Sunday, February 20, 2011

I-blotter Mo!

           Tingnan n'yo kung gaano kaliit ang mundo. 
           Noon, sobrang nilait-lait ni DJ Mo Twister si Ate Cristy Fermin sa radyo.  Kesyo mukha raw Shrek si Ate Cristy. Na tandang-tanda ko pa noong ikuwento ni Ate Cristy na ang mga anak niya'y labis na naapektuhan sa sobrang pambabastos ni Mo sa kanya.
           Walang pinalalampas na tao si Mo.  Kahit babae ka pa, pag hindi ka umabot sa panlasa niya, lagot ka.  Siya na ang perfect na ipinanganak sa mundo.  But in fairness, binabawian siya ni Ate Cristy.  Tinitira din niya ito sa kanyang kolum sa Bulgar.
          Masasakit na salita laban sa masasakit na salita.  Kung iisa-isahin ko pa, malolokah kayo sa sobrang  personal na banatan nila.  Walang pakialam noon si Mo sa damdamin ng mga anak ni Ate Cristy.  Ewan kung ganoon din ang feeling ng anak niya kay Bunny Paras.
          Sa paglipas ng panahon, mapapagtanto mo, ang liit lang pala ng mundo.
         Ayan at magkatabi pa sila ng upuan sa kanilang show.  Nagbibiruan, nagbubulungan, nagtatawanan, nagkakaisa ng opinyon sa mga artistang sinisita nila.
        Napansin mo ba, kapatid, parang kelan lang, 'no?  Ano kaya'ng tingin ni Mo kay Ate Cristy NGAYON?  "Shrek" pa rin ba?  "Pangit" pa rin ba si Ate Cristy kay Mo? 
      Eh, si Ate Cristy:  ang tingin ba kay Mo ay gano'n pa rin ba? Na tumaas lang nang bahagya sa gasul?  Na sabi ng mga nakaka-sex daw nito'y ang liit-liit daw ng kay Mo?
       Those were the days.
         Ngayon? Hindi na siguro.  Kalimutan na ang nakaraan.  At ito'y suklian na ng bonggang friendship.
         At wa ek, ha?  Promise, natutuwa ako, kasi okay na sila.  At sana, 'wag na silang mag-away para hindi na magbalikan pa ang masasakit na salita.
      Gano'n lang kaliit ang mundo.    Hindi mo alam kung habambuhay kayong magkagalit o kinabukasan, pagtatawanan na lang ninyo ang mga "banatan days" ninyo at back to friendship na kayo.
        Kaya ko rin namang makipagsabayan, eh. Kaso, pinili kong sundin ang payo ng mga kaibigan ko.  Sabi nila, "mag-level-up" na raw ako.   Na 'wag nang patulan si Mo.  Hayaan na lang 'yan, dahil pag hindi lumalaban nang parehas ang kalaban, eh ipagpasa-Diyos mo na lang.
        Okay, sige.  Hindi na.
         Magbibigay na lang ako ng tip sa inyo. 
        Pag ginagawan kayo ng istoryang inimbento, 'wag kayong magpaliwanag.  Siya dapat ang magpaliwanag, dahil siya ang umimbento ng kuwento. 
         Eto pa. Pag may nanakot sa inyo, lalo na kung pinagbantaan kayong "papatayin kayo," magpunta na agad sa presinto at ipa-blotter n'yo na ang pangyayari at ang taong nanakot sa inyo.
        Kung hindi naman, 'wag mong kakalimutang gamitin ang iyong kadaldalan.  I-broadcast AGAD sa mga kaibigan na kahapon o kanina ay may nagbanta sa buhay mong papatayin ka para anuman ang mangyari sa 'yo, alam na nila kung sino'ng suspek.
       'Wag nang patagalin, dahil mawawala ang kredibilidad mo pag ang tagal nang nangyari, ngayon mo lang isisiwalat. Sayang ang talino mo kung magmumukha ka lang tanga.  
       Kung wala naman at nag-iimbento ka lang ng sarili mong multo  eh pa-check-up ka, baka na-overdose ka lang ng drogang tine-take mo o ng sleeping pills na nilalaklak mo dahilan ng sobrang haba ng tulog mo.
       Higit sa lahat, bago magsabi ng, "You're the ugliest person I know," wow! Mag-isip muna.  Baka napagkamalan mong salamin 'yung taong sinasabihan mo no'n.
       Ngayon n'yo 'ko tanungin kung ano naman ang tingin ko kay Mo? 
        Basta para sa akin--hindi pangit si Mo.   
        Dahil naniniwala ako na ang mukhang 'yan ay produkto ng parents niya.  At dapat ding ika-proud ng kanyang anak. 
        After all, mai-in love ba si Rhian Ramos sa kanya kung hindi guwapong-guwapo sa itsura niya?
      
