Thursday, March 24, 2011

Batang Haggard 2

                Siguro, pinagtatakhan n'yo ngayon kung paano 'ko "naka-penetrate" sa showbiz, 'no?  
        Bigla ko tuloy naalala 'yung pag-eekstra ko (nu'ng 15-16 years old ako, 1985-86 pa 'to) sa mga pelikula ng Regal Films.  Ang uso nu'ng 80s, puro movies at soap opera pa ang tawag noon sa teleserye.
        Ang hirap maging extra sa pelikula, grabe.  Pupuntahan ka ng "caretaker" sa bahay ng kapitbahay mong si Nanay Bito.  Aalukin ka kung puwede kang mag-extra as one of the high school graduates sa "Nasaan Ka Nang Kailangan Kita?" starring Janice de Belen, Snooky Serna, Susan Roces under Regal Films. Sa Ramon Magsaysay High School (Cubao) ginawa ang shooting.
        'Andu'n ka ng 7 am, pero ang nakakalokah, alas tres na nang hapon kinunan ang eksenang graduation.  Excited pa nga 'ko, sabi ko, mapapanood ko na ang sarili ko sa sine, sa wakas.
        Nu'ng showing na, ang aga ko sa sine only to find out that I was in the state of finding out, hahaha! Dahil hindi ko ma-find out ang sarili ko sa pelikula kahit mahagingan man lang ng kamera.
        Nu'ng kinuha uli ako ni Nanay Bito sa shooting, sa Pateros naman.  Para naman daw ito sa "Send In The Clown" nina Tito, Vic at Joey kasama ang dating child star na si Rose Ann Gonzales.  
       Ka-join ko ang iba pang extra (ang tawag na ngayon, talent), dinala kami ng arkiladong dyip ni Nanay Bito.  8am na kami nakarating, pero wala pa ang mga bida.  
     Nakakalokah, one of the audience na nga lang ang papel, ni-rehearse pa kami nang todo ng crowd director kung paano magwe-wave at itataas ang kamay pag papalakpak sa panonooring eksena mamaya nina Tito, Vic & Joey sa peryahan. 
     Kung minsan, kahit anong excitement mo, nawawala kapag kumakalam na ang sikmura mo, dahil walang libreng paalmusal ang mga ekstra, kalokah.
      Pagkatapos ng rehearsal blocking ng audience, ang nakakalokah, 'yung talim ng araw nang 11am, sobrang nakakapaso sa init.  Buti nga kamo, nu'ng lunch time na, kala ko, hindi na naman kami makakakain, eh.
     Pila din sa food.  Siguro, mga 150 talents 'yon, para kaming mga preso na kung ano lang ang nakalaang food, 'yun lang, walang ekstra rice at ekstra ulam. At bahala ka sa puwesto ng kakainan mo.
       Tapos, mga 2pm na dumating ang buong cast, dahil galing pang "Eat Bulaga."  Inunang kunan ang entablado, kaya nakanganga pa kami.
       Hanggang sa kunan na kami sa audience nang bandang 4pm na. Nandiyang tumili ako nang tumili.  Umarte nang bongga ang mukha na kunwari, naa-amaze sa pinanonood sa stage.
     Nu'ng pinanood ko na naman sa sine, putik, waley na naman.
     Sa loob-loob ko, pucha, alas otso nang umaga kami dumating, kami rin ang huling umalis. Tapos, wala ni anino sa big screen? Hahaha!      
     Eto pa, ganu'ndin ang eksena, hindi ko rin nakita ang sarili ko bilang isa sa napakaraming estudyante sa "When I Fall In Love" nina Maricel Soriano, Snooky, Albert Martinez, Manilyn, Sheryl, Tina, and others na kinunan sa Dept. Of Agriculture.
    Buti na lang, nu'ng shooting, nakita ko lahat ang artista. Gusto kong kunan ng picture, eh kahit kelan naman nu'ng araw, hindi kami nagkaroon ng kodak sa bahay.
    Kaya nagkasya na lang ako sa ballpen at papel at nagpa-autograph na lang ako sa kanilang lahat na ang usong message noon ng mga artista bago pumirma:  "Love lots" at "take care and God bless!"
     Alam n'yo ba kung magkano ang bayad bilang ekstra noon sa akin nu'ng 1986?  
     70 pesos per day! Nakakalokah, pahirapan pang maningil.  Ang kapitbahay kong si Nanay Bito, kinaltasan pa nang P1.50 'yung kita ko kasi hindi raw ako pumayag magpakandong sa dyip nang back and forth. Hahaha!
     Pero hindi naman ako nagalit kay Nanay Bito no'n.  Eh, negosyo niya 'yon, eh.  Nagpasalamat pa rin ako, dahil at least, na-experience kong umekstra kahit hindi nakita sa big screen.
     Naranasan kong umarte kahit napakarami naming ekstrang iisa lang ang arte.  Naranasan kong mabilad sa araw alang-alang sa munting pangarap at kakarampot na kikitain.
    Pero di bale. Hindi ko pinagsisihan ang pag-eekstra nu'ng araw, bagkus 'yan pa nga ang naging stepping stone ko para matupad ko ang pangarap kong makita sa pelikula at tv.
     Kahit hindi kasikatan. Basta hindi na ekstra.
       

