Ang agang nabanat ang mga bones ko sa trabaho, alam n'yo ba 'yon?
Juice ko, kung alam n'yo lang ang pinagdaanan ko nu'ng araw. Baklang, este, batang paslit pa lang ako, exposed na 'ko sa kalye. Explorer ako, eh. Pero wala akong bangs noon tulad ni Dora.
Ang realization ko na bading ako--pero itinago ko--7 years old ako. Ang aga kong na-haggard, teh.
Grade 1 pa lang sa Mababang Paaralan ng Pio del Pilar sa Pureza (sino sa inyo ang ka-batch '83 ko?), isa na akong gala. Naglalakad lang nang wala namang direksiyon na ang tanging alam ko lang, may direksiyon ang pangangarap ko nang gising.
Mula Ramon Magsaysay Boulevard hanggang sa Altura, Sta. Mesa, nilalakad ko 'yan. Mga dalawang kilometro yata ang layo niyan sa bahay namin sa Loreto, Sampaloc, tantiya ko. Juice ko, ang bahay namin doon, sinlaki lang ng CR ng isang milyonaryo na may second floor. 54 square meters lang ang floor area, pero sampu kaming nakatira.
Pag matagal akong wala pa sa bahay, hindi naman ako hinahanap ng nanay ko, si Aling Mameng. Basta walang nagsusumbong na kapitbahay sa kanya na may inaway ang anak niya, panatag ang loob ng madir.
Sabi ko nga, gala ako nang gala, wala naman akong nahihita. Kaya naisip ko, ba't kaya hindi ako magtinda ng bibingka? Ang bibingka noon, hindi 'yung niluto sa uling at uling din ang nasa ibabaw, ha?
Hindi rin 'to keps. Ibang bibingka 'to. 'Yung malagkit na bigas, na ito muna ang ipa-flat sa tray, tapos, bababawan ng matamis na latik ba 'yon?
P54.00 ang puhunan. Tapos, pag naubos, merong 6 pesos na tubo. Keri na. Sisigaw lang ang bakla ng, "Aaaaay, biiiiibiiiingkaaaa!!!" nang powerful, maglalabasan na ang mga utaw para bumili.
Pero ngayon nga, wala nang halaga ang diyes sentimos. Nakakalungkot, kasi, sinisipa na lang sa kalye 'yan hanggang piso, dahil parang wala na ngang halaga. Ay, nako, ako nga, pinupulot ko talaga 'yan, 'no! Sabi nga, hindi mabubuo ang piso kung walang diyes o singko.
Naranasan ko na nga rin na manguha ng kanimbaboy, eh. Makakuha ako ng dalawang galon (ng basyo ng pintura) ng kanimbaboy sa mga kapitbahay, irarasyon ko kay Aling Ligaya, meron na 'kong piso, eh.
Naggagala rin ako noon para maghanap ng kanal na ang puwesto ay sa harap ng tindahan. Hinahalukay ko 'yung kanal, dahil dito, siguradong hindi ako mabobokya. Pag nakakuha ako ng mga coins sa pangangapa sa kanal, maghahanap naman ako ng lupa.
Kukuskusin ko ng sakong ko sa lupa ang nangitim nang coins na galing kanal para bumalik sa dating kulay na silver o bronze ('yung singkong bulaklak). Nakakadalawang piso rin ako ng kapa sa kanal. Kaso, kung minsan, me regalong sugat sa daliri mula sa basag na boteng nakapa.
Kaya 'yung nanay ko, pag me dala akong pasalubong na pandesal sa kanya sa hapon, nag-iisip na 'yan na baka nanghingi ako o nagnakaw ako, kaya nakabili ako ng tinapay. Ang sinasabi ko lang sa kanya na tumubo ako, 'yung sa pagtitinda ko ng bibingka, hindi 'yung pangangapa sa kanal.
Nu'ng nakaipon nga ako ng pera, ang ginawa ko, nagtinda ako ng mga manggang hilaw, singkamas at pinya sa harap ng inuupahan naming bahay (na P550/month). Pero may istorya 'yon.
Sa sobrang pagtitipid ko, mula Ramon Magsaysay hanggang Divisoria, nilalakad ko 'yan kasama ang "kasosyo" ko sa pagtitinda, si Nenek (si Veronica). Hindi naman ako naiinip, dahil gusto ko ngang gumala, di ba?
Umpisa ng lakad sa Legarda, papuntang Bustillos, tapos, Gastambide, tapos, sa Recto. Pag nakita ko na 'yung karatula ng Odeon Theater sa Avenida Rizal, senyales 'yon na konting lakad na lang at malapit na ang Divisoria.