      
        
        
        
        
  

54 comments:

  1. better be the first to comment =)well, lesson learned that throwing stones will give you nothing, but there's a fortune being good to someone =) just keep it coming ogz, these posts will surely be appreciated =)

    cheerio!

    ReplyDelete
  2. Tama.. mas mabuti nang maging classy ka po. Kesa sa magimbento ng istorya tulad ng iba dyan hehehe!

    ReplyDelete
  3. Ay hind ko po yata alam ang issue sa inyo ni dj mo kung meron man .Pero hindi ko matake talaga ang style ni dj mo,kung naturalesa niya na mangokray ng kapwa at past time niya ang pagpuna ng mga nega sa iba, parang hindi bagay sakanya at kahit kanino naman hindi naman bagay ang pagiging pintasero maganda ka man o pangit.pero mas nakakahiya kung pangit ka na nga pangit pa ang ugali mo, wala ng makikitang maganda ang tao sayo.Pwede kang maging prangka at honest sa feelings na nararamdaman at nakikita mo pero sana sa maayos na paraan kase kung sasamahan mo ng pagiging maangas kuno at cool coolan mo given na chaka ka din naman nakakairita ka lang panoorin, kung ako sakanya pagdiskatahan na lang niya obserbahan muna sarili niya kung ano mga kalait lait sakanya for sure mauubusan siya ng oras para manlait ng iba.sorry sa mga fans niya hindi ko lang din talaga siya matake.

    ReplyDelete
  4. kahit di ko pa po kayo nami-meet in person, alam ko pong mabuti kayong tao, at never naging scientist. so, there's nothing to be worried of coz we'll never believe in his "imbento";) stay cool mama ogz.. cheap nya ha, kaya wag pong patulan para di maging cheap ang beauty. haha!

    ReplyDelete
  5. I enjoy reading your blog, gawa ka sana araw araw kung di busy

    ReplyDelete
  6. tama yan mama ogz, keri lang, wag mo na pansinin. masyadong papansin eh.

    atlist alam na natin kung anong perfect na gift sa kanya sa pasko... SALAMIN! hinde yata uso sa kanya ang manalamin eh. lol.

    ReplyDelete
  7. I love you Ogie! Solb na naman ang araw ko dahil sa blogpost mo. Don't worry Ogie. Kahit sino pa si Mo, lahat ay mas mukhang tao kesa sa kanya sa ugali niya. IKAKALAT KO NGA TONG BLOGPOST NA TO. Para alam ng lahat ang ganda ng ugali ni Mo Twister.

    ReplyDelete
  8. hay nku mama ogs khit di pa tyo nag kita or nagkakilala, alam ko namang in good faith ka. kaming mga follower mo ay "used" na sa kung ano ka bilang mediapersonality and as an partime actor, kaysa dun sa iba! Oo nga at "makatas" ang laman ng show, but in the end Trueliling ba ang mga ITEMS? un lng god bless u ogie! (",)!

    ReplyDelete
  9. ok naman sana ang juicy kaso minsan talga ay below the belt na sila sa pantitira sa mga artista.. although nkakatuwa at informing... nkakalungkot din naman pag nagsink in na sayo yun mga pinagsasabi nila.. pati personal na ginagwa ng mga artista nkukuhaan na ng scoop. sna nga ok na sila mo at cf , pero awkward talga matpos nila magbirahan ng magbirahan dati..

