigger boys po tlga kaya Still can't imagine po tlga, still can't believe. Ba't ang aga po? :( I know he's really good, a good actor and a very good son, makikita naman po natin the way he acts. Pero ganyan tlga ang buhay, di natin alam kailan tayo mawawala. We all know Aj's in a better place right now. I will surely miss him, di q na cya makikita sa t.v :"( yung boses nya di q na maririnig.
    Kaya AJ, be our angel.
    Thank you for sharing your wonderful life to everyone esp. to ur fans. He'll be missed. R.I.P Aj | Good-bye and we love you. :"(

    ReplyDelete
  7. mahirap po talagang tanggapin ang ganyang pangyayari lalo na't napalapit na sya sa loob ntin at mahirap makalimutan ang good attitudes n'ya. :'(

    ReplyDelete
  8. grabe, talagang maiiyak ka sa kwento ni aj..he's too young.so much to achieve..but we have nothing to blame,his parents love him.we all love him..all we have to do is pray for his family for strength and acceptance for the lost of this gifted, lovable boy.And for us na fans niya-eventhough di na natin siya makikita sa tv the talents that he had shared may remain and be a lesson to us, to inspire us..
    Rest in Peace Aj..We will miss you. Thank You for sharing your talents, Values. Thank you.We Pray for Your Family..

    ReplyDelete
  9. http://louiechanelf.blogspot.com/2011/04/we-will-miss-you-ajperez17.html i just want to share my blog post po, saddest post ever. :( it's dedicated to Aj, hope duma'an po kayo.. Just leave ur comments po. Thank you!

    ReplyDelete
  10. Nakakaiyak naman huhuhu! sakit sakit! ewan ha , pero sa totoo lang hndi ku masyadong IDOL c AJ Peres, guzto ku xa pero hindi sobra, pero bakit parang hindi tlga aku makapaniwalang wla na xa, khit diku xa kilala in person para ang sakit2x, sayang tlga bakit kung cnu pa ung may pagpapahalaga siya pa ang nawawala. nakakaiyak! habang binabasa ku to tumutulo na pala luha ko.

    ReplyDelete
  11. I was never a fan pero I never hated him either because he looked so pleasant. I'm so affected by this and I can't get over the sadness. I know he was genuinely nice. Sayang. He had a lot going for him.

    My thoughts are with his family and everyone who loves him.

    ReplyDelete
  12. hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang wla na si aj ksi parang kailan lang nkita ko pa sya sa MYX. kahapon ng nalaman ko na wala na talaga siya natulala na lang ako. kahit hindi ako tagahanga ni aj i felt sorry for his family. dahil kung sa amin nagyari 'yan hindi ko siguro take. may aj's soul rest in peace.:)

    ReplyDelete
  13. sobrang nkaka lungkot talaga ang ngyre kay AJ. he's too you :( i don't know him personally pero sobrang affected ako sa ngyare saknia dahil kitang kita mo ung pagkakamali ng driver nila and dahil lang sa sariling kagustuhan ng driver nila na mapabilis ang paguwi, buhay ang naging kapalit :(

    i have included him in prayers that night na narinig ko ung news about his lost. i prayed for his family na sana bigyan sila ng strength ni God while going through all this. haay. let's all include AJ and his family sa prayers natin especially his parents and brother <3

    ReplyDelete
  14. hindi ako super fan ni AJ but I really like his personality.. at hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa kanya.. parehas pa pala kami ng fave number.. so sad na napakabata pa niya para mawala.. I'll trully miss AJ's perfect smile:( GOD BLESS to his family at sa lahat ng nagmamahal sa kanya.. I <3 U AJ!

    ReplyDelete
  15. Kawawa naman si AJ, syang. sna ngkaroon pa sila ng plbas w/ his former loveteam Lauren Young. (AJREN) fan dn po kc ako. :(

    ReplyDelete
  16. kuya aj kung nasaan man po kau ngayon alam ko po masaya na kau..kasama si god at si kuya rico yan...di ka namin malilimutan we will miss ur smile always...

    ReplyDelete
  17. sabay kayo ni direk joey nag blog about AJ. binasa ko pareho at pareho akong umiyak while reading.

    i met AJ in 2009. sa storycon ng underage. and then we worked together again sa boystown at sa sabel. sa mga few times na nagkakasama kami, nakikita ko na sobrang seryoso siya sa craft niya. ginagawa niya lahat para mag improve acting niya.

    before we started writing for boystown, we spent an afternoon with the gigger boys to get to know them better. aj talked about his dad and how he loved him. aj was teary-eyed when he said he couldn't imagine life without his dad.

    aj is one of the nicest actors ive met. hindi kami close but sobrang affected ako sa pagkawala niya. ano na lang kaya ang nararamdaman ng pamilya niya at ng mga taong malapit sa kanya?

    ilang gabi ko na siya sinasama sa prayers ko. at kasama na rin sa prayers ko na sana maging okay ang pamilya niya...

