"Hoy, waiter! Halika sandali!"
"Yes, mam?"
"'Yung inorder kong mango shake, kanina pa, 'asan na?!"
"Wait lang po, ma'm. I-follow up ko lang po! Sorry po, ma'm!"
"Bilisan mo naman, ang bagal ng service n'yo! Ang kupad mong kumilos!"
Maya-maya....
"Ma'm, eto na po," sabay lapag ng mango shake sa table, "Sorry po for waiting, ma'm!"
Imbes na tumango na lang bilang tanda na okay na, umirap pa sa waiter ang dating sexy actress na ngayon ay misis na ng isang pulitiko.
'Kala mo, nasa karinderya lang? Wala. Pero 'yung asta nu'ng babae, pangkarinderya. Parang nasa palengke lang kung tumalak du'n sa waiter eh super apologetic naman sa kanya 'yung tao. Pahiyang-pahiya 'yung waiter sa ibang guests na napukaw ang atensiyon dahil sa talak ni madam.
Pero alam mo ba kung saan ito naganap? Ay, sosyal. Nasa 5-star hotel lang naman sa Makati. Pero 'yung inasal ni Madam Talak, hindi pang-hotel, pang-motel lang.
Siguro, kung dumating agad ang mga kasama ni Madam Talak that time nu'ng umoorder, baka sinabihan ng mga ito na 'wag ganu'n ang attitude sa waiter.
May ibang tao talaga na dati namang wala sa buhay, hindi ganu'n ang ugali. Pero nu'ng nagkaroon, parang gustong ipamukha sa kanilang kapwa na mayaman na sila at kailangang asikasuhin sila, dahil marami silang pera.
Nakapangasawa lang ng pulitiko, parang gusto na nilang gawing batas ang anumang salitang lalabas sa bibig nila.
Pag ang waiter ay hindi naman sumasagot at sinusunod naman ang minamando mo, 'wag ka nang tumalak o magtaray. Mas maiintindihan ka siguro ng mga taong makakarinig sa paligid mo kung 'yung waiter, alam nilang mali na nga, sumasagot pa nang pabalang-balang.
Kaya eto ang tip. O ang tamang approach sa waiter kung feeling n'yo, pinainit ang ulo n'yo ng serbisyo nila o ng waiter mismo o ng palpak na luto nila. O, kung dadaanin sa hinahon, mas okay.
Sa pagtawag ng waiter, baka okay lang na pag tinawag mo ang pansin nila kung oorder ka o may reklamo ka, eh tawagin mo na lang silang kuya o ate. O kaya, brad, miss, kapatid, 'tol, Ga (short for palangga), mahal, darling, sweetheart, sir, ma'm, anak.
Bahala ka na sa term of endearment mo. Okay lang namang tawagin silang "waiter" o "waitress," dahil 'yun naman talaga ang tawag sa kanila at trabaho nila.
Pero ano ba naman 'yung konting lambing o karinyo, di ba, lalo na't hindi natin alam kung paano nilang inihahanda ang ating iinumin at kakainin.
Kaya nga may name plate din sila para kung tatawagin n'yo silang waiter sa malayo, paglapit nila, babasahin n'yo na lang 'yung name sa dibdib nila.
Ang pinakamainam, alamin na lang ang name ng waiter at i-approach ito sa pangalan niya para feeling close, hindi nila kayo makalimutan at bongga rin 'yung serbisyong ibibigay sa inyo, kasi nga, binibigyan n'yo ng dignidad ang kanilang trabaho bilang waiter. Lalo na kung may kasamang tapik sa balikat kung naasikaso naman nang matino.
Kung me reklamo, sabihin nang mahinahon at naka-smile pa rin. *Kaya mo bang pagsabayin 'yung habang nagrereklamo ka, naka-smile ka pa rin?*
Pero dapat, alam din ng mga waiters at ng managers na customers are always right. Magserbisyo nang matino para bumalik ang mga guests.
Ngayon, kung hindi kayo makapagpigil at gusto n'yo talagang tumalak sa waiter o sa manager eh siguruhin n'yo lang na hindi na kayo babalik doon kahit kailan para kumain.
Hindi katulad ng tinutukoy kong misis ng isang pulitiko. Nagtaray na, pero aba, bumalik pa sa naturang 5-star Hotel.
Eto na. Umorder uli si Madam Talak ng kanyang favorite mango shake du'n mismo sa waiter na inorderan niya noon. "One mango shake, please. Bilisan n'yo na, ha? Baka ang bagal na naman ng service n'yo, ha?!" Talak again?
"Ay, sige po, i-prioritize ko na po, ma'm!" sey ng waiter.