18 comments:

  1. Nako, me part 3 pa 'yan. Ikukuwento ko sa inyo kung pa'no ako na-reject sa trabaho at sobrang kawawang-kawawa 'yung feeling kong "na-discriminate" ako. Ano'ng trabaho ito?

    ReplyDelete
  2. I adore u ogie... Now nman maayos n din ang buhay mo... Masarap lng balikan yung mga pangyayaring nkatulong sa atin anuman meron tayo ngaun... Naiyak ako while reading this "batang haggard" blog mo kasi ganun din aq nung time ko... Every cents counts may maipambaon lng at mkpasok sa skul... Inspiring talaga mga ganitong kwento... Will wait for the next part.. God bless and more power! -- @itsme_thet

    ReplyDelete
  3. ang galing mo naman! ikwnto mo rin sana ang lovelife mo with your wifey! pano kayo nagkakilala at nainlove.. naks! wapak na wapak yun

    ReplyDelete
  4. wew !! super tama yan. grabe ngaun paextra-extra din ako. pati ung tungkol sa mga nabanggit mo na paghahantay na matagal at huli kapa uuwi, sa pagkain at pagtitis. pero ok lang yun baka eto rin ung simula ng pagsikat ko. handa ko naman ding tiisin lahat eh. basta hanggang kaya ko gagawin baka madiscover pa ako ng mga manager holder. hm. kuya og same parin naman naun e. ganyan na ganyan parin ung nangyayari tapus ung kita 250-500 pero pagbentang benta ka talaga may chance ng mas mataas pa jan ung kikitain mo. hm. kuya ogz. ngkita na tau before isa ako dun sa twice mo ng napapasok sa elive. remember po ba? gusto ko nga po sana maging talents nyo e. hehe pero kung ok lang. wahaha sinabi ko na po lahat ng gusto ko sabihin reply ka po a. i'm JHON ROBERT LUBAT, 16yearsold. basta po kung gusto nyo rin po ako maging talents communicate na lang po tau. tnx. nice blog po.

    ReplyDelete
  5. lahat nman ng hirap n dinanas mu before mama ogie eh bumunga n ngyn..look where you are right now..my panahon para sa lahat and ur blogs,kapupulutan tlga ng lessons.ung mga pnag daanan mu s buhay inspires me a lot.. thank's :))

    ReplyDelete
  6. Sobrang nakakaaliw ang blogserye na to mama ogz! Superlike!! Cant wait for part 3 :D

    -prodigalfan =))

    ReplyDelete
  7. ang galing mong magsulat ..ogie..bow ako sa iyo..you should take journalism..more blog , please..