    ReplyDelete
  18. nakadalaw na po kami sa burol ni aj...kasama ko si mr. bryan ancheta...walang katapusang iyakan ang aming nadatnan...nakakalungkot po talaga ang biglaang pag kawala ni aj...salamat po kuya ogie...dahil sayo nalalaman po namin ang buong pangayayari...jhun deleon (izzy canillo RM)

    ReplyDelete
  19. I could just imagine your pain Ogs. I'm sorry for your loss because he is also family to you. Palagi ko iniisip and tinatanong sa lahat (as in sa lahat) for the past few days kung ano ng nangyari sa Sabel kasi parang ang bilis nawala. Tapos ang bumungad sa kin sa twitter pag open ko ng computer the name AJ Perez. (Pasensya na, I know the kid's face but not really his name) and so I googled his name to see who it was. And nagulat ako, yung actor sa favorite kong teleserye, yun pala ang nawala. :( nagulat na lang ako. And so research pa ko, anong nangyari and mukhang it's really his destiny... to die young and beautiful :( kaya the sense of loss to his loved ones, fans and even me is great. Very tragic ang death.

    The problem with death of a loved one is the uncertainty if you'll ever meet them again and tell them the things that you needed or wanted to say to them that they were supposed to hear from you. You wonder if you will be able to hug and hold them again. Only God knows if He allows all these things when we go to the other side. We'll all find that out.

    I could also imagine the pain of his father. Who will never see his son grow old. I have a baby and I can't wait to see her grow into a young lady. And I always hope that I will still be alive when it happens. I even hope that my parents will still be alive when she marries. I think that is what every parent wants to happen, to see their children grow old too. And it's so sad for his father to know that it will never happen.

    (OKAY ANG HABA NA)

    ReplyDelete
  20. ...di ko alam pero apektado ako...kakalungkot... napaka bilis at napaka aga nang pagpapa alam nang masyado pang bata na si AJ... sa RICO YAN...si MARKY CIELO at ngayon ang isang AJ PEREZ...

    ReplyDelete
  21. heartwarming message.
    wag po kayong mag.alala sir ogie, AJ is happy kung nasaan man sya ngayon. ang magagawa lang po natin is to pray for his soul and to pray for his family especially his parents since hindi madaling tanggapin ang nagyari sa kanya. we know that he will be looking after his inaanak and of course, sa inyo rin po. mabuting tao pa kayo... condolences.

    ReplyDelete
  22. This is a very sad news... Hindi talaga natin masasabi ang mga pangyayari sa ating buhay kahit anong plano pa natin, Diyos lang talaga ang nakakaalam. Sana, in time, magiging ok na ang Perez family. Madaling sabihin pero mahirap gawin, I know na hindi madali mawalan ng mahal sa buhay kaya prayers na lang sa taas para maging matatag.

    ReplyDelete
  23. i can't still imagine n wala n si AJ..lagi ako d mkatulog kasi di ko mtanggap,andun ako sa situation na alam kong patay n sya pero di ko matnggap na wala n tlaga sya..pag na aalala ko si AJ di ko mapigilang malungkot mamimiss ko ung role nya sa sabel at kasal,kasali,kasalo kasi dun ko sya nkilala bilang "otap" ang cute nya p magsalita ng tagalog parang slang ... mamimiss ko tlga sya kung ako ngang d nya kilala at di ko nkaka usap ng personal ang sakit sakit n sa aking wala n sya pano p kaya kung ung mga taong mlapit sa knya at mga taong sumubaybay kung sino sya dati hanggang sa ngayon :'((((((


    R.I.P. AJ Perez.....