Juice ko, kaya kung minsan, ayoko nang may kasama sa pamimili, eh. Bising-busy ako sa pagka-canvass, tapos, 'yung kasama mo, hapong-hapo na sa kalalakad at magdadayalog ng, "'Gie, sakay na tayo ng dyip pag-uwi, ha? Pagod na 'ko, eh!"
Kaya nasisira 'yung unang plano na maglalakad pa rin pabalik, dahil pati budget, nasisira, dahil wala sa plano ang sumakay pauwi.
Nakakatawa nga, eh. Pagsakay namin ng dyip ni Nenek, otomatik na ang drama namin: nagkakandungan na kami kahit kami pa lang ang unang pasahero ng dyip ng byaheng Divisoria-Cubao.
Nu'ng 11 years old ako, namasukan naman akong yaya sa dalawang apo ni Aling Goring. Pumapasok kasi sa office 'yung madir, pero walang yayabels, kaya nagprisinta ako. Piso kada araw, libre ang kain. Pumayag ang nanay ko, kasi, ang katwiran niya, at least, alam niya kung nasaan ang anak niya.
Nakaipon din ako noon. Bakasyon kasi 'yon, eh. Pero nu'ng pasukan na, wa na, 'no! OA na. Masyadong pampelikula na kung galing school, tapos, mag-aalaga uli ng dalawang bata? Hello!
Ang ginawa ko na lang, nagtinda ako ng banana cue sa Conpinco Marketing along Ramon Magsaysay Boulevard lang. Appliance Center ito na ngayon ay Save More na, 'yung katapat ng Mercury Drug. Dito sa Conpinco nagtrabaho bilang accounting clerk ang panganay sa walong magkakapatid, si Kuya Edgar.
75 cents kada stick (dalawang saging 'yon) ang puhunan ko. Ibebenta ko ng piso, me beinte singko sentimos akong tubo. Konti lang ang empleyado sa Conpinco, eh, kaya 20 sticks lang ang hinahango ko ke Aling Perla. Hindi na masama. Meron akong tubong 5 pesos.
Hanggang high school 'yon. Pag-uwi ng bahay sa tanghali galing Mataas Na Paaralan Ng V. Mapa sa Mendiola, idlip sandali, dahil 2pm ko hahanguin 'yung banana cue kay Aling Perla. Weekdays, 'yun na ang routine ko, kaya hindi na rin ako nanghihingi ng baon sa nanay ko.
Nagtinda rin ako ng diyaryo sa kahabaan ng E. dela Fuente Avenue sa umaga, tapos, sa hapon, magtitinda ako ng yosi sa traffic. Naranasan ko nang masagasaan ng taxi, mahulog sa 8-wheeler truck, dahil mali ang talon ko.
Pero eventually, kahit gaano kabilis 'yung mga sinasampahan kong dyip, nakakatalon ako nang bongga. Basta 'wag sabay ang bagsak ng paa mo para pangkalso mo 'yung huling paang babagsak para bumalanse ka.
Ilan lang 'yan sa mga naging trabaho ko nu'ng bata ako. Ayaw ng nanay ko na magtrabaho ako, pero matigas ang ulo ko, eh. Pag meron akong naisip na alam kong makakatulong at alam kong kaya kong gawin, kailangan, gawin ko, dahil sayang ang panahon.
Juice ko, hindi naman kami mayaman. Ang tatay ko (si Mang Poldo), taxi driver na P100/day lang ang kita. Ang nanay ko, tatlong putahe lang ang kayang itinda sa maliit niyang karinderya sa may bintana lang namin. Ang panganay na si Kuya Edgar, accountant. Ang pangalawang si Ate Edna, factory worker sa Mattel Philippines.
Si Ate Emily, deaf siya, pero masipag sa bahay; si Junior naman, nangungubra lang sa Jai-Alai na pag napuputukan, eh apektado kaming lahat, dahil aabonohan niya ang tumamang taya sa kanya; si Oca naman, blackship ng taon--mas umiinom ng alak kesa tubig (sana naman, walang tama sa atay ang potah ngayon).
Tapos, pang-anim ako at 'yung sumunod na dalawa, mga toddler pa lang. Kaya ako ang pang-anim at ako ang "in demand" bilang utusan ng pamilya.
Hay, nako, napapahaba na. Pero isusunod ko agad ang part 2. Marami pa akong "karanasang" gustong i-share sa inyo. Marami pa akong trabahong pinasukan. Marami akong trabahong alam.
Hindi ako natatakot bumalik sa hirap, kasi, galing ako doon. Pero naging inspirasyon ko 'yon, naging motivation ko 'yon para mag-ipon ako, dahil ayoko nang bumalik ang pamilya ko sa hirap.
Kaya kung sasagutin ko 'yung tanong sa tv commercial ng isang brand ng kape? "Ikaw, para kanino ka bumabangon?"
