Bagets ka pa ba?
Kung oo, meron lang akong sasabihin sa 'yo. At itatanong na rin.
Pag ikaw, gusto mong mabuntis o mambuntis...
Pag ikaw, naramdaman mong gusto mong makipag-live-in o magpakasal na....
Itanong mo muna sa sarili mo kung, "Handa na ba 'ko?" Kung hindi mo pa ginagawa, itanong mo sa sarili mo, "Itutuloy ko ba 'to o aatras na lang ako?"
Pero kung nagawa mo na, tapos, saka ka aatras, duwag ka kung hindi mo kayang panindigan at harapin ang ginawa mo. Ang pag-aasawa ay hindi parang kaning isusubo mo na iluluwa pag napaso.
Anyway, ipagpalagay nating pinag-iisipan mo kung desidido ka nang maging ina o maging ama. Teka, ha? Umayos ka muna. Mag-isip ka nang tatlong libong beses (meron talagang eksaktong bilang?) kung iiwan mo na talaga ang pagiging "bagets" mo at magle-level up ka na.
Kung ako sa 'yo at hindi pa 'to nangyayari, 'wag. I-enjoy mo muna ang iyong kabataan. Sagarin mo ang pag-e-enjoy habang ikaw ay responsable. Totoo. Promise.
Baka sabihin n'yo, "Eto namang si Ogie, kung magsalita, parang siya tatay ko!" Pero sasabihin ko lang sa 'yo, ha? Kung nag-aaral ka pa, ituloy mo lang 'yan hanggang sa matapos ka at magka-diploma.
Iba pa rin 'yung may tinapos. Ikakatwiran mo, ayaw mo nang mag-aral? Na ganu'ndin, pag nakatapos, maghahanap din ng trabaho?
Aba'y mas mahirap makahanap ng trabaho ang walang tinapos, unless, ikaw ay madiskarte o maabilidad. O meron kang kakambal na suwerte na nakakadilihensiya ka parati.
Pero kung ako sa 'yo, ha? Sagarin mo ang kabataan mo bago ka bumuhat ng mas mabigat na responsibilidad sa buhay. Pag inumpisahan mo kasi ang responsibilidad dahil gusto mo nang maging nanay o tatay na agad sa murang edad, mas bonggang sipag ang dapat mong ipamalas. At ito'y wala nang atrasan.
O, kung hindi pa handa ang kalooban mo, hirap sa pananalapi habang may responsibilidad, maagang tatanda ang itsura mo o mapapabayaan mo ang katawan mo.
Pero sabi ko nga, kung hindi pa naman dumarating 'yan, eh enjoy-enjoy ka muna. Kung babae ka at gusto mong magka-boyfriend, hayaan mong ang lalaki ang manuyo sa 'yo. 'Wag 'yong ikaw na babae ang manliligaw. Baka mapaikot ka ng lalake.
Oo, sa umpisa, mararamdaman mong, "Syet, love din niya 'ko!" Nako, mas madalas na mangyayaring ito 'yung sobrang taas ng level ng love mo sa kanya na ang ending, siya namang lagapak ng pagguho ng pag-ibig mo, dahil niloko ka na pala ng lalake. O, vice versa.
Ganyan naman sa umpisa, di ba? Lalake ang nanunuyo, pero pag naisuko mo na--hindi ko nilalahat--mas madalas na nangyayaring nararamdaman na ng babae na siya na pala ang humahabol sa lalake. Kasi nga, nakuha na ng lalake ang gusto nito.
Uulitin ko, hindi ko nilalahat, pero madalas akong nakakarinig na ganito ang kuwento. Suwerte na lang kung childhood sweethearts kayo, tapos, naging best of friends, tapos, naging kayo eventually. Ibig sabihin, alam n'yo na ang likaw ng bituka ng isa't isa.
Kung talagang mahal ng lalake ang babae, hindi ito dapat mangulit ng "dyug" sa babae. Maghihintay ito kung kelan handang ipagkaloob ng babae ang sarili sa lalake. Pag hindi nakatiis ang lalake at gumawa ng dahilan para isplitan ang babae....
O, kaya ay away kayo nang away na may kasamang selosan, kuwentahan at sumbatan na ang ending split na tayo, 'wag n'yong iyakan ito. Bagkus ipagpasalamat ito ke Lord, dahil sa maagang panahon, nakilala n'yo ang isa't isa na hindi pala kayo para sa isa't isa.
O kung gusto n'yong iyakan, iyakan n'yo, dahil hindi nagtagal ang relasyon n'yo, pero 'yung iyak n'yo, samahan n'yo na rin ng ngiti, dahil hindi ipinahintulot ni Lord na kasal na kayo o nagsasama na kayo, saka ito nangyari.
Pag nagkataon, baka lumuha ka ng dugo. Na ang malala, baka maisip mo pang magpakamatay.
Kaya sa mga kabataan, sabihin n'yo nang masyado akong conservative, okay lang. Sabihin n'yo nang kung umasta 'ko, parang nanay at tatay n'yo, okay lang.
Pero at the end of the day, sana, maramdaman n'yong concerned lang ako kahit hindi tayo magkakamag-anak.
Babae, kung hindi mo pa naisusuko, makabubuting 'wag na muna.
Pero kung ikamamatay mo 'yung wala kang "dyug," me magagawa ba 'ko eh "keps" mo 'yan? Mag-iingat ka na lang. At maging responsable palagi sa lahat ng iyong ginagawa.