    ReplyDelete
  24. The first and last time I saw AJ Perez was ironically, in Ateneo, during their Grade School Fair. So naturally, I thought he was one of the few, really smart young celebrities out there. Turns out he was from La Salle, but I was right about the really smart young celebrity bit. Too bad this had to happen, just know that we're all praying for the repose of his soul :( My prayers go out to his family and Steph Ayson :(

    ReplyDelete
  25. totoong napakabigat sa kalooban ang pagkawala nya.sa totoo lang hindi ko sya msyadong pansin nuon sa tv pero ngaun ang dme kong nababasa about sa knya im very affected sa pagkawala nya.NAKAKAPANGHINAYANG TLAGA XA! :( Aj,you are in God right now..we all know that you are happy with him. thanks for sharing your life to us! RIP aj Perez

    ReplyDelete
  26. Sobrang nakakaiyak talaga. hangga ngayon, hindi pa din nag-sisink in sa akin ang pagkamatay niya. I'm just a fan, pero bawat reports sa pagkamatay niya at pati interviews ng family at friends niya, naiiyak talaga ako. T_T

    ReplyDelete
  27. siguradong masaya na sya kung nasaan man sya,kapiling n nya ang Panginoon..hindi xa namatay ..lumaya lang sya sa mundo ..mundo natin na puno ng paghihirap at pasakit....sa mundong walang pagkakapantaypantay..lumaya na sya...malaya katulad ng isang paru paro ..malayang nakalilipad sa paraiso..malayang dumadapo sa mababango at magagandang bulaklak ng paraiso...muli ay makakapiling din niya ang mga taong minsan ay nilisan nya..sama sama lilipad ng puno ng laya... (-_-)

    ReplyDelete
  28. LAST NIGHT NAPANAGINIPAN KO PO SI AJ PEREZ. SA PANAGINIP KO, I JUST FOUND MYSELF SA WAKE NYA, KONTI LANG TAO, LAHAT NAKAPUTI AT MAY MGA PRIESTS. AND THEN SUDDENLY BUMANGON SI AJ AT HINDI NIYA DAW ALAM NA PATAY NA SIYA KAYA PALA MARAMING PRIESTS DAHIL HIRAP SILA NA IEXPLAIN KAY AJ NA HE'S ALREADY DEAD. AYAW DAW NIYA MANIWALA AT LUMABAS SIYA SA CHAPEL KUNG SAN SIYA NAKABUROL, HINABOL SIYA NG MGA PRIESTS TO GUIDE HIM AND NAKASALUBONG NYA DAD NYA. AND HE ASEKED HIS DAD KUNG ANONG NANGYAYARI PERO DI SUMAGOT DAD NYA SO PATULOY NA UMALIS SI AJ HABANG NAKASUNOD PA RIN ANG MGA PRIESTS SA KANYA AND NAIWANG UMIIYAK DAD NYA.

    ReplyDelete
  29. aw.. :'( im so touch! be strong kuya ogie and perez family. siguro nga po sobrang bait na bata ni aj to his family,friends and fans. no one deserves his "true love" and "kindness" in this world. i think only GOD DESERVED IT. that's why GOD get him already to feel the real LOVE OF GOD. we do love you aj! in this world we learn to love and beloved and aj both do that to us,

    ReplyDelete
  30. I'm a mother of 2 kids. I know how it feels to lose a loved one lalo na anak mo pa. I admire AJ. Actually, I influenced my daughter. I always watch him together with the gigger boys before. When i heared about it...i don't know why i cried and was really affected by it. He is a good example, a good actor, a good dancer and a good son. He doesn't deserve to die...but who are we to question it. I pray for his family and I pray for AJs' soul to rest in peace.

    ReplyDelete
  31. i really cant accept pa :( hindi ko pa talaga ma imagine na wala na siya :((

    ReplyDelete
  32. I've always been a fan of AJ PEREZ. I remember telling myself that among the other stars in his generation, i find him the most interesting one (well not to mention his killer smile).

    I don't get to watch SHOWTIME that often anymore, but when I found out that he's one of the HURADOS, no matter how busy i was, binubuksan ko talaga ung TV just to be able to see him.

    He's not the typical guy na pa-cute, pa-impress, or mayabang ang dating. I even asked myself why the heck ABS CBN would not let this guy have his own soap opera or movie (I know he had one with JESSY but i feel like it was not as big as what was given to other stars in Star Magic)not knowing that he's about to shoot a movie with the mara clara stars and he's on his way in achieving his dreams.

    But then, it's too late for me to notice that and too bad for AJ because he will no longer be able to achieve his dreams. But who are we to ask GOD... Things happen for a reason. But it hurts so badly especially to those people who got the chance to know him personally.

    All we can do now is to pray for his soul and for his family.

    May you rest in peace AJ PEREZ! Surely you are in GOD's place now. Please look over your family. We will miss you so much...

    ReplyDelete
  33. im crying while im reading this :(

    ReplyDelete
  34. hindi ako fan ni AJ, pero shocked talaga ako ng malanman ko nangyari sa kanya. He is really like Rico Yan, hindi lang dahil sa pagiging gwapo, mabait at lasalista, dahil sumikat sila bilang artista nang hindi nagkakaron ng anumang negatibo na issue... yan ang totoong artista!