    ReplyDelete
  10. Darating dn ang KARMA sa mga taong yan mama ogs!

    ReplyDelete
  11. kuya ogie,
    bakit di mo hamunin ng suntukan si gasul,ang batang dagul,
    ng suntukan.matapang lang siya sa ere eh.grabeng manlait ng pinoy na maganda at mayaman.oportunista.

    ReplyDelete
  12. "maganda at mayaman"...thats what i supposed to write.

    ReplyDelete
  13. sa uri ng willing wiling na pang masa,hindi uubra si mo.ang uri niya ay pang mayaman.kaya di katakatakang alisin sya dun.kaya ba niyang makihalubilo
    sa mga taong di level sa pang amoy niya or yakapin at halikan sya ng mga pilipino?eh american boy yan eh.isang kahig isang tuka rin dun sa u.s.magpupunta ba yan sa pilipinas kung may career sya dun?

    pinangangalagaan lang ni willie ang show.

    sabi niya health reason?ang isang hosting sa willing willie is the sum of all his shows.so kung career move,di mas gugustuhin ko magstay pa.at di ako magpapakapagod rumaket pa.

    ReplyDelete
  14. Sir Ogz, kakampi mo kami. Ovvverrrr lang yang Mo na yan. Mas masahol pa sa babae kung makaputak. tsk tsk tsk. Sana naman sana, wag na patulan ni Rhian. Ang dami-dami pang guys dyan at saka hindi sila Bagay. Pwamis!!!

    ReplyDelete
  15. ang kapal naman ng mukha nyang si mo! akala mo kagwapo masyado, gwapo nga pero d nmn to die for, kung to gdie for man sya dati, tangina nawala na lahat ng paghanga mo sa kanya sa sobrang pangit ng ugali,. nakakatawang kailangan mong magresort sa ganyang klaseng pambibira at oa na kaprangkahan para lng pag usapan kat mag kashow. ung mga sira ulong pumapatol k mo at bnbgyan sya ng show, sana matauhan din like channel 2 kay willie r. na d kinunsintit d masikmura ang kabastusan nuon ni willy pag nakakalimot sa sarili. atleast si willy apologetic. itiong si mo. d magtatagal yan ng hus2. at pag wala na sya, pag nasalubong sa kalye yan, sino papansin sa kanya kung alam mong gwapo kang konti e napakapangit at sama naman pla ng ugali nimo! life is too short, its better to gain friends in ths lifetime than enemies. mas masarap ngumiti ke4sa makipagsimangutan. nakakalungkot na si mo na hinangaan ko dati e kinaturn offan ko ugali ngayon dahjil sa ugali nyang inexpose sa publiko. ung tunay nyang ugali, sana itinago na lng. pero ganyan ata talga pag kapit na sa patalim at wala nga makuhang project, dog eats dog. pero d ko masisikmurang ung kinakain ko galing sa panl;alait ng tao. napaka samang ugali ni mo, at napaka dalahira, daig pa ang bakla.pagdating ng karma nya,at umiiyak na yan sa pagdurusa, maiisip nya lahat ng taong binastos nyat tinarantado. huli na ang lahat. pag ganyan ugali d magtatagal ang karir kung meron man, naghihingalo na nga d ba.nawalan na nga sya ng show sa willing willy! hehehe.d ka maaawa e, matutuwa ka pa. pag yan nalasing at bumulagta, titirahin yan sa pwet ng mga baklang makakapulot sa kanya!!!!!! hanggang sumabog pwet dj mo!!!!!!!wahahaha!

    ReplyDelete
  16. ang mga tao sa show na yun,mga honghang!merong isang nagpapaka-slang,kahit tagalog iniislang!juiceko!napanood nyo ba kahapon yun? she pretended she could not undrstand what d guest was explaining about a new number game show! ang plastic nya ha! if i know!!!
    Wag mo na Ogz intindihin yan si Mo,ganun talaga ang mga kulang sa height, mayayabang! just becos he can speak english well feeling nya mas nakakalamang na siya sayo! Mabuti nga't inalis sya sa willingwillie.

