Thursday, February 10, 2011

"Gagah!"

         Nanonood ako ngayon ng "ShoutOut."  Naalala ko na naman ang "That's Entertainment" nu'ng mga 1987 to early 90s.   Struggling reporter pa lang ako no'n.  Naging stepping stone ko 'to to stardom.  Weeh! *Tumigil ka diyan sa ilusyon mo, Ogie Diaz!*
         Looking forward palagi ang byuti ko sa pagpunta sa show na ito na inumpisahan ni Kuya Germs.  Me paborito akong araw na puntahan.  Wednesday edition. Andu'n kasi si Romnick Sarmenta na binubuntut-buntutan ko.
        Kung sa'n siya nandu'n, nandu'n din ako.  Ewan ko nga kung sa loob-loob ni Romnick, gusto na niya 'kong sapakin, kasi nga, mukha na 'kong aso.  Sa recording,  sa shooting, kahit nung ni-revive nila ang "Iskul Bukol," andu'n ako lagi sa taping ni Romnick.
        Ang daming articles din akong nagawa noon about Romnick. Kasi nga, sikat na sikat siya no'n, kaya kahit umutot ang lolo mo, isyu na agad.  Although ilan na silang young actors noon na sikat na sikat.
        Witness kami nu'ng naging sila ni Harlene Bautista.  Nag-split.  Naging sila ni Sheryl Cruz.  At tingnan mo nga naman ang buhay.  Love is lovelier the second time around.  Sila ni Harlene ang nagkatuluyan at ilan na rin ang anak!
         Kahit nga sa baratillo sa probinsiya with Kuya Ike Lozada, may-I-follow the leader din ako ke Romnick.  Hindi naman masyadong halatang diehard Romnick ako, 'no?  Hahahaha!
       Wala. Naaalala ko lang.  Eto pa. Kahit wala si Romnick sa bahay nila sa Filinvest 1, andu'n ako.  Tsumitsika lang sa "best friend" kong si Mommy Julie Sarmenta (na nasa Canada na ngayon).
       Inaabot ako ng alas dose nang gabi, kakaabang na baka si idol, dumating na.  Madatnan ko man lang.  One time, nakasama ko sa hapag-kainan sa bahay nila si Romnick.  Tahimik kumain.  Ayaw dumaldal.  Hindi na rin tuloy ako nakadaldal. Behaved akong nakikain, pero may kilig.
       Sa mga gano'ng pagkakataon, masaya na 'ko.  Kasi nga, gusto ko si Romnick.  Hindi ako nagsasawa sa mukha niya.  Ni hindi rin ako nagseselos sa mga nakaka-loveteam niya, dahil unang-una, wala naman akong pekp*k para magselos.
        Isa lang akong fan.  Isang admirer.  At isang baklang nag-iilusyon.
        Hanggang sa eto na nga.  Wala na ang "That's Entertainment."   Unti-unti na ring nagpahinga ang mga bagets.  Habang pinapalitan na rin sila ng mga bagong sibol, kaya hindi na maawat ang pagtanda noon nina Keempee, Michael Locsin, Ramon Christopher, Cris Villanueva, kung sino-sino pa.
      At si Romnick, hindi na rin bata.
       NANGARAP lang akong maging isang successful na movie reporter, sumobra pa du'n.  Naging segment host ako ng "Showbiz Lingo" at "Cristyperminute."  Naging host din ng "Showbiz No. 1" at siyempre pa, ilang teleserye rin ang nilabasan ko.
       Nakalimutan ko na si Romnick noon. Busy na sa sariling career ang bakla mula nu'ng sumampa sa ABS-CBN.
       ONE TIME, nagkita kami nang di sinasadya ni Romnick sa ABS-CBN.  Sa dressing room kung saan nandu'n din ang dyowa niyang si Harlene Bautista.  Guests sila pareho sa isang show na "Homeboy" pa yata noon.  Taping 'yon.
        "Hi, Ogs!  Kumusta ka na?"
        "Eto, okay lang."  Biglang hirit ko ke Nicko, "Juice ko, parang kelan lang, 'no!  Super sinusundan kita noon kahit saan ka magpunta.   Kahit mapuyat ako, okay lang, basta happy ako na makita ka."
       "Naalala mo pa 'yon?"
       "Oo naman, idol kita, 'no!"
       "Tingnan mo nga naman ang buhay, 'no!  Eh, mas sikat ka pa sa akin ngayon, Ogie!"
        "Gagah! Hindi, ah!"
       "Basta ako, happy ako for you, Ogs!  Wag mo 'kong kakalimutan, ha?"
          "Gagah!"
         'Yun lang ang nasambit ko:  Gagah!
           

17 comments:

  1. Gagah tologo! Hehehe.. nakakatuwa naman ang follow the leader career mo dati. :)

    ReplyDelete
  2. Haha nakakatuwa naman ang pinag daanan nyo. Kung sabagay kung may guts lang akong sundan si piolo katulad nya why not hehe. Asan na po ba si Romnick?.

    ReplyDelete
  3. hahahahah! naloloka na ako mama ogsz! hanggang dito sa blog sinusundan kta...

    ReplyDelete
  4. Fannae din ako, feel ko kuwento mo. :)

    ReplyDelete
  5. Life is good mama ogz.. ♥ Stay gagah.. hihi ☺

    ReplyDelete
  6. ang sarap nmn alalahanin ng nakaraan..

    cute:)

    ReplyDelete
  7. nakakarelate ako kc superfan din ako ng that's entertainment ... kahit sinasabihan ako ng baduy ay GO pa din ako ....

    and nasubaybayan ko din career mo kaya superhappy ako sa success mo ... eto nga at nanonood ako ng mutya sa livefeed ng www.amfmph.com, kc andun ka hehehehe ...

    ReplyDelete
  8. sisikat itong blog mo... para lang ako nagbabasa ng nawalang goodtimesmanila.com dati.

    pero congratulations, ogie. isa ka sa mga iilang tagahanga na napagtagumpayang sumampa sa show business. you deserve it.

    ReplyDelete
  9. wow! bigla ko nga din nalala ang 80's , super nakaka relate ako... iba tlga ang mga artista nung 80's D' BEST!!

    ReplyDelete
  10. hahaha nakaka relate ako dito...
    ganon din ako eh..

    ReplyDelete
  11. HAHAHA! Naaliw aq sa pagbasa d2. It is supposed to be boring. Pro hindi eh kasi makakarelate lht. Good job!

    ReplyDelete
  12. Na touch naman ako sa blog mo..nakakatuwa pero may puso. mabuting tao ka kc kaya maraming blessing na dumadating sau!

    ReplyDelete
  13. Hahahahaa... Keep it up Mama Ogz. The BEst ka!!!

    ReplyDelete
  14. you're a blessed man Ogie. i'm sure marami ka ring pinagdaanang struggles before you get to where you are now. continue doing the good things at lalo ka pang ibless ng LORD. thank you for being nice and thoughtful towards KC & Piolo.I love you because of that. Sana mabasa mo 'to. thank you.

    ReplyDelete
  15. salamat sa inyo. sa ngayon, nagsasama na kami ni nicko. charrring! seriously, i'm happy for him and harlene, talagang sila pa rin ang ending.

    ReplyDelete
  16. If habulin ng habulin kita ngayon, may pag asa kaya ako sumikat din someday???

    ReplyDelete
  17. hahaha... nakakatuwa... ang daming naging idulo kuya ogz.. :)
    bakit kea ako hanggang nagyon si Rico Yan lang ang idulo ko.. kahit pa wala na siya... haaaaay

    ReplyDelete