    ReplyDelete
  35. kakaiyak nmn po ang mssge ninyo hindi lang po kau ang nalulungkot sa pagkawala ni aj isa na po ako don pero lam ko knug na saan nmn ngyn si aj masaya na siya kasi kasama na niya si god condolences po...-(

    ReplyDelete
  36. Hello Ogie,

    thank you for sharing your good words about Aj. I cried when i read this, nakakarelate kasi ako dahil namatayan din me ng 24 yrs old na kapatid na lalake dahil sa aksidente din. And bait-bait ni Aj. I know he's happy with God now just like my brother. Masakit talaga mawalan ng mahal sa buhay.
    My prayers for Aj's family, gf, and friends.

    I like watching you Ogie in Mutya, ur very funny sa role mo.God bless!

    ReplyDelete
  37. ang swerte mo ogie kac naging kaibigan ka ni AJ na mabuting tao..nakakalongkot talaga it reminds my mother na namatay din sa aksedente,,naiiyak talaga ako pag nakakabasa ako ng mga tongkol kay AJ.kong nasaan kaman AJ alam ko masaya kana..ang alaala mo mananatili sa aming mga puso.

    ReplyDelete
  38. kakaiyak super.., dehins ko gaano kakilala c AJ PEREZ nung nabbuhay pa cia..pero still ramdam ko kung gaano cia naging mabuting tao ng nabbuhay pa cia.., un nga lang kung bakit kelangan pa mamatay ng isang tao bgo natin marealize na naging mabuti... d tlaga natin alam kung hanggang kelan tau ggcing sa ating pagidlip.....rest in peace MR.AJ PEREZ...JOB WELL DONE....

    ReplyDelete
  39. iyak na naman ako??? haist makakaiyak ang bawat sinusulat mo baout kay AJ... :((

    REST IN PEACE...

    makikita mo na jan si kuya RICO YAN..

    ReplyDelete
  40. is it a coincidence? You posted something about Rico now it's AJ. Nag bo bonding na ang mga mabubuting tao sa Langit! ROck and ROll GUYS! God has a purpose why this happened. For all we know we'll all be better individuals after this. For all the memories we shall remember.

    ReplyDelete
  41. Nakakaiyak...Sobra!...Well, wla n taung mggawa kundi mgdasal...RIP AJ!

    ReplyDelete
  42. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  43. Pangalawang basa ko na... but this time, my heart really aches!

    Ngayon ko lang kasi napansin, "'Wag kang mag-alala, 'nak, your Kuya Rico will take care of you..." -- Hmm. Who am I kiddin? Of course, it still hurts! Come to think of it... two young men, a promising actors of their generation. Has a kind and angelic heart. But now, they were gone. The two left us without choices, but to accept after weeping.

    Sa t'wing naaalala ko si Kuya Rico, I can't stop my tears from falling. 'Cause I know, he's been such a blessing especially to us, teenagers. And now, Kuya AJ...

    They left us in pain. But they touched our hearts "TILL THE VERY END".

    ReplyDelete
  44. :( speechless ako. nkakadurog ng puso ang blog na ito. may you rest in peace idol :'(

    ReplyDelete
  45. i found out 1st on yahoo about what happened to AJ. im in denial & wishing its just a dream!im not able to sleep thinking about him. i loved his tandem with lauren & one of those whose wishing that their going to be a tandem again, but i guess that would be a wishful thinking & will never happen anymore. even after i watched ASAP & The Buzz im still hoping its not true. i still cried everytime i watched anything about him. even at work i keep on thinking about him. i felt so weak & sad everytime i think of him. such a big lost not only to his family but for most of us.im just a fan but im so affected even though i havent got the chance to meet & know him. for those who did able to know him, your so lucky to had known a wonderful guy like him. i wish i can see him for the last time but im too
    far away. i just keep myself updated thru the internet. thanks for the memories you left behind that we`re going to cherished for the rest of our lives. thanks for inspiring us in so many ways & for touching so many lives. thanks to your parents for sharing you to us. they really raised you very well. your surely be missed. love you! hoping for your happiness together with our beloved creator. hope you`ll help us to accept & understand why it did happened. God bless your family! thanks again to you AJ!

