Dapat daw, me blog ako, sabi ng followship sa twitter. Eh, minsan, daming laman ng utak ko. Gusto ko lang ibuhos. Minsan naman, tamad akong mag-isip. Gusto ko lang, mag-tweet, magtrabaho, makipaglaro sa mga anak ko.
Kaya ito, sample lang. Titingnan ko lang kung maraming makakabasa. Pero I'm sure, konti lang kasi nga, kakasimula pa lang, eh. One-two-three...test mic, test mic lang muna ang drama ko ngayon.
Maiiklian lang kayo ngayon o baka mabitin, dahil nga nagte-test mic lang ako. Wala lang. Hindi ko lang alam kung gaganahan akong ituloy ito o magko-concentrate na lang ako sa twitter account ko na may 102k followers na. Naks!
Yun lang. Sige nga, himukin n'yo akong mag-emote at gumawa ng blog. Iniisip ko kasi, baka naman ma-addict na 'ko dito at hindi na 'ko makapagtrabaho. Eh, ang dami pa naman akong tanggap na labada and at the same time, ang daming bayarin.
Sabi nga ng Clusivol ad, bawal ang magkasakit. Kaya hindi puwede. Dalawang pamilya ang sinusuportahan ko at me monthly ammort pa ko sa kotse at sa house na kinuha ko.
O, siya, parang paalam ako nang paalam nang walang katapusan sa inyo. Gano'n nga siguro ang buhay. Habang may buhay, hindi natatapos ang pagtikatik ng oras. Kasabay ng pagdating mga problema at pagsubok sa buhay.
Harapin lang, 'wag talikuran. Pag tinalikuran, dadami pa 'yan. Harapin. Pag-isipang i-resolve. Labanan. At panagumpayan.
Laging tatandaan, ang patay lang ang hindi na nanganganak ang problema. So le'ts thank God for the life He gave us. Enjoy life. Minsan lang 'to, gawin mong makasaysayan, makatuturan na pag nawala ka na sa mundo, maalala ka pa rin.
Sana, dahil sa kabutihan mo, hindi dahil sa kasamaan.
ayos to.. maglagay ka ng mga "spicy" tidbits para mas marami magbasa.. kasi sa twitter mga simply lang.. goodluck..
ReplyDeletekeep blogging. :) umalingaw-ngaw ang mic mo hanggang maryland.
ReplyDeleteTuloy mo lang yan Mama Ogs :) Kung sa Twitter, marami ka na followers, for sure mas marami dito. Mas aliw magbasa ng blogs kasi di naman limited ung entries unlike sa Twitter na madami pang echuserang froglita. Hahaha! :) Pwede mo rin isync to sa Twitter para pag may posts ka makita agad ng followers mo at maka-usi agad sila. :)
ReplyDeletego..go..go..aabangan ko to parati.
ReplyDeleteNaks naman Ogie sana tuloy tuloy po ang blog nyo kahit mukhang busy kyo.. Congrats sa blog mo & more power! For sure maraming mag-aabang sa mga post mo.. =)
ReplyDeleteBongga! Welcome ditey sa blogging world!. Maraming susuporta sa inyo lalo dito kung sa twitter eh 120k dito milyon na. Pwede nyo ipost ang mga B.I nyo dito para mas marami makabasa. Good Luck Mama Ogs!
ReplyDeletepwede din ba akong mag-block dito pag "bume-below-the-belt" na ang iba?
ReplyDeletehi, ogie :)
ReplyDeleteplease do keep this up! you've been my companion since my bar review days, and boy, did you keep me alive and sane :)
hugs and kisses and everything good in between :)
love lots and God bless!
wow galing! follow me also @ my blog. is2ryahe.blogspot.com --- Galing mo sa mUTYa!
ReplyDeletepwding pwdi po just go to the setting tab adjust it to your desired comment setting then you can remove comments at your comment tab po.
Ipagpatuloy nyo lang po, first blog nyo pa lang nakakaaliw ng, ano pa kaya ang mga susunod, di ba? hehehe :)
ReplyDeleteHi welcome sa blogging!pa promote naman blog ko para minsan mabasa din ng mga fans mo.(umeksena)
ReplyDeletehaha tandaan:ang katotohanan ay hindi blog,pipi't bingi!PAK!
lifesoshorty.blogspot.com
yey! ako din nag test mic na mag blog hihi! go for it mama ogs.. ☺♥
ReplyDeletePwede po idelete ang kumento o gawing private lamang :)
ReplyDeleteayan na.. blogger na si Ogie Diaz... Keep it up!
ReplyDeleteGO GO GO GO!
As far I know mahirap mag block dito sa blog, kasi if mag block ka you need the IP address of the person na gusto mong i-block or di kaya you need to tell the bloghost site na gusto mong i block ang isang blog unlike in social networking sites, eh pag feel mo silang i-block pag bume-below-the-belt eh di go click kalang sa block button pero sa blogging iba kasi eh. :D
ReplyDeletePapa O congrats! Ilagay rin kita sa blog ko ( mundane-to-sundane.blogspot.com) under Blogs I am following.
ReplyDeleteFrom Steff :)
kering keri teh! ituloy mo itey ;)
ReplyDeletehi ogie, i enjoy your kind of humor... i would love to see them here in your blog.
ReplyDeletei think i should also create my own tweeter account...
good luck...may you have may more readers and followers!
Orly
Just keep it coming ogie! people will surely appreciate any thoughts from you... care to ask about anything if you feel uncomfortable with it... happy blogging =)
ReplyDeleteHappy ako talaga kasi hindi lang sa Twitter kita masisilayan. Gusto kita magsulat. Go, go, go!
ReplyDeletefollow kita d2 kc talagang fan mo ako ... lagi kong aabangan ang blogs mo ... ingatz!
ReplyDeleteLOVE it:)
ReplyDeletePagpatuloy mu lng mama ogs. Hindi gnun kabilis dumami followers pro dadami dn yan. I'll wait for more! Good job!
ReplyDeletecool!kaabang-abang nnman ito goodluck po..
ReplyDeletesalamat sa "mainit" na pagtanggap sa aking blog site. isa itong hudyat na dapat kong ituloy-tuloy. salamat sa inyo at 'wag kayong magsasawa. Naku, pag nagsawa kayo.... wala akong magagawa. hehehe.
ReplyDeleteTuloy-tuloy lang, Ogie. Laging tandaan, mas maraming nagmamahal sa 'yo kesa mga nagmamapait. Mahal ka namin...
ReplyDeletebuti ka nga eh., ako walang nagcocoment ni isa nyahahahha dapat pinalitan ko ng trying hard blogger ang title ko hahahah
ReplyDeletethe trying hard haggardness blogger mom! ayos!
hahahaha ang kulet ni mama ogz.. ilove u!
ReplyDelete