    ReplyDelete
  17. heard all those "nega-made-up-stories" of DJ Mo...as in made-up tlg to the max...well jan ksi sya kumikita e, un mang apak ng kapwa nya, d sya takot s karma ksi wala sa bukabularyo nya un, all he adores are money and fame, no matter how he acquires it! un lang...so to mama Ogz, carry lang yan, mas marami nmang matatalinong tao na nakakaintindi at alam kung ano lang ang dapat paniwalaan...ok ngaun sila mo at cristy ksi may show sila e, money money ika nga...pero pag ngkasalingan ng ego mga yan mas matindi pang away yan...ganyan lang ang buhay, at least wala kang sinisiraan at iniimbentohan ng tsika...enjoy lang...care ko attitude! go lang mama ogz!

    ReplyDelete
  18. I like juicy except MOO! napaka Nia.. feeling magaling

    ReplyDelete
  19. I love you Ogie, totoo kang tao.

    ReplyDelete
  20. I believe na tinanggal yong twisted mo sa WW, what I heard is that he received a fat check from WW, (pagsabayin siguro ang lahat ng sahod nya sa ibat ibang mga show), so why would he give it up? If his reason is due to health reason, why would he continue to work in his other shows that pay way less than WW. Does Mo think people are that stupid. Kaya siguro umuwi yan dito sa Pinas kasi walang career yon doon sa pinanggalingan nya.

    ReplyDelete
  21. "NEVER EXPLAIN. Your friends do not need it and your enemies will not believe it anyway."~Elbert Hubbard. Before you say something you're going to regret saying after, think first. It's better to shut up if you have nothing good to say to that person since it'll just bounce back to you. Sana maisip yan ni MO.

    ReplyDelete
  22. sandali lang nga friends, totoo...?c rhian..??

    ReplyDelete
  23. out of topic:
    mga pinoy friends, iboto nyo naman entry ng friends ko:
    http://klmwithlove.com/photo.php?pid=1500

    click nyo lang un 5(th) heart sa ilalim ng photo... salamat! spread the good news :) appreciate it

    ReplyDelete
  24. may fans ba si Mo?daig pa nya ang bunganga ng mga chismosa sa isang barangay kahit pagsama-samahin pa..nagpapaka- controversial wala nmn xa bilang eh..go mama ogs

    ReplyDelete
  25. Ang ganda pa naman ng nga Mata ni Rhian eh bulag o duling pala at na inlove kay Mo.....

    ReplyDelete
  26. kahit di ko kau kilala i know na mabuti kang tao isang patunay na jan eh ang pagiging ama mo sa mga anak muh kc khit di ka lalaking lalaki, mas lalaki ka pa sa iba kc di mo cla pinabayaan n lumaki ng broken family.. dun pa lang sukat n pagkatao moh.. c mo kc bakla din cguro yan ayaw lang aminin! honestly b4 it happend iunfollow q n xa sa twitter kc mejo bastos mga twit nya.. englishero nga wala namang breeding!! hehe.. love k namin!

    ReplyDelete
  27. well dj mo who?being frank doesn't mean you have to be rude to people...and he is one rude entity of this world

    ReplyDelete
  28. Si DJ Mo mas bading pa sa lahat ng mga bading putak ng putak akala mo kung sinong matalino at gwapo ubod naman ng yabang at kahanginan ang ulo. Mu gosh akala mo malinis e tanga nlang si Rhian sa pagpatol sa kanya.

    Bagay nga sila ni Cristy magsama pareho silang feeling and bitter sa buhay...

    ReplyDelete
  29. I still believe in you, Ogs. Curious lang: Kamusta naman kayo ni Cristy?