    ReplyDelete
  8. wew !! super tama yan. grabe ngaun paextra-extra din ako. pati ung tungkol sa mga nabanggit mo na paghahantay na matagal at huli kapa uuwi, sa pagkain at pagtitis. pero ok lang yun baka eto rin ung simula ng pagsikat ko. handa ko naman ding tiisin lahat eh. basta hanggang kaya ko gagawin baka madiscover pa ako ng mga manager holder. hm. kuya og same parin naman naun e. ganyan na ganyan parin ung nangyayari tapus ung kita 250-500 pero pagbentang benta ka talaga may chance ng mas mataas pa jan ung kikitain mo. hm. kuya ogz. ngkita na tau before isa ako dun sa twice mo ng napapasok sa elive. remember po ba? gusto ko nga po sana maging talents nyo e. hehe pero kung ok lang. wahaha sinabi ko na po lahat ng gusto ko sabihin reply ka po a. i'm JHON ROBERT LUBAT, 16yearsold. basta po kung gusto nyo rin po ako maging talents communicate na lang po tau. tnx. nice blog po.

    ReplyDelete
  9. Ogio idol, dalian mo naman ang part 3 ng batang haggard!!! Hindi nko makapaghintay!At agree ako kay Rhesa, baka pwede naman part 4 yung love story mo... Please... Lubos lubosin mo na. :)

    ReplyDelete
  10. Thanks for this, Ogs! Kakaiba ka talaga. Curious na ako malaman kung ano 'yung moment na nakilala ka pagkaraan ng pag-e-extra mo sa pelikula. Kaabang-abang!

    ReplyDelete
  11. mama ogz! new lang me sa twitter when i discoverd ur blog, eventually naging habit ko na ang pagbasa ng mga entries mo lalo na bout life story mo super kc nakakatuwa at marami ka mapupulot na aral..cant wait for part 3. Lam mo ba naging ekstra rin ang mama ko na ngtitinda ng dyaryo at sigarilyo sa bangketa sa pelikula noon nila christopher de leon at nanette medved tungkol sa babaeng unggoy na hango sa komiks ang storya nito, nakalimutan ko na ang title eh. pero ganun din hindi ko nmn nakita si mama sa isang eksena na un! BAsta aabangan ko next entry mo!

    ReplyDelete
  12. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  13. i'll retype it again:
    hhmmm ano kayang work yun? let me guess...Medical Rep. or P.A. ng artista? whatever it was, ang importante, hindi ka nagpakalugmok (ang deep noh?)sa pangyayaring yun sa buhay mo. Look where you're at now? God really blesses people who never gives up and have humility in his heart.
    Keep inspiring us with your blogs mamaOgs! :)

    ReplyDelete
  14. galing! super nakakatuwa ang mga blog entries mo,ogie! can't wait for your next blog-entry...nakakatuwa din ang mga entries mo sa tweeter. nakaka-addict! hehehe.... :)

    ReplyDelete
  15. ogie, miss ko na magwork sa pelikula. kung bakit naman kasi kumonti na lang talaga ang nagpoprodyus ngayon e. pesteng piracy yan. Sana nung nagwowork ako kay Joey Reyes, hindi mo naramdaman na katulad ng experience mo ang experience ng mga 'talents' sa amin. @jotaghealer

    ReplyDelete
  16. Gusto ko rin mag try mag extra. magkano na kaya ang arawan ngayon? Pero gusto ko yung sa mga TV show and not sa pelikula para di ko na kelangan magbayad para sa sine para makita ang sarili ko.

    ReplyDelete
  17. mama ogs, nasa dugo mo talaga ang pag-aartista ha. bata palang, go kana sa mga movies kahit pa extra-extra ang roles. pero look naman kung nasaan na ikaw. hindi na ata kakasya sa isang calling card ang mga titulo sa ilalim ng pangalan mo ngayon, kailangan dalawang page o kaya back to back. =) nakakatuwa ka.

    love kita,
    ca_ptjack

    ReplyDelete
  18. ma ogz , hindi kaba reply sa mga sinabi ko ?

    ReplyDelete