Ang sagot ko: "Para sa pamilya ko."
omg!.. ang daming raket nun ah.. sipag mo naman.. at grabe ang memory mo teh!.. ;-)
ReplyDeleteang galing mo ogie!!! nakakabilib.... maswerte ang mga anak mo dahil cgurado clang kahit anong mangyari, di cla magugutom dahil madiskarte ka... mas lalake ka pa kaysa sa straight na lalake sa galing mong dumiskarte at mag manage ng pera...
ReplyDeleteAng galing nyo po mama ogs!! D katulad ng Kuya kong batugan ang laki laki ng katawan eh hindi mapgaral ang anak at mapakain laging umaasa sa mga balikbayang dumadating.
ReplyDelete.. kasipag naman, :)
ReplyDelete,.
..
.
.
.di ko kaya yan,, hehehhe
madiskarte sa buhay and mapagmahal sa pamilya. sobrang blessed ng asawa mo at mga anak mo to have you. very insipiring
ReplyDeletekaya pinagpapala ka eh! same lang tau..once upon a time naging batang kalye din ako, ngtitinda ng dyaryo, magasin, komiks(uso pa noon) etc. sa bangketa..sa gabi hangang umaga ngbabantay para makapagpahinga si madir tapos knabukasan papasok sa skul (high skul) na wala pang tulog huh!. Pero gusto ko nmn un kc naka2kupit ako hehe..
ReplyDeletegusto ko 'to! nice blog.
ReplyDeleteIsa ka sa mga tinitingala ko at iginagalang sa showbiz. Gusto kong maging katulad mo. O kung hindi man, gusto kong gayahin ang mga prinsipyo mo sa buhay. Sa pagsulat ng ganito, hindi mo alam kung paano ka nakakapagbahagi ng mga kaalaman sa amin na aming isasabuhay dahil idolo ka namin.
ReplyDeleteBilang isang bakla, proud na proud ako sa 'yo kasi isa kang patunay na maaari ring maging tatay at matibay na haligi ng tahanan ang mga katulad natin. Isa kang buhay na dahilan kung bakit maaari nating masabing may karapatang igalang ang mga katulad natin.
Noong bago pa lang ako sa showbiz, sobrang mahiyain ako, takot ako sa mga tao kasi parang hindi totoo ang lahat. Parang ang hirap kausap ng lahat. Dalawang beses tayong nagkasalubong sa ABS-CBN noon at nagulat ako na kilala mo pala ako. 'Yung una, kinumusta mo ako sa UKG. 'Yung pangalawa, nagkasalubong lang tayo at binati mo pa rin ako. Natuwa ako kasi isa ka sa mga matataas na pero marunong pa ring yumuko. Ngayon, nagkikita tayo sa mga presscon at kung saan saan pa, at ni minsan ay hindi kita kinakitaan ng pagmamaasim. Salamat sa pagtulong sa akin na maramdaman ko ang comfort sa mundong ito. Salamat, Mama Ogz... at sa blog entry mo na ito, lalo pang tumaas ang tingin ko sa 'yo. Pag nakita kita pwede po pa-hug?
=)
twitter.com/bekimon23
Kaya naman gusto ko talaga ang mga kakanin...banana-q, puto, suman, gatas ng kalabaw, maruya, etc... kasi naaalala ko yung mga tinderang naghihirap para kumita ng pera. Sila ang mga taong marunong humawak ng pera at malalim ang pagtingin sa buhay.
ReplyDeleteI love this entry, Mama Ogz. It goes to show that you don't forget where you came from and that keeps you grounded. Mas masarap hangaan ang mga taong gaya mo na hindi kinahihiya ang pinanggalingan. Sana talaga malayong malayo pa ang marating mo sa buhay. Pati na rin ng pamilya mo. God bless.
ReplyDeletethat was very inspiring!
ReplyDeleteawww..nakakarelate :o)
ReplyDeletemama ogs,
ReplyDeletegrabe ang pinagdaanan mo nun. im so proud of you naman kasi napakasipag mo. at nagbunga naman ang lahat ng iyon. kaya deserving ka sa anumang blessing na tinatamasa mo ngayon at ng iyong pamilya.
di ko man napagdaanan ang ganun nung bata ako, pero humahanga ako sa mga taong ganun ang pagsisikap. hindi nagpabaya at nagpatambay-tambay sa kalye.
looking forward to your next blog.
God Bless!
love kita,
ca_ptjack
excited for part 2... nakaka inspire ang life story mo.
ReplyDeletepang MMK :)
grabi bilib ako sa iyo...may kusang palo ka at masipag...kaya ka pinagpapala ng diyos
ReplyDelete...galing sipag nyo po..nakakainspire...swerte nmn ng mrs mo at mga anak...!!!tnx for sharing ur blog with US....waiting for PART 2...godbless po.....