Pagdating sa bar, hindi pa naibibigay ng waiter ang OS (order slip) sa bartender ay nakahanda na ang inorder na mango shake. Nakangisi sa bartender ang waiter nu'ng kinuha dito ang mango shake.
"Ma'm, enjoy your mango shake!"
"Ayan, eh di ang bilis ngayon ng service n'yo, di ba?!" Talak uli?
Habang hinihigop ni Madam Talak mula sa straw ang mango shake sa di-kalayuan ay nakangiti naman sa bar ang bartender habang sa tabi nitong kitchen ay nakasilip sa window nito ang dalawang cook at isang assistant. Impit din sa kahahagikhik ang tatlo habang pinanonood si Madam Talak na enjoy na enjoy sa paghigop sa mango shake na inorder.
Nu'ng uwian na, sabay-sabay pa ang waiter, bartender at ng mga kitchen people, dumiretso na sila sa suki nilang beerhouse. At sa gitna ng kanilang tawanan habang nag-iinuman ay nagdayalog ang waiter ni Madam Talak, "'Tang ina n'yo, 'tol! Hanep din tayong gumanti, 'no?
"Si Ma'm, sarap na sarap sa mango shake na pinagsawsawan ng apat na titing pawisan."
Hahahaha patay buti nga sa katarayan nia. Hmm medyo bata paba si seksi aktres, more clue nmn mama ogs kun sino si madam talak hehe
ReplyDeleteNaku, totoo yung sinulat ninyo dito. Marami talagang tao na feeling nila porke marami silang datung o sikat sila ay mas nakakataas na sila sa iba. Pwede naman magreklamo in a nice way not unless na nga lang siguro kung mukhang bugnutin yung waiter.
ReplyDeleteKuya Ogie, si Mica ito from Parazzi. Hope to see you again soon! :D
Ay naku pa VIP naman sya masyado akala mo kung sino nagkaron lang ng pera buti nga sa kanya.. You shouldn't really do those things to people naman porke ba kilala ka ikaw na uunahin o masyado kana pa-importante naku kung ako ung waiter di lang yun ang gagawin ko sa mango shake nyang mayabang sya!!!
ReplyDeletego! go! samga blogs para magising ang mga pa-VIP na yan :D
may kapatid ba na aktres din ang sexy actress na ito? hehe
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteSarap siguro ng titi juice na yun, matikman nga.
ReplyDeleteButi nga sa knya pagkataas naman ng ihi Nya ngyn kala mo Kung sino. That's The thing we always keep in mind don't mess with waiters ESP people who prepares our food Kasi they can easily get even, :) haha poor talakera.
ReplyDeleteHahaha.. Si Ma'am nakatikim ng uber-asim na Mango Shake dahil sa pawisang T***. hahahahha
ReplyDeletemama ogs, ang apelyido po ba niya ay kasing-bango ng humalimuyak na bulalak? na parang kapatid ng green rose ang dating?
ReplyDeletekarma is a bitch.
sweet revenge. (ewww..sa sweetness ang mango shake nya!)
wag maging mapagmataas.
ibigay ang respeto sa lahat, mayaman man o mahirap, ke-janitor, waiter, VIP or politiko. At ibibigay din sa ating ang respeto na para sa atin kahit hindi natin hingi.
tandaan. napapagod din ang mga waiters at crew.
wala bang clue, mama ogs?
God Bless! -ca_ptjack
grabeh ha...
ReplyDeletehaha..buti nga sa knya un akala nya kng sno sya, nalasahan kya nya ang pawis na notches haha (just wondering)
ReplyDeleteAssunta De Rossi
ReplyDeletebago pa ba ito nangyari ogz? if so, baka tama yong hula sa isa (SdR) kc mukhang aborido lately yong mga tweets nya this past few days :P
ReplyDelete[yernhoj22]
da who itetch?
ReplyDeleteHindi ito si Assunta... they have been raised well by their mother at alam ko hindi sila ganito. siguro iniisip lang ng mga tao na si Assunta ito kasi may ganitong eksena si Assunta sa movie na Jologs. nagtaray sya sa barista ng coffee shop at dinuraan ng barista ung kape niya.
so Mama Ogs, da who nga ito? :) more clues please...
kaloka naman yan, oooohhhh mmmmmaaaahhhh ggggaaaahhhhddddd...
ReplyDeleteHindi daw si ADR sabi ni mama ogs sa Twitter... Parang si Gretchen? Pero di naman sila kasal no TonyBoy diva?
ReplyDeleteFotahhh bait ako sa servers pero na afraid ako sa hotel na yan..... Syet bka susunod plemanggo naman ang ilagayaaa nyahhhhhhj!