    ReplyDelete
  30. mo is just an engliserong frog na nakakasawa pakingan!! English sya ang english kya maganda at sosyal sa tenga but in reality is he was boring and unhappy human being who was not appreciated by many that is why he was making his way just to grab everybody's attention...in short ATTENTION SEEKER LANG YANG FROG NA YAN!! SOMETIME I THINK ME PAGKA ADHD SYA...ma syadong hyper pati dila nya hyper!!! kaka bwisit pakingan!!!

    ReplyDelete
  31. sabi nga...birds with the same feather flock together...no wonder they enjoyed each others company right next to each other...ohhh how sweet!!!!

    ReplyDelete
  32. well ganyan naman sila shrek and donkey right????? always each other confidant....wow in all fairness showbiz has a new team to beat!!!

    ReplyDelete
  33. nag-plaplastikan lang ang mga yan...

    pero pwede rin namn silang magkaibigan...sabi nga,
    "birds with same feather, flock together".

    pareho silang STORY MAKER. kaya bagay sila.

    ReplyDelete
  34. tinira ka nanaman sa juicy.

    dapat talaga sa dalawang ito, pinatatayuan ng rebulto eh.

    http://powerchismis.blogspot.com

    ReplyDelete
  35. mas ma-shock kayo kung pinuri ako. hahahaha! ayos lang 'yon.

    ReplyDelete
  36. he is just like a dog barking with his tail between his balls but once confronted duwag.pen is still mightier than tv...gagaliiti sa galit by giving names na di totoo...what a loser!!!can he walk on the street of tondo na di bubugbugin yan?buti ka pa ogie anytime anywhere free to walk.

    my point is this,whoever speaks the truth has a peace of mind.

    ReplyDelete
  37. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  38. gasul is so desperate to get even..dragging issues that are irrelevant like yung pagkatalo ni ogie...okey kung ganun ang assumptions nya na kaya di nanalo si ogie eh dahil masama ang ugali therefore ganun din sila sen.manny villar,pres erap,sect gibo and the rest who unfortunate not to be voted??

    gasul said that "you are a cancer in this industry.."..grabe!...ogie is a responsible in this industry by working within the boundary of decency in broadcasting...one time i try to listen to gasuls podcast at lumilipad ng F word at foul words.titirahin nya pa ang kulturang pinoy...now who is the cancer in this industry?...

    ReplyDelete
  39. Buwisit na twisted MO, baka sya ang cancer ng industry!

    ReplyDelete
  40. Eto lang masasabi ko sa lahat ng pinapakita/sinasabi ni MO INSECURITY is eating him up. Words coming out from his mouth is just a reflection of what he is. PERIOD.

    ReplyDelete
  41. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  42. sabi ni cristy sa feb22 episode nla ng juicy ang mabuti daw sa kanya wala daw hatred and galit sa puso nya and hindi raw cya nagtatanim ng sama ng loob, haller kaya pala ganun cya ka bitter kay kris at kay pokwang. ano ka pa ogs kalevel mo na cla kris,pokwang,piolo,and ung iba pa na lagi nila tinitira ibig sabihin mas sikat ka kesa sa kanila lalo na jan kay mo. kaya nga sobrang late na show nila kc wala sponsor kaw ba naman tirahin lahat ng sikat na artista.basta ang importante wala ka inaapakan ibang tao para kumita.. don't mind them what they have in common is that they were all loser...

    ReplyDelete
  43. Teka mga ka-chika.. Ask ko lang po kayo kuya ogs is it true na pinopormahan daw ni cristy fermin si marian rivera???at ng hindi sya patulan eh everyday na nya tinitira??...kase daw po ng malaman ni marian rivera na type cya ni cristy ang sabi daw ng hitad hindi pa daw sya baliw para patulan si cristy..... Hmmmmm...

    ReplyDelete
  44. hay naku mama ogz...wag mo na lang pansinin yang si Mo. Sayang lang ang energy mo. Just continue what you are doing basta ba di ka scientist na tulad nila...inggit lang yang mga yan. sorry to say mga pinagsawaan ng ABS-CBN. At si Mo, ano ba naging career nyan. So just be happy. Love you mama ogz.