'Wag n'yo nang itanong kung pabor ako o hindi ako pabor sa RH Bill, dahil balewala ito kung likas kang uto-uto, marupok o tanga.
Pero wait lang, ha? Baka iniisip ng mga barako, masyado kong kinakampihan ang mga babae, ha? Puro na lang pabor sa mga babae ang pananaw ko pagdating sa isyu ng lovelife. Pa'no naman silang mga barako?
'Wag kayong mag-alala, mga anak, para din sa inyo ito.
Dahil kung wala kang kapatid na babae, alam ko, meron kang ina na mahal na mahal mo.
hmm .. wala pa ak sa ganyang stage .. pagaaral muna aatupagin ko .. saka career ko .. gusto ko kayang magartista kaya ayoko muna sa mga ganyang bagay sa susunod na yan pag HANDA NA AKO .. kaya tama ka jan mama ogz. dapat handa muna tau sa lahat ng bagay na gagawin natin at dapat kaya natin tong panindigan .. hehe .. papaFOLLOW naMAN oh.. hehe @jroblubat sa twitter ko at pati dito nadin hehe..
ReplyDeletetama mama ogs! dapat nag iisip talaga ang mga kabataan ngayon para sa future nila, wag magpadalos dalos sa pag ibig. my son is now 12 yrs old kaya lagi ko sya nireremind na pag aaral ang pagbutihin at sports, ang pag ibig e darating sa tamang panahon. keep up the good work mama ogs! God bless.... :)
ReplyDeleteang nice po ng blog nyo... I sooper lke it!!!
ReplyDeleteThis is so awakening for impulsive desicion makers in terms of marriage...sex...and parenthood...thanks to Ogie Diaz.
Napakagandang advice para sa mga kabataang napakadaling ma-inlab at masyadong ngpapadala sa kanilang emosyon. ^_<
ReplyDeleteang galing ogie. mas makaka-reach out and effective tong mga ganitong klaseng blogs sa mga kabataang walang pakelam kung anong mangyari sa buhay nila, kesa sa mga seryosong "sermon" from the parents, teachers and even the religious leaders. simple pero mas relevant sa mindset ng mga bagets sa panahon ngayon.
ReplyDeletehello po Kuya Ogie! love your blog...may lessons ka talagang makukuha...hope marami ang makakabasa nito...or kung sinu man makabasa nito ay maipamahagi sa kanilang family, friend, etc....
ReplyDeleteNung bata pa ako, inulanan ako ng ganyang payo ng mga magulang at kamag-anak ko. As in, LAHAT SILA, kaya siguro halos lumampas na ako sa kalendaryo at saka ko lang naisipang mag-asawa na. At oo, na-enjoy ko ang kabataan ko. Tama lahat ng sinabi mo, at maniwala man ang mga batang nakabasa nitong post mo o hinde, TOTOO LAHAT ng mga sinabi mo.
ReplyDeleteSana makinig sila. =)
well said ... you really have depth ... =)
ReplyDeleteyup yan din ang payo ko sa mga relatives who are in their 20's. Sabi ko enjoy muna ang pagiging dalaga. Magkaron ng maraming boyfriend, if they want. Mas masaya if nagsawa ka muna sa pagiging selfish na tao (kagaya ng mga single) before ka maging selfless (dahil may anak ka na at siya na ang mundo mo). Kaya nung ako ay mabuntis, hindi biglaan :D kahit lahat nabigla LOL! Dahil, ready na talaga ako. Parang oras na talaga. Lampas kalendaryo na rin ako katulad ni eSago :D kaya ngayon, di ko hinahanap ang pagiging single :D
ReplyDeletetumatagos sa buto. May karapatan ka talaga mangaral ng ganito coz I see that you are a responsible father.
ReplyDeletekorek ka dyan sir ogie. my katotohanan lahat ng sinabi mo dahil sa hirap ng buhay ngayon dapat mas maging responsable sila sa mga ginagawa nila hindi panay pagpapakasarap lang dahil at the end of the day sila din naman ang magsacrifice...
ReplyDeleteIsa lang ang masasabi ko sa post na to... TAMA!!!
ReplyDeleteAng galing mo talaga Ogie.. :)
How nice nmn mama ogs! Habang binabasa ko tong blog mu, naiicp ko tuloy love story nio ng misis mo. Sna ikwento mu dn minsan. Interesting un. Love u po! :D
ReplyDeletevery well said! My brother got married and became a father at the young age of 18,very disappointing for our parents.di nakapagtapos ng study because he need to be responsible and take care of his family. sana may mga teens na makabasa nito at pag muni munihan maigi! thank you!
ReplyDeletesooooo true.. dahil ang pagsisisi ay laging nasa huli.
ReplyDeletemama ogz siguro madalas nyo itong isermon sa mga kabataang artista ngayon..
ReplyDeletevery well said.
ReplyDeletemag-isip muna.
kung di makatiis, mag-ingat.
it's cheaper to be safe than to raise a kid.
enjoy life.
agree ako.
labkita, mama ogs.
-ca_ptjack
tama mama ogz, kung d pa naisusuko, wag muna... if you have time naman please visit my blog: www.arki-torture.blogspot.com. I'm new to blogging so please bear with me.... Tnx :)
ReplyDeleteaaaww...very well said mama ogz... ;D
ReplyDeletevery true! well said
ReplyDelete