ReplyDeleteUr blog is very inspiring..at alam ko madami sa aming sumabaybay sa blog mo makarelate. We worked so hard now para talaga sa pamilya, na sanay di maranasan ng mga anak natin ang mga naranasan natin noon. Keep it up Ogie! Mabuhay ka!
ReplyDeleteKahanga-hanga ka MamaOgs.. Keep it up!!
ReplyDeleteYou're the most interesting person around. I love reading your post. Ang saya tuloy ng araw ko. Keep them coming :)
ReplyDeleteI love this blog entry!!! so proud of you mama ogz, iba ka talaga!! Your kids are so lucky to have you as their dad. Keep it up!! <3
ReplyDelete-prodigalfan
more power ..ogs ...i love your blog...
ReplyDeleteeversince fan mo na ako..
Mama Ogs, bilib talaga ako sa yo, hard worker ka at you are a responsible parent. I love you Mama Ogs. Lagi kitang pinanood sa E-Live, sana habaan pa ang exposure mo Mama Ogs sa show na yan.
ReplyDelete@bunchiecupcake God really made everything possible for u to prosper kse masipag ka and u honor ur parents. Nde malabong maging nxt Kuya Germs ka(milliionaire)! Keep it up and give God the glory He deserves bcoz without Him u can do nothing.God bless,Ogie!
ReplyDeletevery inspiring teh at the same time perspiring.. hehehe.. kidding aside, galing mo teh naisip mo lhat un.. bravo... sana lahat ng anak maging gnyan isip katulad mo, at kahit ako kahit konti lng ng ngawa mo pra in the future maging successful din ako katulad mo.. keep it up.. im beginning to love you na.. catch me im in love.. wapak! prang sasa and gege lng eh.. ahihihi
ReplyDeletesaludo ako sayo...sa sipag at pagmamahal mo sa pamilya mo...kya nga, may magsara mang pinto ng mawala ka sa isang radio station with Ms. L, may nagbukas na bintana...at isa pang pinto (DZRH, Mutya at E-Live)...God bless you...
ReplyDeleteIdol talaga kita Ogie Diaz!!!
ReplyDeleteCan't wait for Part 2, Ogs.
ReplyDeleteI've liked you ever since. I saw you twice already at ABS-CBN about two years ago but I was too embarrassed to approach you. Kasi kadalasan medyo mataray ang dating ng entertainment press people. But when you opened yourself through Twitter and Blogspot, I realized I should have said hello to you. Mabuti pala ang puso mo at hindi nakakalimutan sa pinanggalingan mo.
nakakatuwa talagang basahin ang mga post mo mama ogs.. effect na effect!!kudos inay banak!!!
ReplyDeletethe best so far ogz, my He bless your family :))
ReplyDeleteinspiring! god bless you! :)
ReplyDeletehindi ko maintindihan ang sarili ko. funny naman ang pagkaka narrate mo pero naluha ako nung binasa ko...kung lahat ng tao masipag at madiskarte, wala sigurong naghihikahos. God Bless
ReplyDeletea story worth telLing.. ang gaLeng ogie! a salute to you! :)
ReplyDeletecan't help but laugh sa line mo na: EXPLORER AKO NUN PERO WALA PA AKONG BANGS NOON LIKE DORA. :) Naging favorite ng daughter ko si Dora when she was 3yrs.old. Pero wala din siyang bangs. ;p
ReplyDeleteAlready read Book 2 of BH...waiting for Book 3! entertaining and inspiring to read your life story mama Ogs.
this is very inspiring!
ReplyDeletepano ka ba naging pokpok mama ogz?
ReplyDeleteoverwhelming naman ang inyong mga comments. dahil diyan, isusunod ko na agad ang "Batang Haggard 3." Salamat, salamat, kung kayo ay na-inspire ko.
ReplyDeletewhat an inspiring post!
ReplyDeleteNkakaiyak nmn po mama ogs...nakaka-inspire lalo na sa isang bansang puno ng mahihirap.
ReplyDeletesir ogie...super love na kita kc mabait ka at walang arte... isa kang totoong tao...ramdam ko yun kahit hindi kita lubusang kilala.... you deserved everything kung ano man meron ka at kung ano ka man ngayon na.... more blessings to come, good health & God bless always.... love yah sir ogie!!! mwah... thank you so much again dahil sayo natupad ang isa sa mga pangarap ko... makita at mayakap ng personal ang aking super idol na si papa piolo.... super happy...
ReplyDeletesipag mo kuy ogie.. kaya ka pinagpapala....
ReplyDeleteSuper sipag naman! kahit isa sa nabanggit mong nagawa mo na,Ni isa wala pa kong nagagawa. I salute you!
ReplyDelete