ReplyDeletetama.walang kasiguraduhan na malinis at hindi binalahura ang mga sineserve sa atin food outside.d naman natin nakikita ang actual preparation nyan,basta pagserve sa atin presentable.malay ba natin.kakatakot un plemango na yan.
ReplyDeletehahaha, seriously yung panghuling sinabi mo totoo ba yun? na from titing pawisan talaga? LOL
ReplyDeleteay may other clue kapa ba if sino si Madam Talak?haha
Si Dawn Zulueta ba ito? More clue pa please mama ogs.
ReplyDeleteOr baka si Christina Gonzales ito, yong nakapangasawa sa kapatid ni Imelda Marcos ba yon?
ReplyDeletenabasa ko na to sa isang magazine na sinusulatan dati mama ogz... may konek k daniel fernando tong sexy aktres na to diba?.. hehehe
ReplyDelete@JohnnyBee, sino itong na konek k daniel fernando ang tinutukoy mong sexy aktres? Thanks
ReplyDelete@Maria hahaha curious ka talaga kung sino noh? sino nga ba? wala na bang ibang clue jan mama ogz? @JohnnyBee sino pa ba ibang artista na nakapangawasa ng pulitiko? hmmm
ReplyDelete@dorothy, oo , ha!ha!ha! :) curious talaga ako, he!he!he! Si Dawn Zulueta, Christina Gonzales at Assunta de Rossi lang ang alam ko na nakapangasawa ng politician. Mama Ogs, more clue pa naman please.
ReplyDeleteactually, hindi ko naman 'to pinahuhulaan. ginawa ko lang sampol para maging mabait tayo sa mga waiters, dahil siyempre, 'yung iba talaga, gago. kakuntsaba pa 'yung cook.
ReplyDeleteat sa mga waiters naman, kahit ginanon kayo, ipagpasa-Diyos na lang kesa babuyin n'yo ang "grasya ng Diyos."
Pero ang overall impact: walang nakahula. Sorry. Hindi rin ito si Assunta.
Anung hotel ito?
ReplyDeletemama ogz, bigay ka nalang ng isa pang clue yung madaling mahulaan hehehe.
ReplyDeleteMama Ogs, baka si Margie Moran ito! Ha Ha Ha. Guess lang naman.
ReplyDeleteDiyos Ko Mama Ogs, sino ba talaga ito, nacurious na talaga ako, more clue please!!!!
ReplyDeletehi papa o! may konek ba sya kay uma? hehe
ReplyDeleteSheila ysrael, wife of Dan Fernandez.
ReplyDeletegawa-gawa lng siguro ito to put us some lesson parang "WANSAPANATAYM" :p
ReplyDeletehmmm...cno kya e2?...Guys, pls follow my blogs dn...
ReplyDeleteiAmAiLs.blogspot.com follow me pls... :)
ReplyDeleteomigosh! napa-AY ako ng malakas after ko mabasa ang last line. Sobra naman! E masahol pa sa karinderya ang hotel na to! Irregardless kung sino mang artista yan.
ReplyDeleteOo nga karamihan talaga sa mahihirap na biglang yumayaman eh sila talaga yung nag-iiba ang ugali kesa dun sa mga matagal ng mayayaman. Syempre dahil mahirap sila dati ngayon hindi na kaya gusto nga nila ipamuka na , mayaman na sila. hehe
ReplyDeletePero di maganda yung ginawa nung waiter ah.... kahit sabihing inis sila sa costumer di dapat nila ginawa yun....
i love your blogs ogie D. keep on blogging. i opened a google account to be able to post a comment here :)
ReplyDeletecath
sheeeetttt! na hemorrhage ako! tumagas dugo ko sa ilong.. sinetch iteyy.. di ko ma gets madam!
ReplyDeleteam glad you're blogging now...
gawin nating winner ang blog mo madam... palitan natin ng design... :)
hahaha..buti nga skanya nakatikim 2loy sya ng katas ng titing pawisan..nyahaha!
ReplyDeletebuti nga sa kanya!!! if ever kung totoo man yun!!! thats what you called "NEW RICH"!!! mga taong ngayon lang nakaranas ng magandang buhay na akalamo kung sino na!!!!to be honest kung sino pa talaga yung totoong anak mayaman yun pa ang marunong makisama sa maliliit na tao!!! sana magawa ko yan sa mga taong kinaiinisan ko na mahilig maginarte sa trabaho ko!!!! kaya lang d ko layang gawin yan!!!!
ReplyDeleteay sino itey? kaintriga!
ReplyDeletekaya dapat pakabait sa food servers...
ReplyDeletedahil sila ang huling humahawak ng pagkain...