    ReplyDelete
  46. awwwwwww....oh my god i almost cried.Honestly,'till now i still can't believe AJ died :( he is so gwapo pa naman and talented,mabait tapos he's just gonna die?? :( anyway God has a plan for us always
    AJ PEREZ will be forever in our hearts
    we will always remember him :)
    WE LOVE YOU Aj
    condolence for the Perez family and to steph ayson

    ReplyDelete
  47. sir ogie right napakahirap tanggapin until now di parin ku makapaniwala pero sabi ko nalang ay tapoz nha ni aj ang pelikula ng buhay nya at pumatok to sa takilya kaya nag backup na siya at nag bakasyon at di tyak ang kanyang pag babalik....... nakikiramay po kaming taga our lady of fatima sa mga kamag anak ni aj mga kaibigan at mga taga suporta

    ReplyDelete
  48. Hindi ko kakilala c aj personally,..ndi din nya ako avid fan,..pero nakita ko lang sa SABEL.. sa ilang bahagi ng palabas na nakikita ko xa masasabi ko na isa siyang mabuting tao, anak, at kaibigan..Sa totoo nga nyan pagnakita mo xa ndi man in person khit sa tv eh makikitaan mo xa na punong puno xa ng mga positibong pananaw sa buhay..ung tipong hindi nya alam ung salitang "quit"..sa lahat ng tao sa mundo alam ko sa sarili ko na kung may isang posisyon na bagay sa kanya eh..pagiging isang role model sa MATA NG MGA KABATAAN dito sa mundo.. Hindi man madaming bagay ang kaya nyang ibahagi sa mga kabataan pero sa simpleng pamamaraan nya ng pagpapakita ng pagiging isang mabuti at punong puno ng pag asa na kabataan ay makakpaghatid na din ito ng malakihang pagbabago para sa mga kabataang naliligaw ng landas.. sa ngaun,..pagtinanong ako kung ano maaalala ko sa kanya.,, isang bagay lang ang papasok sa PUSO AT ISIP KO...ISANG MAPAGMAHAL, MABUTI, AT HINDI MAPAPANTAYANG MODELO NG MGA KABATAAN si AJ PEREZ..idol =( we will miss you...idol

    ReplyDelete
  49. hmmmm... so late qu nbasa but, teary eye talaga aqu wen i read this.. we will truly miss AJ perez.. but i know that he is now very happy with God in his side... we just pray that his family have strength and continue trust in GOd for HE has a perfect reason in every circumstances that had happened..I hope AJ's family will be fine sooner or later,.. God bless..

    ReplyDelete
  50. haist ! nakak2iyak nmn :( bkit sya pa ? naka2inis daig ku pa ang nmtyan :( wla akng gnwa kundi umiyak coz his my #1 fans of abs-cbn.
    din today 04.26.11 nilibing na nga sya di prin ku mka pnwla gstuhin ku man pmnta sa mga LABI nya di ku mka pnta,coz my parent so streak were know i realy love ajperez but im disapointed them :(
    din nki2balita na lng ku sa mga NEWS ryt now:(

    ReplyDelete
  51. I admit that I'm not an AJ fan before, but I was so affected when he died. He's so young and full of life! Then marami akong narinig about him. Lalo akong nanghinayang habang humahanga sa ka kanya. This blog of yours hit the spot. Simple pero tagos sa damdamin. Corny man sabihin, pero naiyak talaga ako. Sayang...sayang...Thank you for sharing.

    ReplyDelete
  52. habang binabasa ko itong sinusulat mu kuya ogie napaiyak ako.. sobrang sayang talaga ! ang buhay nga naman nang tao .. totoo nga pala ang kasabihan na "LIFE IS TO SHORT".. nakakagulat talaga ang pangyayaring ito .. pero alam kung his happy naman with our Saviour ehh .. lets pray for his soul :) ! we will miss him so much :(( sayang talaga kc di ko sya nakita in person.. thank you so much kuya ogie for sharing with us .. :)

    ReplyDelete
  53. ang ganda naman ng pagkasulat mo ng blog na ito. I've read it three times already and the impact is still the same malungkot, naiiyak, nanghihinayang... the way you and other people describe AJ, I might not know him personally but I know he was truly a God's gift to everyone. I'll continue to pray for his soul and his family's and friends' strength in overcoming this situation.

    ReplyDelete
  54. I miss youre smilE Aj!!!

    remembEr kO pA nung nand2 sA ilolo yung ASAP ROCKS,,yUng ibAng artist nAsa knilang tent kaw nAlang natira sA stage at nagpapakuha kA ng picture sA mga FANS mO kahit sUbrAng init...gAnyan katalaga kabait Aj,mAs lalo talaga akOng humanga sayu nung time nA yun.

    sAyang ngalang dahil malayu kami sA stage,,,pEro khit gnun masaya pA rin akO dahil nKITA KITA KHIT SA MALAYUAN. (:


    ReplyDelete