Sunday, April 1, 2012

"Buti hindi ka dumami, 'no?"

       Totoo 'yung sinasabi nila na kahit anong ingat mo, kahit anong iwas mo, me makakasalubong at makakasalubong kang mga nilalang na akala mo sa una ay mabait o nakakaawa, pero pag nag-umpisa nang magsalita o magpakita agad ng negang ugali, nate-turn off ka na.
     Sabagay, kung okey ba silang magsalita at nagpakita agad ng kabaitan, mate-turn on ka ba?  Agad-agad?  Hindi naman siguro.
       Tulad na lang nu'ng Palm Sunday na isa ring April Fool's Day nu'ng April 1 ay nagsimba ako.  And at the same time, gusto ko ring pabasbasan ke Father ang binili kong palaspas.
      Pagkatapos ng misa ay nag-announce na ang pari na lumapit ang may mga bitbit na palaspas para kanya nang basbasan.  So isa-isa nang naglapitan. 
     Kinaway-kaway namin ang nakataas na palaspas para madiligan ng holy water at siyempre, normal lang na pati ikaw na may hawak ng palaspas ay mawisikan na rin ng holy water na nandu'n ang feeling na, mabe-bless din tayo ng Panginoon ng kanyang banal na tubig.  
      Pagkatapos ay naghiwa-hiwalay na at nagsiuwian na.  
      'Yung isang kasabay kong mama na nasa kuwarenta mahigit na ang edad ay nginitian ako at nilapitan ako habang naglalakaran na palayo ng simbahan.
       Walang kaabog-abog at walang kabakel-bakel niyang sinabi nang nakangisi, "Buti hindi ka dumami, 'no?"
        Sa loob-loob ko, alin?  Ako, dadami?  Nu'ng?  Ah, nu'ng nagwisik ng holy water si Father, 'yun ba 'yong moment na 'yon?  Teka muna, kilala ba kita? Ni hindi nga tayo close, mukhang prenteng-prente ka kung maka-joke diyan, ah? Okay ka lang?
        Kung idadaan ko naman 'tong mamang 'to sa ngiti, sabay deadma, baka isipin niya, close na kami at tinanggap ko agad-agad ang biro niya, di ba?  Kung ikokorek ko naman ang lolo mo eh baka magtalo pa kami at sabihin niya, "Ikaw naman, hindi ka na mabiro."
      Na ano naman ang isasagot ko? "'Wag mo 'kong bibiruin, hindi tayo close."  Mukha namang mataray ang dating ko no'n.  Miss Friendship pa naman ako sa ganyan. Hahaha!
       Kaya sinagot ko na lang ang kanyang, "Buti, hindi ka dumami, 'no?" ng, "Sana nga ho, dumami na lang ako eh 'no?  Kesa naman tulad n'yo ang dumami, 'no, manong?" nang nakangiti pa rin, but with sarcasm.
       Kung minsan, tine-test talaga tayo ni Lord kung gaano kahaba ang pasensiyang puwede mong ilaan para sa ibibigay Niyang sitwasyon.
       Pag gusto mong magalit agad, 'wag muna.  Hunos-dili ka muna.  I-compose ang sarili, 'wag padadala sa init ng ulo. Hingang malalim.  Kung kaya pa, count 1 to 100--pambaba lang ng hypertension.
       Kung puwedeng pag-isipang maigi ang irereak.  Kung puwedeng umalis ka muna para magpalamig para hindi na lumala pa, gawin mo.
      Pero kung agarang reaksiyon ang kailangan, eh tingala ka muna at sambitin mo sa sarili, "Lord, bahala Ka na po sa akin at sa taong kausap ko ngayon, ha? Alis na po ako!"
    Pero pasensiya ka na, Lord, ha?  Hindi ko nagawa ang gusto Mo po at sinagot ko 'yung mamang 'yon.
    Pero sana naman, Lord, pang-Ms. U na ang naging sagot ko, ha?  
      Hahahaha!
    Ayan, nakakatawa na 'ko.

        

6 comments:

  1. :)
    lol. mangookray din ako sa mga friends ko at lalo na sa mga gay friends. Pero, siyempre kaclose naman. Pero minsan hindi naman ibig sabihin na kaclose ay laging pwedeng okrayin. Sa mga mangOokray katulad ko, sabi nga ng mga comedians, may tamang timing at lugar para sa mga hirit natin. Kasi nakakasakit din tayo, kahit pa sabihin na kaclose natin.. :) rakenrawl lang.. :)

    ReplyDelete
  2. hahaha .. it's so nice! Kung ako dun I will say "OMG! Do I know you? Close tayo, manong?! Sana ho dumami kayo.. end of the world na talaga!"

    ReplyDelete
  3. Marami talaga ang tao sa mundo na basta na lang salita ng salita without even realizing kung ano ang magiging reaksyon ng sinasabihan nila. Sabi nga nila, kung walang magandang sasabihin, it's better na manahimik na lang. Si mamang 'offender' and isa sa mga halimbawa nito. Buti na lang at inihandle mo ang sitwasyon in a nice manner. Good Job! Have a great and fruitful Holy Week! :)

    ReplyDelete
  4. Pareho pala tayo na sinubok din ni Lord noong Palm Sunday, kasi sa lugar namin,kapansin-pansin talagang madami ang nag sisimba pag may okasyon,kaya, may mga tao ka talagang makikita na alam mong bihira kung mag simba,sabi nga ng anak kong babae kung wala lang daw sa loob ng simbahan baka na hampas na nya ng palaspas yong bata sa likod namin,kasi kinukulit ng panganay na kapatid yong bunso niyang kapatid, at ang ingay-ingay nong batang maliit,d man lang sawayin nong nanay,pinapagalitan pa nya na ang akala nila nasa bahay pa sila dahil malakas yong boses niya, tapos nong mag communion na, sinabi na row by row,sukat ba naman tumayo yong nanay at dala-dala ang anak nyang natutulog at dumiretso don sa pila para mag communion,pinag sabihan tuloy siya nong mga nag assist sa simbahan.Kaloka talaga yong nanay na yon.Minsan talaga sa mismong tahanan ka ng Panginoon susubukan kung kaya mong unawain o magpapa-apekto ka sa mga nakikita mong kamalian ng kapwa mo.pag dating naman sa parking lot,gusto lahat maunang lumabas, hindi marunong magbigay.hay, naku!,Praise the Lord!

    ReplyDelete
  5. This is very inspiring. Minsan di ko pinapatulan kasi di kami ka-level. Ayokong sumikat siyang ng dahil sakin. Haha. Pero pag nakakainis na talaga, sinasagot ko sila ng kagaya ng sagot mo.

    ReplyDelete
  6. Lol those annoying people.. The way you handled the situation was perfect. I'm sure napahiya sya sa sarili nya sa sinagot mo sa kanya haha

    ReplyDelete