    ReplyDelete
  45. Ganyan naman si Mo sa simula pa lang. Tsaka alam naman natin na halos lahat ng BI sa show nila ay hindi credible. Wag mo na lang siya pansinin at nakakaubos lang ng energy. Happiness is a choice kaya continue to be happy! Wag pansinin ang mga nega. :)

    ReplyDelete
  46. ang yabang ni dj mo,philippine genius daw siya kasi innovative mga ideas niya from his radio show at podcast,eh kinopya niya lang naman style ni howard stern na nagpapaka controversial,at ang podcast niya kinopya din sa podcast noon ni adam carolla,genius niya mukha niya,mukha medyo pareho kay "MURA" yung unano,tingnan nyo pic magkamukha talaga sila ,sina mo twister ,mura at marc logan haha,pinagmamayabng din na gf niya si rhian,si rhian na natikman na ng halos lahat ng sikat sa la salle ,sina simon atkins webb ,etc.bagay nga sila,

    ReplyDelete
  47. @ conanletterman - Oo nga no, pandak nga si MO, parang DONKEY na SHORT & STOUT and he has the nerve to call other shrek. I think he looks one himself. Nakakadiri itong lalaking ito. Baka nga the reason for his failed relationships with Bunny Paras and Belinda McBride ay dahil sa ugali nya. At si Rhian din, nawalan ako ng respeto na parang walang utak at bulag na pumapatol sa lalakeng ang bibig mas grabe pa sa tunay na babae. HINDI YATA NATAKOT SI RHIAN NA PAG MAGKA-ANAK SILA IN THE FUTURE, THEIR CHILDREN MIGHT GET THE PERSONALITY OF MO! Di ba sometimes, lalabas yon sa genes? I wonder how Mo's parents are! Yon din kaya ang ugali?

    ReplyDelete
  48. @maria - si mo kasi noong 16 o 18 palang si rhian pino pormahan na niya yan eh,ngayong naging 20 lang si rhian sinagot,hahaha nahulog nalang siguro si rhian dahil sa kulit at tiyaga,isa pa sabi niya may good side naman daw si mo,pero di niya na realize baka nagbabait baitan lang si mo sa kanya,si mo kasi mabait lang sa tao pag may kelangan siya o sa mga celeb o makapangyarihang mga tao,pumipili ng kung kanino sya magiging mabait,tingnan mo kung kanino sya mga mababait,mga politiko,sina willie,mga bosses niya at mga babaeng artista na gusto niya manyakin,pero sa mga normal na tao kahit mga twitter followers niya ansama niya,mapagmataas tsk.

    ReplyDelete
  49. @conanletterman, salamat ha? Oo nga no? Ang mga kaibigan nya mga maraming pera at karamihan may mga eherm ang pangalan kagaya nina Willie, Chavit Singson, Manny Pacquiao, Lolit Solis, Annabel Rama, Daisy Romualdez, Cristy Fermin at ang sex video na si Hayden Kho na walang ka careless whisper. Parang go figure, di ba?

    ReplyDelete
  50. salamat sa lahat ng comments n'yo. nakakaaliw basahin, hahaha! i guess "tahimik" na ang kabila, kaya pansamantala, tahimik na rin muna 'ko.
    pag umarya uli, eh bahala na si lord sa kanya. buti't nandiyan kayo. salamat, salamat!

    ReplyDelete
  51. umarya uli, pero nakakaawa talaga siya. hayaan na natin. baka sa pagiging scientist niya nararamdamang tumatangkad siya. ibigay ko na sa kanya ang kaligayahan niyang 'yon.
    hindi ko na rin sinagot sa e-live, dahil puno kami ng commercials, eh. hanggang blog, twitter at newspaper lang talaga.
    Let's wish him well na lang.

    ReplyDelete
  52. ngayun ko lang ako nakabasa ng blog mo, kundi pa dahil sa tweeter di ko pa malalaman to,,, baka yun talaga way nya para mapanatili sya sa balita

    ReplyDelete